Maxine's POV
Ngayong araw na ang libing ni kuya. Ilang araw na ang nakalipas. Ang bilis ng takbo ng araw ngayon kapag madami kang ginagawa. Nandito ako ngayon sa bahay kasama si Tayler. Absent lahat ng mga dadalo sa libing ni kuya. Kahit hindi pa nila lubusang kilala si kuya pero dumalo pa rin sila. Iilan lang kami sa magaganap na libing mamaya. Aalis na sin kami maya-maya. Nandito ako sa salas habang si Tayler ay nasa taas nagaayos pa.
Ihahatid na namin si kuya sa huling hantungan niya. Ito na ang huling araw na makikita ko siya ng personal ay makakasama kahit saglit. Madami pa sana kaming gagawin ni kuya pero hindi na 'yon mangyayari. August 18 ngayon. Hinding-hindi ko kakalimutan ang araw na ito. Siguro, sa bawat kaarawan ko na dadaan hindi ako magiging masaya dahil sa araw na 'yon mismo namatay si kuya.
Lahat talaga may hangganan. Walang makakapagsabi kung kailan darating ang huling araw ng tao dito sa mundong 'to. Mundo sa pagitan ng langit at impyerno. Sa tao na nakadepende kung sa langit or sa impyerno siya mapupunta. Alam ko na kung saan pupunta si kuya. Magiging masaya siya sa piling ni papa. Aalagan siya ni papa doon. Susubukan ko namang ayusin ang buhay ko. Kasama ko naman si Tayler kaya wala na dapat akong ikabahala.
Kakayanin ko ang mga pagsubok na darating sa buhay ko. Kakayanin ko 'yon dahil nandiyan sina Tayler na tutulong sa akin. Nakita ko na siyang pababa ng hagdan. Lumapit siya sa akin. Umupo naman siya sa tabi ko."Ready kana ba?"tanong niya sa akin.
Humugot muna ako ng maikling hininga."Ready na."sagot ko.
May bumusinang sasakyan sa labas."Nandiyan na sila."si Tayler.
Kinuha ko na ang maliit na shoulder bag ko at susi ng bahay. Lumabas na kami ng bahay. Nilock ko muna ang pinto ng bahay. Nakita ko na ang sasakyan nina Justine at ang sasakyan na kung saan sakay-sakay ang kabaong ni kuya."Tayo na Max."sabi ni Andrea na nasa sasakyan nina Summer.
"Sige."sabi ko naman sa kanya."Justine, larga na kayo, susunod na kami ni Tayler."baling ko naman kay Justine.
Tinanguan at ngitian niya lang ako. Si Justine ang nasa unahan. Nagmaneho na siya at sumunod naman yung sasakyang may lamang kabaong. Sumunod na ang iba."Sakay na tayo."biglang nagsalita si Tayler.
Hinawakan niya any braso ko habang papalapit kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan ng passenger seat. Nang makaupo ako ay sinara niya na. Sinuot ko na ang seat belt ko. Habang ginagawa ko 'yon ay pumasok na rin si Tayler dito sa loob ng sasakyan niya. Matapos kong masuot ang seat belt ko ay sumunod na siya. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nagmaneho. Nasa hulihan kami. Lahat ng sasakyan namin ay may puting lobo.
Natural lang talaga ang malungkot kapag ganito ang sitwasyon. Siguradong bubuhos ang luha ko mamaya. Sa lahat, ayoko yung ganito. Hindi pa kami nakakarating sa paglilibingan ni kuya naiiyak na ako. Kinuha ko ang towel na nasa loob ng shoulder bag ko at pinampunas ko 'yon sa pisngi at mata ko. Gusto kong pigilan yung pagpatak ng luha ko pero hindi ko kaya. Baka kapag hindi ko ito inilabas ay mapuno na lang ito. Nagfa-flashback tuloy yung mga moments namin sa Palawan.
Years ago in Palawan.
Nandito ako sa daungan ng mga bangka. Inaantay ko dito si kuya dahil tuturuan daw niya akong lumangoy. 8 years old na ako ngayon. Kaka-birthday ko lang kahapon. Ang saya kahapon kasi kumpleto kaming buong pamilya. Nakaupo lang ako dito sa buhanginan habang inaatay si kuya. Ang tagal naman niya naiinip na ako. Napanguso na lang habang naka-krus ang mga braso ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Fiksi Remaja(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...