Damon's POV.
Nandito kami ngayon sa tagong lugar dito sa loob ng school. Kasama ko ngayon sina Lairus, Zack, Kurt, Justine, Cairo, Liam at Tayler.
"Magtititigan na lang ba tayo dito?" sabi ni Justine.
"Shut up." sabi ko."Tayler... Tayler... Tayler... Sa ayaw at sa gusto mo aagawin ko sayo si Maxine dahil hindi na'ko ulit magpapatalo sayo."sabi ko habang naglalakad paikot kay Tayler.
"Magagawa mo?" malumanay n'yang sabi
"Bakit naman hindi?" sabi ko."Hindi na'ko tulad ng dati Tayler na mahina. Gagawa ako ng paraan para mapaglayo kayo ni Maxine naiintindihan mo? Simula palang alam kong may gusto ka na kay Maxine pero binalewala ko na lang 'yon dahil alam kong mawawala din 'yon pero nagkamali ako."
"Tapos kana ba?" sabi pa ni Tayler.
"Hindi pa." sabi ko at pinasok ko ang kamay ko sa loob ng bulsa ng pantalon ko."Nasabi mo na ba kay Maxine ang totoong ikaw Tayler?"natahimik sila sa sinabi ko."Silence means yes."natawa ako."Gusto mo ako na ang magsabi?"
"Sige." wala na namang expression ang mukha n'ya.
"Hindi ka ba natatakot malaman ni Maxine ang totoo?" sabi ko at mula sa likuran n'ya.
"Bakit naman ako matatakot?" sabi pa n'ya.
"Hihiwalayan ka ni Maxine, Tayler alam mo ba 'yon? Magsisisi s'ya na nakilala ka n'ya dahil hindi kaya tumanggap ni Maxine sa buhay n'ya ng isang Gangster na katulad mo, maalala lang n'ya ang nangyari sa ama nya." mahabang sabi ko.
"Sabihin mo na tutal 'yon na lang naman panlaban mo sa'kin." nainis ako sa sinabi n'ya kaya hinawakan ko ang kwelyo n'ya at sinandal s'ya sa pader.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Genç Kurgu(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...