Maxine's POV.
Nakaligo, nakapagbihis at nakapag-ayos na'ko, hinihintay ko na lang na bumalik si Tayler. Sabi n'ya bubusina s'ya kapag nand'yan na s'ya. Nandito lang ako sa sala nakaupo. Makalipas ang limang minuto ay may bumusina kaya naman tumayo na'ko at lumabas na tsaka ni-lock ko na ang pinto.
Nakita ko ang sasakyan ni Tayler. Sumakay na'ko. Sa passenger seat ako umupo. Pagkatapos kong umupo ay nag-seat belt na'ko. Pagkalingon ko kay Tayler ay nagka-eye to eye kami. Tinignan n'ya ang katawan ko.
"Bakit ganyan suot mo?" tanong n'ya pagkatapos ay nagsimula na s'yang magmaneho.
"Ang init kaya." sagot ko 'yan."Tsaka ayokong magbalot."sabi ko.
"Si daddy yung una nating pupuntahan." sabi n'ya naman."Nasa mansion si daddy ngayon. Libre s'ya kaya naman ngayong araw ang napili kong ipakilala kita."dagdag n'ya pa.
"May kapatid ka ba Tayler?" tanong ko
"Wala." agad s'yang sumagot. "Only child ako." sabi n'ya pa."Dismayado nga si daddy ng malaman n'yang ang kaisa-isa n'yang anak ay nagloko."
Parang nakaramdam ako ng sakit n'on nang sabihin 'yon ni Tayler. Wala namang kasalanan si Tayler kung ginusto n'ya talaga ang maging gangster. Hinarap n'ya ang daddy n'ya at hinarap n'ya din yung mga sakit na ginawa ng daddy n'ya. Bilib talaga ako kay Tayler dahil kahit hindi ko alam ang kwento ng buhay n'ya ay hindi pa rin s'ya sumuko.
"Ano bang pangalan ng daddy mo?" nagtanong ulit ako.
"Raymond Francis Fuegeras." sagot n'ya."Para sa'kin isang alagad ni Santanas si daddy. "nabigla ako sa sinabi n'ya." Bata pa lang ako n'on sinasaktan n'ya na si mommy sa harap ko. Sabi ni mommy na nagsisisi s'yang pinakasalan n'ya ang isang katulad ni daddy."dagdag pa n'ya. "Tapos kapag nagkamali ako o nakagawa ako ng mali parehas n'ya kaming sinasaktan ni mommy. Akala ko nga si daddy ang papatay kay mommy kasi halos araw-araw binubugbog at pinagsasampal-sampal ni daddy si mommy at pakiramdam ko pa may tinatago pa sa'kin si daddy." Kwento n'ya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...