CHAPTER 46

1.3K 63 2
                                    

Tayler's POV.

Nakahiga lang ako dito sa sala ng may biglang kumatok at nag-door bell sa pintuan ng bahay ko kaya napatayo ako at pinagbuksan kung sino man 'yon.

"Zerene?" sabi ko.

"Hi baby!" tawag n'ya sa'kin sabay sunggab ng yakap pero agad naman akong humiwalay

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Gusto ko lang naman makita 'tong bahay mo at pati na rin ikaw." nakangiti sya n'ong sabihin 'yon.

"Lumayas ka sa harapan ko." seryoso kong sabi.

"Baby naman kakarating ko lang pinapaalis mo na ko? Hindi mo na ba 'ko love?" nag-pout pa s'ya.

"Matagal ng nawala ang feelings at pagmamahal ko sayo Zerene kaya tumigil kana sa ginagawa mo at tigilan mo na ko." sabi ko

Pumasok s'ya sa loob ng bahay."Kahit ipagtabuyan mo'ko baby ikaw pa rin ang love ko at hindi 'yon magbabago."nginitian n'ya ko.

Wala na'kong nagawa dahil nasa loob na ng pamamahay ko 'tong babaeng 'to. Bumalik na lang ako sa salas at humiga ulit.

"Baby tabi tayo!" bigla s'yang tumabi sa'kin kaya napatayo ako.

"Tigilan mo na ko Zerene." tumayo na'ko at umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok sa kwarto ko ay humiga ako kaagad at nagsuot ng earphones. Biglang bumukas ang pintuan at niluwal nito si Zerene na may dalang dalawang basong juice na nasa tray.

"Baby, gumawa ako ng orange juice for me and for you." sabi n'ya at binaba ang tray sa lamesa na nasa gilid lang ng higaan ko pagkatapos ay kinuha n'ya ang isang baso tsaka umupo sa gilid ng kama ko."Baby inumin mo na yun oh baka mawalan na ng lamig sayang."

"Ayoko." tumanggi ako.

"Baby sige na!" pinilit n'ya pa rin ako

Naalala ko na naman si Maxine.

"Ayoko."

"Sige na Tayler!"

Para tumigil ang babaeng 'yon ay kinuha ko ang orange juice at uminom. Nakatingin s'ya sa'kin habang umiinom. Ilang sandali pa bago ko maubos ang juice ay bigla akong nakaramdam ng hilo, sobrang pagkahilo hanggang sa nawalan nako ng malay.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon