CHAPTER 9

2.4K 118 0
                                    

Maxine's POV.

Maaga akong gumising ngayon, naunahan ko pa nga yung alarm clock ko e. Nakaramdam ako ng pagkasakit ng mga mata. Namaga siguro dahil umiyak ako ng umiyak kagabi. 1 month na lang birthday ko na tapos wala pa si mama.

Nakahiga pa rin ako. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 5:30 AM palang. Gusto ko sanang mag-online sa Facebook kaso tinatamad lang ako at wala naman akong kachat d'on.

Tinignan ko ang messages ko. Si kuya lang at si Summer ang last na nag-text. Pumunta naman ako sa mga contacts. Mga number lang nina Kuya, Summer, Kathy, Lathy, Mama at ni Damon ang nandito.

Nagulat ako ng may biglang tumawag kaya agad ko 'yon na sinagot.

"Hello?" ako ang unang nagsalita.

"Good morning Max." boses ng pamilyar na lalaki.

"Oh ikaw pala Damon, good morning!" bati ko sa kanya.

"Akala ko tulog ka pa, still sleepy?" tanong n'ya.

"Hindi na hehehe." agad kong sagot.

"Nagising ba kita?" tanong n'ya ulit.

Hilig naman nitong magtanong.

"Hindi kanina pa 'ko gising." sagot ko naman ulit"Bakit ang aga mo naman nagising?"ako naman ang nagtanong.

"Hindi ako makatulog ng maayos e." sinagot naman n'ya ko.

"Maayos ba yung pakiramdam mo?" medyo nagaalala ako sa isang 'to mula kagabi pa.

"I don't know, mmm maybe?"narinig kong humikab s'ya.

"May kasama ka ba d'yan?"umupo ako sa gilid ng kama ko.

"Only me." pagkasabi n'ya n'on ay umubo s'ya.

"Wag ka muna siguro pumasok?" suhestyo ko.

"Kaya ko pa naman." sabi n'ya.

"Sigurado ka?" paniniguro ko.

"Yeah." sagot n'ya.

"Pero kung 'di mo kaya 'wag ka na munang pumasok." paalala ko sa kanya ulit.

"Gusto mo sunduin kita?" suhestyo n'ya.

"Ayos lang ba sayo?" tanong ko.

"Yes." mabilis n'yang sagot.

"Sige, magluluto na'ko hehehe."

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon