Before you read this i just want to say a happ happy birthday to our author! Yes its me! My day! Yehey! Happy 16th birthday to me!🎂 Thank you to my readers. Wala akong intensyon na kahit ano, ang gusto ko lang ang pasiyahin ang readers ko sa pamamagitan ng pagbabasa so thank you again! 1k plus readers na ang nakabasa ng TBATGMMGG! One of the best gift for me! My big thank you to my umbrellas for this gift! Keep reading umbrellas 😘 Keep calm and read wattpad for better 💘 Don't forget to Vote, Comment, and Share!
Tayler's POV.
Nakauwi na'ko galing sa bahay nila Maxine. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng sasakyan ay nakaramdam nako kaagad ng kakaibang presensya na may tao sa bahay ko. Bumaba na'ko ng sasakyan. Naramdaman ko naman na walang nakatingin sa'kin kaya imbis na dumaan sa main door ng bahay ay sa likod ako dumaan. Buti na lang dala ko ang Susi ko kaya nabuksan ko ang pintuan sa likod.
Tahimik at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. May nakita akong tatlong lalaki sa may living room. May takip ang mga mukha nila. Pumunta ako sa ref at kumuha ng maiinom. Pagkatapos uminom ay nagpakita ako sa kanila. Agad naman silang tumayo.
"Oh bakit kayo nakatayo? Feel at home, magpapahinga lang ako." sabi ko tapos umakyat na'ko nang hagdan.
Napatigil ako sa pagakyat ng may nagsalita sa kanila."Wala ka pa rin kupas, Mr. Ty."boses ng isang lalaki."Gusto mo ba magpakilala ako?."sabi n'ya pa.
"Hindi ako interesado." kalmadong sabi ko sabay hakbang pero napatigil na naman ako.
May narinig akong tumawa."Hindi ka pa rin talaga nagbabago Mr. Ty."sabi n'ya pa."Kung ako sayo magbabago na'ko. "bulong n'ya sa'kin.
"Bakit 'di mo gawin?" walang ganang sabi ko. Naramdaman kong may dinikit s'yang panaksak sa'kin."Ano bang kailangan n'yo sa'kin? "nagtanong ako.
"Buhay mo Mr. Ty." agad din naman s'yang sumagot.
Humarap ako sa kanya."Pa'no kung ayaw ko ibigay yung buhay ko?"
"Buhay nang pinakamamahal mong babae ang kukunin namin kapag ayaw mong ibigay yung sayo." sabi n'ya pa.
Nakita kong nakaupo yung dalawa n'yang kasama."Wag n'yong pakikialaman si Maxine kung hindi ako ang makakalaban n'yo. "seryosong sabi ko.
" Grabe! Nakakatakot naman."Natatawang sabi n'ya.
Tinignan ko s'ya ng masama."Lumabas na kayo."sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...