CHAPTER 131

799 28 0
                                    

Maxine's POV

Ilang araw na ang nakakalipas nang huli kaming magusap ni Tayler. Nung huli ay yung nabunggo n'ya ako at tinanong pagkatapos n'on ay wala na hindi na kami nagusap pero nakikita ko pa s'ya sa school araw-araw. Sabi pa ay araw-araw din daw na uma-attend si Tayler ng practice nila. Kapag magku-krus ang landas namin ni Tayler ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mukha n'ya.

Wala na namang ekspresyon ang mukha n'ya katulad ng dati at parang s'yang si Tayler na nakilala ko noong first day of school. Araw ng lunes ngayon. Kung magkita kami ay sa loob ng room. Hindi nagku-krus ang mga landas namin sa labas ng room or sa labas lang ng school. Nasasagi din naman s'ya sa isip ko. Sa room tahimik lang s'ya. Kapag walang nagtuturo nagbabasa na lang s'ya ng libro, ewan ko kung anong klase.

Biglang may nagpop-up na message sa 'kin. Agad kong kinuha ang phone ko sa may lamesa lang na nasa gilid ng kama ko."Unknown number?"sabi ko. Binuksan ko yung messages para mabasa ang sinabi nitong nag-message sa 'kin na unknown number."Hey Maxine!"basa ko d'on sa message.

Compose Message

To:0927*******

"Sino ka?"

Sent.

Agad s'yang nagreply.

(1) Received Message

From:0927*******

"Secret ko na 'yon."

Compose Message

To:0927*******

"Eh bakit mo 'ko kilala?"

(2) Received Messages.

From:0927*******

"Sabing secret eh."

"Basta tawagin mo na lang akong Mystery."

"Ang weird ng taong 'to ah pero magaan yung pakiramdam ko sa kanya."sabi ko na lang sa sarili ko.

Compose Message

To:0927*******

"May pa-mystery mystery ka pa eh makikilala naman din kita."

(1) Received Message

From:0927*******

"Matagal mo na kaya akong kilala. Close nga tayo eh hindi nga lang halata HAHAHAHAHA."

Compose Message

To:0927*******

"Paintense ka pa. Magpakilala ka na nga."

(1) Received Message

From:0927*******

"Magpapakilala rin ako pero hindi pa ngayon kaya 'wag kang atat okay? 'wag kang exited. Bumangon kana d'yan at baka ma-late ka sa school maya-maya nand'yan na yung sundo mo."

Compose Message

To:0927*******

"Pa'no mo naman nalaman na may susundo sa 'kin?"

Ilang minuto pa akong naghintay pero hindi na ako ulit naka-receive ng text mula doon sa unknown number or should i call him 'mystery." Paano kaya nalaman ng mystery na 'to na may susundo sa 'kin. Siguro isa kina Cairo, Justine at Liam si Mystery, ginu-good time siguro ako ng tatlong 'yon kaya nag-text pa. Bumangon na ako sa kama at inayos ko na ang kama ko pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon