Maxine's POV.
Nandito pa rin ako sa ospital at nasa kwarto pa rin ako ni Tayler. Nakaramdam ako ng biglang pag-gutom. Tumayo ako at nagtangkang lalabas para sana kumain kaso pinigilan ako ni Tayler.
"Saan ka pupunta?" tanong n'ya.
"Kakain lang sa labas." sagot ko.
"Dito ka lang." sabi n'ya
"Gusto mo mauna na'kong mamatay sayo? Nagugutom na kaya ako." sabi ko naman.
"Dito ka lang, magpapadala na lang ako ng pagkain dito."-Tayler.
" Hindi pwede. "tumanggi ako." D'on na lang ako sa labas kakain. Nand'yan naman sina Justine para magbantay sayo."Dagdag ko pa.
"Ayoko sa kanila."pagiinarte n'ya.
"Tayler wag kang makulit ah." binuksan ko na ang pintuan at lumabas.
"Maxine saan ka pupunta?" tanong din sa'kin ni Justine.
"Sa labas lang kakain, hindi pa kasi ako kumakain eh nagmadali kasi akong pumunta dito." sagot ko naman.
"Sabay na kami sayo Max." sabi naman ni Cairo.
"Sige, kain na muna kayo ako muna magbabantay kay Tayler." prisinta ni Justine.
"Thanks dre, tara na Max."-Si Liam.
Naglakad na kami nina Cairo palabas ng ospital. Nang makalabas ay agad kaming naghanap ng makakainan. Isang seven-eleven convenient store lang ang malapit dito kaya naman d'on na lang kami nagpunta.
Humanap ako ng pagkain na madaling kainin. Bumili na lang ako ng isang tinapay na mag palamang hotdog at ketchup. Umupo nako habang sina Cairo ay namimili pa. Matapos nilang bumili ay sinamahan nila akong umupo.
" Nagu-guilty ako sa sinabi ko."bigla kong sabi.
"Ano ba yung sinabe mo?" tanong ni Liam
"Kagabi kasi n'ong pagkahatid sa'kin ni Tayler may ginawa s'ya sa kamay ko." sabi ko.
"Ano ba yung ginawa sa kamay mo?" tanong naman ni Cairo.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...