CHAPTER 95

1K 47 0
                                    

Maxine's POV.

Nagbibihis palang ako ng pang-uniform. Sakto lang ang pag-gising ko ngayon. Sabay kaming papasok ngayon ni Tayler kase yun yung gusto n'ya eh, para rin daw ligtas ako. Pero sa tingin ko magkasama o hindi kami ni Tayler mapapahamak pa rin ako at s'ya rin. Nakatulog naman ako ng maayos kagabe kahit gan'on yung iniisip ko.

Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na yung dalawang bag ko at bumaba na. Pagkababa ay umupo na lang ako sa sala at dito ko na lang din hintayin si Tayler. Nakakatuwa kahapon sila Tayler at yung tatlo, para nga talaga silang magkakapatid. Si Tayler pala ang pinakamatanda sa kanila at si Liam ang pinakabata.

Natawa ako n'ong sinabi ni Cairo na loyal daw si Justine pero wala pang naging girlfriend samantalang silang dalawang magkapatid babaero *laughs* Pag nahawa talaga si Tayler d'on sa magkapatid na Collins bubugbugin ko si Tayler, close pa naman silang tatlo. Lalaki sila at alam na nila ang takbo ng utak sa isa't-isa.

"Prinsesa ko." biglang sumulpot si kuya. Umupo s'ya sa tabi ko."Wag ka nang iinom ulit ha?"sabi sa'kin ni Kuya.

Medyo natawa ako."Hindi ko mapapangako kuya pero gagawin ko."sabi ko naman sa kanya.

Ginulo ni kuya ang buhok ko."Ikaw talaga."sabi pa n'ya.

May biglang bumusina."Una na'ko kuya nand'yan na si Tayler eh."sabi ko pagkatapos ay tumayo na.

"Magingat kayo." sabi n'ya.

Lumapit ako kay kuya tapos bineso ko s'ya. "Bye kuya!" kinawayan ko pa s'ya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Sumakay na'ko sa kotse ni Tayler. Sa passenger seat ako umupo."Good morning. "bati sa'kin ni Tayler.

"Good morning din!" masayang bati ko sa kanya at hinalikan ko s'ya sa lips pero yung smack lang hehehe.

Nagsimula na s'yang mag-drive."Dumaan tayo sa locker mo tapos iwan mo 'yang isang bag mo para hindi ka mahirapan."sabi n'ya.

"Sige." pagsang-ayon ko.

"Naghanda kana ba para d'on sa talent and answer portion?" bigla s'yang nagtanong.

Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Hindi pa eh." sagot ko sa tanong n'ya"Siguro sasayaw na lang ako hehehe."sabi ko.

"Marunong kaba?" nagtanong ulit s'ya.

"Para sa'kin, Oo." sagot ko."Pero ewan ko sa iba."sabi ko pa.

"Mag-practice kana habang maaga pa."-Tayler."Pag may free time ka." Sabi pa n'ya."Ano namang sasayawin mo?"nagtanong ulit s'ya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon