Maxine's POV
Ilang linggo na ang nakalipas. Tapos na ang buwan ng July kaya ngayon ay August 1! Ngayon din ang birthday ni Tayler. Excited na ako para sa plano namin mamaya. May practice pa kami ngayon. Magka-cut kami ng oras sa practice mamaya at nakapagpaalam naman ako kay Ms. Elyssa. Kami-kami lang ang pupunta mamaya. Kahapon ay nakapag-duplicate na si Justine ng susi ng bahay ni Tayler.
Narinig ko na may nag-pop up na text message sa 'kin kaya agad kong kinuha ang phone ko."Ang aga-aga eh."sabi ko tapos ay napapakamot pa 'ko ng ulo.
(2) Received Message
From: Mystery.
"Good morning my sugarpie."
"Bangon na d'yan. Kumain kana. May practice ka pa mamaya eh."
Itong si Mystery lagi na kaming nagte-text. Minsan kapag wala akong load ay pinapaloadan n'ya na lang ako. Natatawa rin ako kapag tinatawag n'ya ako sa mga corny na tawag. Katulad na lang ng text n'ya ngayon. Pinagkamalan nga ako ni kuya na may iba na eh. Loko-loko talaga. Sinubukan kong patigilan s'yang tawagin ako sa mga gan'on pero ayaw n'ya eh kaya wala na kong magagawa.
Compose Message.
To: Mystery
"Good morning din Mr. Mysterious man."
"Ikaw umagang-umaga nagte-text ka. Hindi mo ba kayang tumawag man lang?"
Sent.
(1) Received Message.
From: Mystery.
"Oh tatawag ako ngayon okay? Pero hindi ako magsasalita. Wait ka lang."
May biglang tumawag."[Hello?]"sabi ko pero walang sumagot."[Hoy Mystery magsalita ka nga. Magmumukhang tanga ako dito kung hindi ka magsasalita.]"sabi ko pa sa kanya."[Magsa––.]"natigil ako sa pagsasalita dahil bigla n'yang binaba ang tawag.
(1) Received Message
From: Mystery.
"Ang ganda pa rin pala ng boses mo kahit medyo panlalaki kapag sa phone HAHAHAHA."
Compose Message
To: Mystery.
"Ha?"
Sent.
(1) Received Message.
From: Mystery.
"Halabyu."
Compose Message.
To: Mystery.
"Para ka talagang baliw."
Sent.
(2) Received Message
From: Mystery.
"Baliw sayo nga."
"Mas gusto ko talaga yung boses mo sa personal tapos ahm basta."
Compose Message.
To: Mystery.
"Narinig mo na boses ko? As in sa personal?"
Sent.
(1) Received Message
From: Mystery.
"Oo naman. Wag ka matatakot ah? Kasi alam ko kung saan ka pupunta at anong gagawin sa loob o labas man lang ng school."
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Ficção Adolescente(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...