Justine's POV.
Hey first time lang 'to ah, 'to kasi si author eh naka-focus masyado kina Maxine at Tayler. Magpapakilala lang ulit ako. Ako nga pala si Justine De Dios, 16 years old. Nandito kami ngayon sa RJ's Bar. Pinasundan ni Tayler si Maxine sa'min.
Grabe si Maxine, nakakaisa't-kalahati na ng bote ng alak. Bigla s'yang tumayo habang hawak-hawak yung bote ng alak. Pumunta s'ya sa gitna at sumayaw. Loko-loko talaga 'tong si Maxine. Ganito pala s'ya kapag lasing. May lalaking lumapit kay Maxine at hinipuan s'ya?! Humarap si Maxine sa kanya.
Tumayo ako."Dre saan ka pupunta?"tanong sa'kin ni Cairo.
"Gago dre, hinipuan si Maxine n'ong gagong lalaking 'yon oh!" turo ko d'on sa lalaking matangkad.
Tumayo na din sila at sinugod namin yung lalaking nanghipo kay Maxine. Hinatak ko yung likod ng lalaki at sinapak ko sa s'ya mukha."Gago ka bakit nanghihipo?!"galit kong sabi sa kanya.
"Ano bang pakealam mo?" mapangasar na sabi n'ya.
"Anong nangyayari dito?!" narinig ko yung boses nung nagngangalang Axill.
Hinawakan ko s'ya sa kwelyo ng makita ko."Ikaw gago ka bakit pinapabayaan mo lang si Maxine ha?!"sigaw ko sa kanya.
"Let her do what she wants." sabi n'ya sa'kin.
"Gago ka pala eh hinipuan na nga si Maxine tapos hahayaan ah?!" pagkasabi ko n'on ay sinapak ko din s'ya sa mukha kaya napaupo s'ya.
Tumayo s'ya at inambahan ako ng suntok pero agad akong nakailag. Sasapakin ko pa sana s'ya ng pumagitna si Maxine. "Ikaw ha bakit ka nandito? Pwede ba umalis kana kayong tatlo shuuuuu." sabi sa'kin ni Maxine.
May biglang sumingit. "Maxine." si Tayler.
Tumingin si Maxine kay Tayler. "Ikaw lalaki ka, umalis kana! Isama mo 'yang mga pakealamero mong kaibigan!" sigaw ni Maxine kay Tayler.
"Sumama ka sa'kin." hinawakan ni Tayler si Maxine sa kamay.
Pumiglas si Maxine. "Hoy unggoy masakit!" sabi ni Maxine kay Tayler. "Tanggalin mo na yung kamay mo sa kamay ko m-masakit na.." naiiyak na sabi ni Maxine.
May biglang humatak kay Maxine kaya nabitawan ni Tayler si Maxine. "Diba sabing bitawan mo na." si Axill. "Madaan ka sa isang usapan. Hindi porket boyfriend ka ni Maxine eh may karapatan kang gawin 'yan." sabi n'ya kay Tayler.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Ficțiune adolescenți(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...