CHAPTER 34

1.6K 79 0
                                    

Maxine's POV

Nandito na'ko ngayon sa room at nandito na rin si Tayler. Parang hindi ko pa rin kaya makipagusap sa kanya. Dumating na si Mrs. Guerrero.

"Magandang umaga sa inyong lahat." bati n'ya.

Tumayo na kami."Magandang umaga Ginang Guerrero."bati rin namin sa kanya.

"Maari na kayong umupo." pagkasabi ni ma'am n'on ay umupo na kami.

Nagsimula ng magturo si ma'am at ako naman ay hindi masyado makapag-focus. Hindi dapat ako pumapayag ng gan'on kay Tayler. Dapat may sarili din akong rule sa kanya.

"Tama!" sabi ko.

"May problema ba Alonzo?" tanong ni ma'am sa'kin.

"W-wala po " sabi ko naman.

Napalakas yata hihihi.

Matapos magturo ni Mrs. Guerrero ay sumunod na si Mrs. Theresa. Nakasalubong ang kilay n'ya ng pumasok s'ya sa room.

"Get one whole sheet of paper we have a long quiz today." nagulat kami sa sinabi ni ma'am.

"Pero Mrs. Theresa kokonti palang po yung natuturo n'yo sa'min." sabi ni Nicky.

"Wala akong pakealam, dapat ay nagaadvance reading kayo. Ngayon hindi ko kasalan kung maiitlog kayo." sabi pa ni Mrs. Theresa."Number your papers to one-to-fifty, walang choices 'to."

Mala-Tayler pala 'to e.

Nagsimula na kaming mag-quiz. Nakakatakot yung teacher na 'to, ramdam na ramdam ko yung galit n'ya.

"KKK stands for? Madali lang 'yan baka 'di n'yo pa masagot." natatawang sabi ni Mrs. Theresa.

Natapos na kami sa long quiz namin. Nahirapan ako dahil yung iba ay hindi pamilyar sa'kin at hindi pa n'ya natuturo.

"Pass your papers forward." sabi ni ma'am kaya pinasa na namin ang mga papel namin.

Pagkatapos namin ipasa ang papel ay inayos na 'yon ni ma'am at lumabas na.

"Grabe talaga yung teacher n 'yon no?" sabi ni Michael kay Hans.

"Oo nga e, bigla-bigla na lang nagpapa-quiz ampotek." sabi naman ni Hans.

"Guys, bumaba daw may announcement pumunta kayo sa gymnasium." sabi ni Shane.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon