Tayler's POV.
Nakatulog si Maxine sa balikat ko. Hindi kami nakaupo sa sofa, nasa ibaba kami ng sofa. Nagasaran, nagkulitan at nag kwentuhan kami ni Maxine may konting sakitan lang. Naglabas kanina ng mga pagkain si Maxine. Kumain kami ng mga chips at naglabas din s'ya ng drinks. Parang nag-midnight snack lang kami ni Maxine. Sa sobrang pagod at sa sobrang dami ng nangyari ngayon araw napagod siguro si Maxine.
Isa lang transfer student si Maxine na kaibigan ko, na binubully ng ex-girlfriend ko. Mabait na tao si Maxine kaya hindi s'ya nahihirapan makipagkaibigan sa mga tao sa school. Hindi kayo mauubusan ng pagkwe-kwentuhan dahil maraming alam na topics 'yan si Maxine. Noong mga bata pa kami mga dalawa o tatlong beses lang kami kung magkita ni Maxine sa park na 'yon.
Kapag hindi ako makapagsalita o tahimik, agad s'yang nagtatanong. Kaya nga s'ya lang ang gusto ko laging kasama. Lihim akong natatawa dahil naririnig ko ang paghilik ni Maxine, medyo malakas kasi pero ayos lang para naman musika sa tenga ko. Kinumot ko kay Maxine ang kumot na binigay sa'kin ni Alexander kanina.
Medyo nagulat ako kanina nang itulak ni Damon si Alexander at Maxine. Alam kong naglasing s'ya dahil kay Maxine. Alam naman ni Damon na kahit anong gustuhin ko ay makukuha't-makukuha ko. Wala pa'kong sa mood makipagbugbugan kay Damon kaya nabubog ako kanina. Mahina pa rin si Damon. Kahit anong gawin n'ya hindi n'ya makukuha sa'kin si Maxine.
"Good night Maxine." sabi ko at kumot na rin.
KINABUKASAN.
"Mukhang napasarap yata yung kwentuhan n'yo kagabe?" narinig ko ang boses ni Alexander kaya nagising ako.
Nakita kong nagising na din si Maxine."T-tayler? "nagkamot pa ng mata si Maxine.
Tumayo na'ko." Sorry dre."sabi ko kay Alexander.
"Kuya inaantok pa'ko." sabi naman ni Maxine habang nakatingin kay Alexander.
"Kasalanan ko 'yan eh nagpuyat pa kayo kagabe kaya 'yan. Kumain kana baka ma-late ka pa sa practice mo, Ikaw din Tayler kumain kana din para maihatid mo si Maxine." pagkasabi n'on ni Alexander ay agad na tumayo si Maxine.
"Good morning Tayler." bati sa'kin ni Maxine.
"Good morning." bati ko rin sa kanya.
"Kain na tayo." hinatak ako ni Maxine at pumunta na sa dining area.
Umupo na'ko at umupo naman si Maxine sa kaliwa ko."Kain ka lang d'yan Tayler. "
Tinanguan ko lang s'ya at nagsimula na'kong kumain. Maayos naman ang tulog ko kagabe dahil katabi ko si Maxine. 'Yon ang first time naming natulog ng magkatabi at 'yon din ang first time kong natulog dito sa kanila. Masarap ang pagkain. Magaling din palang magluto si Alexander.
"Bunso, maggro-grocery lang ako ah? Baka 'di na kita maabutan. Ingat kayo ni Tayler." sabi ni Alexander kay Maxine kaya napalingon s'ya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...