Maxine's POV.
Nagluluto na'ko ngayon dahil maaga akong papasok para ituro kay Axill ang mga diniscuss na lessons sa'min. Nakaligo na'ko kanina kaya kakain na lang ako. Naabutan ko pa si kuya kanina kaya nagkaroon kami ng time sa isa't-isa kahit saglit.
Saktong pagkatapos ko magluto ay may kumatok. Dali-dali akong pumunta sa pintuan para pagbuksan kung sino man 'yon. Pagkabukas ko ay mukha ni Tayler ang bumungad sa'kin.
"Good morning!" masayang bati ko sa kanya.
"Good morning." bati rin n'ya sa'kin.
"Pasok ka." sabi ko at pumasok na s'ya. Dumeretso sya sa hapag-kainan at umupo. "Oh bakit ka d'yan umupo? Pwede naman dito sa sofa?"
"Mas gusto ko dito." sabi n'ya.
Seryoso naman yung mukha n'ya ngayon.
Naglakad na'ko papuntang hapag-kainan at umupo na rin. Nagsimula na'kong kumain. Habang kumakain ay nakatitig sa'kin si Tayler dahilan para hindi ako makakain ng maayos.
"B-bakit mo b-ba ko tinititigan?" tanong ko sa kanya pero 'di s'ya sumagot. "Hoy Mr. Walang Pakealam bakit mo po ako tinititigan may dumi ba sa mukha ko ha? Sabihin mo palilinis ko sayo charot." biro ko.
"Nothing." nagsalita na s'ya."Sasama ako sayo sa pagturo mo d'on kay Axill."
"Wag na maiinip ka lang, tumambay ka na lang d'on sa tambayan mo." sabi ko.
"Ayoko."-Tayler
" Yan ka na naman e mangungulit ka na naman."-ako."Wag muna ngayon Tayler ah."
"Halikan mo'ko." nagulat ako sa sinabi n'ya."Puro na lang kasi ako yung humahalik kaya ikaw naman."
"Aba, sinabi ko ba sayo na halikan mo'ko ha? Na'ko sir."-ako." Tsaka may audition ka mamaya para sa singing contest. "
Nag-iwas lang s'ya ng tingin at niyuko na lang n'ya ang ulo n'ya sa lamesa. Pagkatapos ko 'yon sabihin ay hindi na s'ya nagsalita pa. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...