CHAPTER 146

676 32 0
                                    

Tayler's POV

Alas-tres palang ng madaling araw. Nagmamaneho ako ngayon papunta sa rest house para tulungan sina Justine magdecorate doon. Nagsisimula na sila. Maaga din nagising si Mang Danny at yung anak niyang si Kelly. Tinutulungan nila yung tatlong kulugo. Sina Mang Danny daw ang bahala sa pagkain. Hindi kasi kami makakapagluto mamaya kaya 'yon nagprisinta sina Mang Danny na sila na lang daw ang gumawa.

Kaya 'yon, gagawin namin ang lahat bago pumasok. Nagpaalam kami kay Coach Fallon kahapon na hindi kami makaka-attend ng practice dahil may surprise party kami para kay Maxine. Masaya ako kahit paano. Nasa rest house na din sina Andrea para tumulong para kahit paano ay mabilis namin na matapos ang gagawin naming party. Ngayon ko na lang ulit magagawa 'to, ang mag-effort.

Last kong ginawa ito ay noong kami pa ni Zerene. Mahigit isang taon din ang tinagal namin ni Zerene noong kami pa. Ayoko ng maalala ang pangyayari na mas lalong nakasakit sa akin. Nakarating na ako sa rest house. Bumaba na ako ng kotse. Pumasok na ako sa bahay."Tayler!!!!"sigaw nina Andrea sa pangalan ko.

Nakita kong nagpa-pump sila ng lobo. Yung may mga letters na pwedeng idikit."Nga pala gusto ko ng home-made cake. Gagawa ako."sabi ko.

Napatigil sila sa ginagawa nila."Baliw ka talaga dre."si Cairo.

"Tayler kasi nakagawa na kami ni ate eh."napakamot pa si Sunny ng ulo.

Nagpakawala ako ng hininga."Ah gan'on ba."nasabi ko na lang.

Bumalik na sila sa ginagawa nila. Sina Summer, Sunny at Andrea ay nagpa-pump ng lobo, sina Justine, Cairo at Liam naman ay nilalagay ang tapos ng ma-pump na mga lobo sa dingding. Nakita ko ang mga nagkukumpulan na mukhang regalo sa isang lamesa. Tinignan ko ang isa-isa. Puro sa kanila ang mga ito. Hindi pa kasama ang kina Damon at sa iba pa. Speaking of Damon, kasama siya sa mga ininvite ko.

Naging kaibigan din ni Maxine si Damon at sina Lairus kaya wala akong ibang nagawa kundi ay imbitahan din sila kahit labag 'yon sa loob ko. Naging parte din naman ng buhay ko sina Damon kaya ayos lang din pero kung gagawa siya ng gulo hindi ako magdadalawang isip na kaladkarin siya palabas ng rest house. Yung regalo ko kay Maxine mamayang gabi ko pa mabibigay at may revelation na magaganap. Sinisigurado kong magugulat siya.

Binalik ko ang hawak-hawak kong regalo ni Justine kay Maxine. Hindi ko alam kung anong niregalo niya. Wala naman siyang nasabi sa akin. Pinagmasdan ko ulit sila. Masaya lang silang gumawa. Makikita na rin ni Maxine si Mang Danny mamaya. Sigurado akong magiging masaya ang araw na ito para kay Maxine. Ito ang unang kaarawan niya na kasama ako. Gusto ko siyang maging masaya hindi lang ngayong araw, kundi sa bawat, segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at sa mga taon na darating.

"Dre tulala ka ah."bumalik ako sa wisyo ng biglang may nagsalita."Anong iniisip mo?"si Cairo na naman."Siguro nagiisip ka ng sasabihin kay Maxine."siniko-siko niya pa ako habang sinasabi niya 'yon sa akin.

Oo nga pala, yung sasabihin ko kay Maxine. Bahala na kung anong lumabas sa bibig ko mamaya."Anong gusto niyong kainin o inumin?"tanong ko sa kanila.

"Kape pampagising."si Summer.

"Juice."-Yna.

Biglang nilapitan ni Cairo si Yna at palihim niya akong kinindatan. Umupo siya sa sahig para patayan ang baba ni Yna."Tayler dapat ako ang gumawa niyan, diba Yna?"nakangiting sabi ni Cairo.

"May ginagawa ka kaya hindi kita dapat istorbohin."sabi ko naman kay Cairo.

Sinenyasan niya ako na para bang gusto niya na siya na lang ang gumawa. Sorry, pororo pero hindi kita pagbibigyan."Kape na rin yung sa akin Tayler."si Andrea.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon