Maxine's POV.
Alam kong nakatingin sa'kin si Tayler pero 'di ko 'yon pinahalata. Pagkatapos kong magpunas ay binalik ko sa bulsa ng palda ko ang panyong pinampunas ko. Biglang humangin kaya nilipad ang palda ko. Agad ko naman binaba.
Kinginang hangin 'yon oh bobosohan pa'ko psh!
Nakitang nag-iwas s'ya ng tingin siguro dahil nakita n'yang nilipad ang palda ko."Hindi pala distracted ha."sabi ko.
"Hindi pa rin." sabi n'ya sabay tingin na sa'kin.
"Hindi ba? Eh bakit kanina mo pa'ko tinititigan?" binigyan ko s'ya ng makapanlokong ngiti sabay nag-cross arms ako.
"Porket tinititigan kita ibig-sabihin distracted na'ko sayo n'on? Tinitignan lang talaga kita." sabi n'ya pa
"Oh bakit parang defensive ka?" nagtaas ako ng kilay.
"Hindi ako defensive." pagtanggi n'ya.
"Weeee sinungaling." nag-iwas ako ng tingin.
"Kung ako sinungaling, ikaw naman ay mapanakit." napalingon tuloy ako sa kanya ng sabihin n'ya 'yon.
"At pa'no mo naman nasabi na mapanakit ako?" sabi ko habang naka-cross arms.
"Ilang beses mo'kong sinaktan Maxine." seryoso n'yang sabi.
"Aba kailan kita sinaktan ha?" tanong ko.
"N'ong lagi kayong magkasama ni Damon." sagot n'ya.
"Isang dahilan lang naman yung sinabi mo ah!" sabi ko.
"Madami 'yon Maxine, madaming beses kayong nagkasama ni Damon." sabi n'ya pa.
"Teka pinagseselosan mo ba si Damon?" nagtanong ulit ako .
"Oo." deretsong sagot n'ya."Kaya wag kang magpapahalik sa kanya sa labi kundi bubuntisin na kita."Nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Kingina." napamura na lang ako.
Teh 'di ko kinaya yung sinabi ni Damon potek...
"Oh bakit natahimik ka?" bigla n'yang sabi.
"S-sino ako?" turo ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Ficção Adolescente(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...