CHAPTER 161

730 40 8
                                    

Tayler's POV

MATAPOS magusap nina Maxine at ng Dean ay nauna na sa amin si Maxine na lumabas. Tumayo na kaming lahat na kasama ni Maxine na nagpunta dito. Hindi ko inaasahan na magsasalita ng gan'on si Maxine sa Dean. Pagkakataon nga naman. Nakikita ko din na medyo lumalaban at tumatapang na si Maxine. Pansin ko kasing hindi niya na inuurungan si Zerene sa mga laban nila. Para kasi sa akin laban ang ginagawa nila pero kahit gan'on, kailangan ko pa rin na ilayo si Maxine kay Zerene.

Mas mabuti na 'yon kesa mapahamak si Maxine. Sa tingin ko ay hindi madaling kalaban si Zerene lalo na't may kakampi siyang malalakas pero hindi ako natatakot. Kahit wala ang tulong nina Justine ay kaya ko pero maa mabuti pa rin na may kasama ako, may back up. Hindi gan'ong tao si Zerene dati. Pero ngayon, ang laki ng pinagbago niya. Totoo pala yung kasabihan na "lahat ng tao ay nagbabago." Pero kahit ano namang gawing pagbabago, pagnarealize niya yung isang pagkakamali, magbabalik ang lahat.

Kahit ano pang gawin ni Zerene kay Maxine at kahit magmakaawa pa siya sa akin, hindi ko na siya babalikan dahil hindi ko na siya mahal. Masyado ng obsessed sa akin si Zerene. Hindi maganda 'yon. Kapag lumala 'yon ay baka may hindi na siya magandang gawin kay Maxine at baka nga mabaliw na siya ng tuluyan. Mas nagaalala ako kay Maxine kesa sa kanya. Dapat na talagang tumigil si Zerene habang maaga pa pero hindi ko alam kung paano.

Nakarating na kami sa parking lot ng school. Nilingid ko ang buong paligid."Maxine!"sigaw ko sa pangalan ni Maxine.

"Maxine!"sigaw din naman nila.

May biglang pumasok dito sa parking lot at sabay-sabay kaming napalingon."Hindi niyo na ako kailangan tawagin."walang ganang sabi ni Maxine. Mukha siyang walang gana at animo'y hindi nakakain ng ilang araw."Tara na Tayler, pagod na ako. Gusto ko ng umuwi."sabi naman niya sa akin sabay lakad papuntang kotse ko.

Nagpapalit-palit ang tingin ko kina Justine at sa iba pa. Sinenyasan ako ni Cairo na sundan ko na siya."Ingat kayo."sabi ko sa kanilang lahat.

Tumakbo na ako patungo sa sasakyan ko. Nakita ko si Maxine na nakatayo lang sa tapat ng pinto ng kotse ko. Kinuha ko na ang susi ko at pinindot ko na para makapasok na siya. Pagbubuksan ko sana siya kaso natigil ako."Ako na. Kaya ko naman. Hindi naman ako lampa."ramdam ko ang pagkakadiin sa sinabi niyang 'yon.

Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Pumasok na rin ako sa loob ng kotse. Nakita kong nakasuot na siya ng seat belt at nakatingin ng deretso sa kung saan. Nagsuot na din ako ng seat belt at pagkatapos ay nagmaneho na ako. Nakalabas na kami ng school. Ramdam ko na nagiba ang presensya ni Maxine dito sa loob ng sasakyan. May nararamdaman akong kakaibang init sa kanya na hindi ko lubos na maintindihan. I think, she's not Maxine.

The way she look, the way she talk and her presence. I don't know if there's wrong. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito yung sa kanina. Naapektuhan pa ba siya ng sinabi ni Zerene kanina? No... Maxine is not affected. Maybe she got angry when Dean's said he knows what Zerene's did/do inside of school. Kung ako din naman, maapektuhan din ng gan'on pero hindi ganito yung result. I'm worried to her. Maxine is a good person, a happy person. What if deep inside, there are sadness?

Zerene and the others people's ruined Maxine's life. Damn... I don't want to see Maxine struggling. At ayoko sa lahat ay yung nakikita ko siyang nahihirapan. Parang dinudurog ang puso ko kapag gan'on. Sa bawat ngiti ni Maxine, 'yon lang ang nakakapagpagaan ng loob ko at nakakapagpakalma sa akin tuwing galit ako. Hindi halata sa akin, pero madalas na ako kung magalit. Hindi ko alam kung alam ni Maxine pero malakas ang pakiramdam ko na alam niya.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nagmamaneho."There's bothering you?"i asked her.

"Wala naman."walang gana siyang sumagot.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon