Chapter 2 (Stranger)

194 15 0
                                    

I felt a pair of hands na humawak sa magkabilaang balikat ko and to my suprise hini-hila niya ako pa-taas sa surface. Hindi maiwasang manlaki ang mata ko nang mabilis niya akong hinila habang ako naman ay pupungas-pungas pa.

Mariin akong napa-pikit para protektahan ang mga mata ko sa tubig-alat pero bigo ako dahil naramdaman kong bigla na lang itong humapdi.

"Ano ba!? Get off me!" sigaw ko pero pag-aalala lamang ang naka-ukit sa mukha nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng pag-init ng ulo.

What the heck is he doing? Buang ba siya? Sumigaw ba ako ng tulong?

"Miss! Miss! Naririnig mo ba ako? Okay ka lang ba? 'Wag kang matutulog hah!" rinig kong sigaw nang lalaki habang mahina niyang tina-tapik ang mukha ko.

Napa-ubo ako at maraming lumabas na tubig sa bibig ko na nainom ko kanina habang hila-hila niya ako pa-alis sa dagat. Sinubukan ko ulit imulay ang mga mata ko at nakita siyang kunot na kunot ang noo.

Nagtataka ko siyang tiningnan habang siya naman ay habol pa rin ang hininga. Kita ko rin sa mga mata niya ang pag-aalala at pagka-taranta.

"Si-sino ka? Bakit mo ako dinala dito? 'Di ba sinabi ko sa 'yo na bitawan mo ako!?" mataas na ang boses na tanong ko rito pero kunot noo lang itong naka-titig sa akin habang naka-awang ang mga labi nito.

"N-Nakita kita kanina sa gitna ng dagat. Mag-pa-pakamatay ka ba?" tiim-bagang tanong nito habang umuubo-ubo pa dahil siguro sa tubig-dagat.

Naalala ko naman ang nangyari kanina kaya binalingan ko siya ng masamang tingin.

"Alam mo na pala na mag-pa-pakamatay 'yung tao tapos pi-pigilan mo pa? Ano ka tanga?" galit na wika ko sa kanya at tumayo na.

"Kung ikaw ba makaka-kita ng nalulunod, Miss, titingnan mo lang ba? Malay ko bang gusto mo na palang mamatay? Kung gusto mo bumalik ka 'dun and this time hindi na kita sasagipin," singhal nito sa akin dahilan para umawang ang mga labi ko dahil sa sinabi nito.

"Y-You-" duro ko sa kanya. Pinagpag ko ang likuran ko dahil sa mga dumikit na buhangin dito pagkatapos ay tumayo na at mabilis na umalis sa harap niya.

Inis kong nai-padyak ang dalawang paa ko habang naglalakad sa gitna ng mga buhangin pero ramdam ko na tumayo rin ito at mabilis na sumunod sa akin.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba mag-papakamatay ka?!" inis na saad nito habang patuloy ang paghabol nito sa 'kin.

E, hindi naman nga ako magpa-pakamatay!

Gusto ko 'yung isigaw sa kanya pero hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Mabibilis pa rin ang mga hakbang na ginawa ko pero sumusunod pa rin siya sa akin kaya sa inis ko ay hinarap ko ito at pinamewangan, sa pagkakataong 'yun ay napahinto ito at hinihintay akong magsalita.

"Ba't ka ba sumusunod? Manong, para sabihin ko sa 'yo marunong akong lumangoy kaya kahit na lumubog ako 'dun kaya kong maka-ahon ng walang tulong ng ibang tao," nakataas na mga kilay kong saad dito habang tinuturo ang direksyon ng dagat.

"M-Manong? Sa gwapo kong 'to?" Hin makapaniwalang turan niya.

"Yeah, sure," inis na sagot ko sa kanya.

"Maganda sana, masyado namang masungit!" mahinang saad niya at tumalikod sa akin.

Tss! Kala niya hindi ko narinig 'yon?

"Maganda talaga ako!" asik ko at tinalikuran na siya.

"Magandang kaltukan," mahinang saad nito kaya napatigil ako.

"Anong sabi mo!?" saad ko at hinarap ulit siya.

Umiling lang ito pero nagwika,"Then, why are you there?" mahina pero seryoso nitong saad na hindi nakatakas sa pandinig ko.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon