Yuri's POV
Ngayon...
Nabayaran na ni Hara ang ginawa niya. Hindi ko na ba pagbabayaran ang ginawa ko kay Yasmeen? Ligtas na ako?
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot.
Magiging masaya ba dahil sa wakas ay hindi na si Luna maghahanap ng suspek sa pagkamatay ni Yasmeen? O malulungkot dahil na rin sa konsensya.
Wala. Hindi ako natutuwa. Pero wala akong ibang choice. Ito lang ang paraan ko para hindi ako iwan ni Luna. Mananatili na lang ba akong tahimik? Ito ba ang tamang gawin?
Alam kong mali na hindi ko sabihin kay Luna ang totoo. Mahirap.
Masyado nang naging komplikado ang sitwasyon. Akala ko matatakasan ko na lahat. Hindi kaya ng konsensya ko. Pero kailan? Kailan ako aamin sa kanya?
Paano? Ayaw kong magalit siya sa akin at kamuhian niya ako. Nagsisisi na ako sa ginawa ko noon kay Yasmeen.
Nakokonsensya ako tuwing nakikita ko si Luna na kinekwento ang nangyari sa kapatid niya. Gusto kong aminin at sabihin na..
"Luna! Ako! Ako ang pumatay sa kapatid mo! Patawarin mo sana ako!"
Pero...
Hindi 'yun madali.
Naglalakad ako sa hallway ngayon at patungo ng classroom ng makita ko si Luna at Hara.
"That bracelet," rinig kong saad ni Hara habang nakatingin sa bracelet.
Hinawakan ko ang kaliwang kamay ko kung saan dating nakasuot doon ang bracelet ko gaya ng binigay ko kay Yasmeen.
Akala ko kasi kapag binigyan ko siya na papayag na siyang walang ibang kakaibiganin kundi ako lang. Siya lang ang akala kong masasandalan ko noon dahil nga ang mga magulang ko ay hindi man lang ako binibigyan ng atensyon.
'Yung bracelet ko dati na nawala. Binalikan ko pero hindi ko na nakita.
"May nakuha akong bracelet na ganyan noong bumalik ako sa rooftop. It was exactly like that!" saad ni Hara habang tinuturo ang bracelet na nasa pala-pulsuhan ni Luna.
Napa-atras ako ng isang hakbang. Hindi ko kaya. Ayaw kong magalit sa akin si Luna.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Luna. Nakaharap siya sa direksyon ko habang si Hara naman ay nakatalikod sa akin.
Nakatitig lamang si Luna sa mukha ni Hara. Naguguluhan. Napapakagat labi dahil alam kong kinakabahan siya. May hula na kaya siya? Alam na kaya ni Luna?
Nagsisimula na akong manginig at napakuyom na lamang ako ng aking mga palad hanggang sa maging kamao ito.
"Sabihin mo na ang totoo kay Luna," seryosong saad ng isang boses sa likuran ko.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nang lilingunin ko na ito ay naramdaman ko na lang ang biglang paghila nito sa akin at dinala ako sa isang gilid.
Itinulak niya ako sa pader kaya bigla akong napadaing sa kirot. Hinarap ko ito at nakita ko sa mga nakakatakot nitong titig.
Alam niya?
Ngunit paano?
"Hara told me and show me the bracelet you give to Yasmeen back then. I don't know that it was from you, not until I saw Luna wearing the same bracelet," mahabang paliwanag niya.
Nanatili akong nakatingala sa kanya. Naka-awang ang aking bibig at hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magbigkas ng salita.
"May nakita si Hara na nagtatago sa pinto ng rooftop noon. At base sa video na ipinakita noong miyerkules, nakakapit pa noon si Yasmeen. Meaning. Buhay pa sana siya kung niligtas mo agad siya. Pero bakit siya nahulog? Bakit siya namatay? What are your intentions for killing Yasmeen?" mahabang saad ni North sa mahina pero nanggagalaiting boses.
"N-North. Ayaw kong magalit sa akin si Luna," naiiyak na saad ko.
"Kapag mas lalo mo pang pinatagal hindi lang si Luna ang magagalit sa 'yo," ani ni North. Umiling-iling akong napayuko at napahikbi.
"Stop being selfish! Tell Luna the truth!" madiin at galit niyang sigaw. Hinawakan niya ang balikat ko at nararamdaman ko ang paghigpit ng hawak niya dito.
"Na-Nasasaktan ako," reklamo ko sa kanya. Binitawan niya naman ito pero iniinda ko pa rin ang hapdi ng pagkakadiin niya sa balikat ko.
"A-Aamin n-na ako," utal kong tugon.
Tumango naman siya at tumalikod na.
"Follow me," tipid na saad ni North habang nakatalikod siya sa akin.
Tumango naman ako at pigil ang hiningang inihakbang ko ang mga paa ko.
Sana...
Sana mapatawad ako ni Miley.
Masaya ako dahil nakilala ko si Miley. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya. Tinuring ko siyang parang kapatid dahil nag-iisa lang akong anak.
Nag-iisang anak pero walang pagmamahal ng mga magulang. Kaya ko siguro nagawa 'yun dahil na rin sa uhaw ako sa pagmamahal.
Not until, nalaman ko na si Miley pala ang kapatid ni Yasmeen. Sobrang gumuho ang mundo ko noon pero hindi ko pinahalata sa kanila.
Nanatili akong tahimik at umasta na parang wala lang.
Habang humahakbang ako ay nag fa-flashback ang mga pinagsamahan namin ni Luna.
Mga luhang pumapatak sa mukha ko ay nakakadagdag sa bigat na nararamdaman ko.
"Bestfriend ko ang nagbigay ng bracelet na ito sa akin," ani ni Luna.
Napa-angat ang mukha ko at nagsalubong ang mga mata namin ni Luna.
Nag-aalala niya akong tiningnan. Humakbang na sana siya upang lumapit sa akin nang mapatigil siya dahil sa sinabi ni Hara.
"She's the one who killed your sister," wika nito.
"No!" sigaw ni Luna.
"You're the one who send her the sticky note. Sinabi mo doon na alam na niya ang mangyayri kapag na-late siya sa usapan niyo!" sigaw ni Luna.
Nabitawan niya ang envelope na hawak niya at kniuha sa bag niya ang isang pulang sticky note.
Binagsak niya sa sahig ang bag niya at itinapon sa mukha ni Hara ang isang piraso ng sticky note.
"Hindi ako ang nagpadala nito kay Yasmeen," umiiling na saad ni Hara.
"Liar! That handwritten was yours! Don't deny it, Hara!" galit na bulyaw nito kay Hara habang dinuduro ang sticky note.
"It was someone's handwritten, Luna. Akala ko noon kay Hara talaga 'yan dahil pareho ang hula niyo ni Yuri pero ngayon alam ko na kung kanino," saad ni Stryker at ibinaling ang tingin sa akin.
"T-The e-earrings! 'Yung hikaw na nakita sa kamay ni Yasmeen sa 'yo 'yun 'di ba? Nakita ko sa vlog ni Stryker na suot mo 'yun," giit ni Luna.
"Yes. That was mine! But, I lost it on the rooftop when Yasmeen accidentally pulled it from my ears," paliwanag ni Hara.
Wala na ata akong kawala. Kailangan ko na talagang umamin.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Luna at ang nagtatanong niyang tingin na nakapukol sa akin.
Mabilis naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Luna! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" umiiyak na saad ko.
Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at tiningnan ako. Naguguluhan.
"Mababaliw na ako sa kakaisip. Bakit ka nag so-sorry?" humihikbing untag ni Luna.
Napahilamos ang mga kamay ko sa mukha ko at namumula na rin ang mukha ko sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
"I-I killed your sister. I'm the one who get her killed. I'm the reason, why she is no longer existing. I'm sorry!" humahagulgol na wika ko at yayakap na sana ako sa kanya pero lumayo siya sa akin.
Parang hinati ang puso ko ng ginawang 'yun ni Luna.
"Y-Yuri?" utal na wika ni Luna. Hindi pa rin makapaniwala.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
JugendliteraturEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.