Chapter 1 (Beach)

314 13 0
                                    

Tatlong buwan na simula nang mawala ang kapatid ko pero hindi pa rin na-alis sa isip ko ang nabasa ko mula sa sticky note na iyon.

Hindi ko pina-alam kay Tita na may ganoon akong mensaheng na-basa mula sa diary ni Yas dahil alam kong mag-aalala lang ito. Mas mabuti na rin na ako lang ang nakaka-alam para walang pumigil sa akin sa pag-kamit ko nang hustisya para sa kapatid ko.

Sa ilang buwan na nakalipas araw-araw akong nagmu-mukmok sa aking kwarto. Pinaghahandaan ang gagawin ko sakaling malipat na ako sa West U.

Napa-tingin ako sa kamay ko at naka-patong rito ang isang hikaw na nakita kay Yas noong i-sinugod siya sa hospital. Malakas ang kutob kong hindi kay Yas ang hikaw na ito dahil hindi ko nakita sa kwarto nito ang pares nito.

Maaring ang hikaw na ito ay makaka-tulong sa pag-kilala ng suspek sa pagkamatay ng kapatid ko. Nai-tikom ko ang kamao ko kung saan nakapaloob ang bilog na hikaw.

Nakarinig naman ako nang sunod-sunod na katok sa labas ng pinto kaya dali-dali kong tinago sa maliit na kahon ang hawak ko at nilagay ito sa drawer ko.

"Luna, pamangkin!" sigaw ni Tita Heidi sa labas ng pinto.

Lumapit ako dito at binuksan ito. Bumungad sa 'kin ang naka-ngiting mukha niya.

Wala rin siyang pamilya kaya tinuring niya na rin kami na para niyang mga anak at tinuring na rin namin siyang parang ina. Alam kong malungkot din siya sa nangyari sa mga magulang ko na namatay dahil sa pagbagsak ng eroplano nila pero sabi niya noon na 'life goes on'.

Anumang nakaraan ay kalimutan na upang makapag-simula ulit pero hindi ko magagawa iyon. Hindi pa ngayon.

"Bakit po Tita?" kunot-noong tanong ko pero nginitian niya lamang ako at binigay sa akin ang brochure na hawak niya.

"Ano po ito?" takang-tanong ko sa kanya.

Binuklat ko ang mga pahina at tanging mga litrato ng ilang resorts ang nakita ko.

"Para saan ito, Tita? Aalis ho ba kayo?" tanong ko na i-kinatawa niya.

"Hay naku! Hindi ako, kundi TAYO!" naka-ngiting saad niya at kinindatan ako.

"Ayaw ko po Tita. Ikaw na lang po," tanggi ko at binabalik sa kanya ang brochure ngunit pinigilan niya naman ito.

"Hep! Hindi pwede! Gusto kong kasama kita. Lalabas ka lang para mag jogging at kapag pupunta tayo sa mall. Kulong pa sa kwarto. Bakasyon naman tayo," pagpi-pilit nito sa 'kin habang naka-nguso pa.

Napa-buntong-hininga na lamang ako at tiningnan siya. Ngiting-ngiti pa siya at halata sa mga mata niya na hindi niya ako titigilan.

"Okay lang naman po ako Tita eh," mahina kong saad.

Napa-nguso naman siya tsaka napa-wika, "Sige na! Malapit ka nang pumasok sa West University tapos ako naman kailangan na ako sa kompanya. Alam mo na," taas niya ng dalawang kilay kasabay ang pagkibit-balikat niya.

Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagsa-salita, "Ipinagkatiwala 'yun sa 'kin ng mga magulang mo. Kaya please! Bonding naman tayo," naka-ngusong wika nito na i-kinatawa ko naman.

"Si Tita naman oh! Para ka namang bata," nakangiti kong saad.

"Please! 'Tsaka 'di ba gusto mo ng sariling condo? Bibilhan kita kapag nag college ka na pero KUNG sasama ka." saad nito at ngumuso.

Huminga ako nang malalim bilang pag-suko dahil alam ko na wala na rin naman akong ira-rason sa kanya.

Alam kong hini-hintay niya ang sagot ko dahil wina-wagayway niya ang braso ko na kina-kapitan niya.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon