Naramdaman ko naman ang paghawak sa akin sa kaliwang braso kaya ibinaling ko ang tingin sa kanya.
"Saan mo siya dadalhin?" seryosong untag ni Stryker habang ipinupukol matalim na tingin niya kay North.
"It's none of your business, Stryker," walang emosyong tugon ni North.
Inalis ko ang pagkakakapit ni North sa kanang kamay ko at hinawakan ko ang kamay ni Stryker na nakahawak sa kaliwang braso ko.
"It's okay, Stryker. Please, look after Tita Heidi. I'll be back," nakangiti kong saad dito.
Tumango naman siya sa akin at ibinaling ang tingin kay North.
"I'm watching you," seryosong saad ni Stryker at itinuro pa si North ng kanyang hintuturo.
Napa-ismid lang si North at biglang hinawakan nito ang braso ko.
Hindi na ako nagpumiglas pa at hinayaan na lamang si North na hilahin ako.
Nakalabas na kami sa gymnasium at dinala niya ako sa gilid ng gymansium kung saan naka-park ang ilang mga kotse.
Binitawan niya na ang kamay ko at seryosong tumingin sa akin.
"Is this your plan? The reason you transfered here? Are you happy now?" sunod-sunod na tanong ni North sa akin habang nakatiim bagang nakatingin sa akin.
Napa-irap lang ako sa hangin at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Iniiwas ko ang tingin sa kanya at narinig ko ang pag singhap niya.
"Why are you not saying anything?" giit nito. Umiigting na ang panga niya sa galit.
Inis kong ibinaling ang tingin sa kanya at nilagay ang dalawa kong kamay sa bewang ko.
"Why did you ask? Will you intervene again?" I exasperatingly snorted at him.
"Really, Miley? How long will you hold on to your grudges?" singhal rin nito sa akin.
Inis akong umiling dahil sa pagka-disgusto sa sinabi niya.
"You know nothing, North! Kung gusto mong ipagtanggol si Hara sa kahihiyan na kinakaharap niya ngayon, then go! In fact, she did that because of you," galit na sigaw ko sa kanya.
"Alam kong binawi mo rin 'yung malaking shares ninyo sa kumpanya nina Hara. Is it not enough?" tanong nito sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko at nakatitig lamang sa bracelet na suot ko na galing kay Yuri pero marahas ko namang binawi ang kamay ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang balikat ko.
"Itigil mo na, Luna. Hindi mo alam ang totoong nangyari," mahinang saad niya at mataman akong tiningnan.
Galit kong inalis ang mga kamay niya na nakapatong sa balikat ko at naikuyom ko ang mga palad ko.
"Hindi!? Sa tingin mo hindi ko alam!? Are you stupid? Nakita mo naman sa video 'di ba?" galit na saad ko.
Napapadyak na lamang ang isang paa ko sa lupa dahil sa inis.
"I'm done talking to you, North. I have to go," seryosong saad ko at tinalikuran ko siya.
Ngunit napatigil ako sa sinabi niya.
"Then, don't trust anyone except yourself," mahinahong saad niya.
"Gusto ko sanang makausap ka kapag hindi na sarado ang isip mo," dagdag niya pa at naramdaman ko ang papalayo niyang mga yabag.
Tuluyan na nga siyang umalis at naiwan akong nakatulala.
Napalingon ako sa kanya at nagtataka kong tiningnan ang papalayo niyang pigura.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
TeenfikceEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.