Chapter 41 (Preparation)

73 4 0
                                    

LUNA'S POV

Sabado na ngayon at alas sais na ng umaga pero ayaw ko pa ring bumangon.

Hinihila pa ang katawan ko sa higaan at parang ayaw na akong pakawalan.

Nakatulugan ko na rin kasi ang pag-iyak ko kagabi.

Masyado na akong nagiging iyakin.

Kahit na nangako ako sa sarili ko na magiging matapang ako.

Magiging matapang sa pagtanggap sa mga posibleng mangyayari pero parang sa simula pa lang bigo na ako.

Tumayo ako at pumunta sa aking terrace.

Napakagandang pagmasdan mula rito ang sunrise.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inunat ang aking mga braso pataas.

It's so good to feel the cold air of the morning. I love nature, the lovely views, the sounds of chirping birds, the sound of the waves, and everything.

My room is filled of beautiful sceneries of environments except of Hara's picture and her groups.

Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng pagkatok dito ng tatlong beses.

"Luna, kain ka na," tawag ni Yaya Tere sa labas ng pinto.

"Pasok na po Yaya," tugon ko sa kanya.

Pumasok naman siya at bitbit ang morning breakfast ko sa isang tray. Napatayo naman ako at sinalubong siya.

"Yaya Tere bakit niyo po ako dinalhan ng pagkain sa kwarto? Naabala pa tuloy kita," nahihiyang saad ko at kinuha ang tray na hawak niya.

"Naku, Hija! Katulong niyo ako kaya okay lang sa 'kin. Nag-aalala kasi si Mam Heidi sa 'yo dahil hindi ka na nakakain kagabi," nag-aalalang saad nito.

"Okay lang naman po ako. Pagod lang siguro," nakangiting saad ko sa kanya.

"Kumain ka na ah? Magwawalis pa ako sa bakuran," nakangiting saad nito kaya naman tinanguan ko siya.

Tumalikod na siya at lumabas na sa kwarto ko. Nilapag ko naman sa mesa ang tray na hawak ko at na-upo sa kama ko.

Tinitigan ko lamang ito ng ilang minuto at biglang napukaw ang atensyon ko dahil sa tunog ng messenger ko.

From: Alliah (The Class President)

Hey guys! Don't forget about the preparations. We need more helpers to do the works. No more buts, or unvalid reasons. See you at 8:30 am!

Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa nabasa ko.

Hindi ko naman siguro makikita ngayon si North. Tutal busy naman 'yun sa practice niya about sa pageant.

Nagsimula na akong kumain. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nag-ayos ng aking sarili. Wala namang lectures kaya hindi na ako nag-uniform.

I've worn my black fitted jeans and a white tee partnering my white sneakers.

I look myself in the mirror and smile. I am now satisfied with my looks wearing white and blac-

He likes black and white.

Umiling-iling ako at isinantabi ang aking naisip.

Hindi naman siya ang naiisip ko. Bakit? Ano bang problema sa black and white? Wala naman 'di ba? 'Di ba?

I know, I look like a crazy person talking with my reflection in the mirror.

I put black markers on my eyebrows and dots on my face.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon