Chapter 3 (West University)

164 12 0
                                    

"Luna! Nandyan na sa closet mo 'yung uniporme na galing sa West University," rinig kong sigaw ni Tita sa baba. "At 'yung ID mo rin nasa bag mo na!" dagdag pa nito kaya naman binuksan ko ang bag ko at nilabas ito.

"Salamat Tita!" pabalik kong sigaw at pumunta na sa closet ko. Binuksan ko ito at bumungad sa 'kin ang isang long sleeve at may necktie na pula.

Ang palda ay above the knee sana pero pinasadya kong lumagpas ng kaunti sa tuhod para magmukha talaga akong isang nerd. In short, manang. Nag-comment pa si Tita sa style ng uniporme ko at tangimg ngiwi lamang ang naging ekspresyon niya ng sabihin ko na ito ang gusto kong style.

"Ang pangit naman ng fashion taste mo, Luna," ngiwi nito pero nginitian ko na lang siya. Hindi na rin naman niya ako kinulit at bahala na raw ako dahil ako naman ang mag-susuot nito kaya okay lang.

Pagkatapos kong maligo ay umupo na ako sa tapat ng salamin ng kwarto ko at in-eksamin ang mukha ko. Kumuha ako ng black marker at nilagyan ang kilay ko. Sinadya kong kapalan ito hanggang sa nagmukha ng makapal at itim na itim ang kulay.

Sunod kong nilagyan ng black marker ang pisngi ko upang mag silbing pekas. Tinadtad ko ng itim na mga dots ang mukha ko pero sinikap kong hindi nila mahalata na matker lang ito at pinagmukha talaga itong totoong pekas o bako-bako sa mukha ko. Ibinaba ko na ang black marker at kinuha ang itim at malaking salamin na binili ko kahapon sa mall bago pa man kami makarating sa bahay galing sa resort.

Nilagay ko na ito at nanlaki ang mga mata ko dahil sa kinalabasan ng itsura ko ngayon.

A-Ako ba talaga ito?

Napakalayo sa dati kong itsura. Nilugay ko lang ang lagpas balikat kong buhok at sinuklayan ito. Hindi ko na nilagyan ng brace ang ngipin ko at hinayaan na lamang ito sa normal nitong itsura dahil baka masira lang ang ngipin ko.

Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ito sa mga balikat ko pagkatapos ay sinabit ko rin sa leeg ko ang ID na nasa mesa at bumaba na.

"Tita. Aalis na po ako!" sigaw ko pagkababa ko pa lang at patakbo ng tinungo ang pinto pero agad akong bumalik at pumunta sa kinaroroonan ni Tita.

Naghahanda pa lang si Tita sa hapag-kainan kaya lumapit ako sa kanya dahil nakalimutan ko pala ang baon ko.

Agad na lumingon si Tita pagkalingon niya sa direksyon ko at nanlaki ang mga mata nito pagkatapos ay nabitawan ang hawak niyang siyansi."Ay! Impakta! Nasaan si Luna!? Sino ka!?" gulat na sigaw ni Tita at nakita ko siyang umatras kaya napatawa na lamang ako.

"Tita! Ako 'to!" asik ko. Habang inaalis ang salamin ko at inipit sa tenga ang mga hibla ng buhok ko na kanina lamg ay nakatakip sa mukha ko.

Nilapitan ko ang mesa at na-upo para kumain pero nakita kong lumapit si Tita sa akin tsaka umupo rin siya sa upuan na nasa tapat ko at tiningnan ako nang maigi. Maaga pa naman kaya dito na lang siguro ako mag-aagahan, sayang din naman ang niluto ni Titang agahan.

Kunot noo pa rin niyang pinagmamasdan ang kabuuan ko at tumayo habang nag-aalangang lumapit sa akin,"L-Luna!? Ikaw ba talaga 'yan!?" tanong ni Tita.

Magkasalubong na ang mga kilay niya at nagpasya siyang mas lalo pang lumapit sa akin at ineksamin ang buong mukha ko.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya," Tita, kahit naman nagbago ang anyo ko hindi naman magbabago ang boses ko noh. Ako pa rin po 'to," saad ko at alanganin siyang yumango-tango.

Napangisi naman ako at kumuha na ng kanin at ulam na nakalapag sa mesa 'tsaka kumuha ng kaunti para nilagay ito sa plato ko.

"Ano bang trip mong bata ka? Nagmukha ng coloring book ang mukha mo! Hindi mo naman sinabi na gusto mag drawing binilhan na lang sana kita nang drawing book hindi 'yung dyan ka pa sa mukha mo nag-kalat ng ink," asik nito sa akin pero natawa naman ako at subo na ng pagkain. Bumalik siya sa upuan niya kaya napangiti na ako sa kanya.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon