"Aurelia Crimson, School Head," pagbasa ko sa itaas na nakalagay sa pinto.
Ito na nga.
Kumatok ako ng tatlong beses bago ko pihitin ang door knob.
Dahan-dahan akong pumasok at bumulaga sa 'kin ang malaking silid na nababalutan ng green and white colors.
It's like the color of nature.
Napakasarap sa mata ng mga modern interior designs.
Tumikhim ako at umayos sa pagkakatindig habang dahan-dahang naglakad papasok.
Nakita ko ang isang babaeng matanda na nakatalikod sa pinto.
"Good morning, Ma'am," pagtawag ko sa pansin niya.
Lumingon naman siya at tiningnan ako.
"Yes? What do you need, young lady?" nakangiting tanong nito at naglakad papunta sa 'kin.
May edad na ito ngunit halata pa rin ang ganda niya. Napaka sopistikada at ang kanyang pisikal na anyo ay karespe-respeto talaga.
"A-Ah, I'm a transferee student and I just want to ask if I can choose my section?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.
Napakunot naman siya ng noo at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.
"Why? Do you have desired section?" malumanay na boses na tanong nito sa 'kin.
"Yes, Ma'am! I have," nakangiting saad ko.
"Hmm... Well let's see," wika niya.
Tumalikod siya sa akin at naglakad papuntang table niya.
"What's your name, young lady?" tanong niya habang may hinahanap sa table niya.
"Miley Dalla po," sambit ko.
"Miley. Miley. Hmmm... Where could it be? O-Oh, it's here," she exclaimed.
Kinuha niya ang isang black na folder at nakangiying ipinakita ito sa akin.
Binuksan niya ito at kinuha ang kanyang salamin na nakapatong sa mesa niya pagkatapos ay binasa ang nilalaman ng transfer papers ko.
"Hmm... You have good grades and I think you belong to 3-A class. Don't you want to be there?" tanong niya at nakakunot noong tiningnan ako.
That's my sister's section.
"Of course, Ma'am! Actually that's my desired section hehe," nakangiting tugon ko sa tanong niya.
"Good! Then, you can go to your adviser's office. Her name is, Alexis Grigg," nakangiting saad niya at binigay sa 'kin ang black folder ko.
"Thank you, Ma'am!" masayang wika ko.
Tumalikod na ako sa kanya at lumapit na sa pintuan.
Humarap muna ako sa kanya at nginitian siya bago lumabas sa pintuan pagkatapos ay sinara na ito.
Saan ba ang office ni Ma'am Alexis?
Nakita ko ang isang janitor at lumapit sa kanya.
"Kuya! Ahmm.. Pwede ho bang magtanong?" untag ko.
Napatango naman ito habang may hawak-hawak na trash bags sa magkabilang kamay nito.
"Ano 'yun?" tanong nito sa 'kin.
"Alam niyo po ba ang office ni Ma'am Alexis Grigg?" tanong ko.
Sinundan ko naman ang itinuro niya at napadako ang mga mata ko sa isang building na may apat na floor.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.