Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami papuntang room namin.
"Miley! Wait muna ah! Naiihi ako eh." paalam ni Yuricane. Tinanguan ko naman siya kaya siyang dali-daling tumakbo papunta sa cr.
Tumigil ako sa paglalakad kaya napahinto rin si North.
"Bakit?" Tanong niya.
"Ahm. North! Mauna ka na. Sasamahan ko lang si Yuricane." saad ko.
Kumunot naman ang noo niya at nagsalita, "Bakit ba kapag umihi ang mga babae eh sama-sama? Ano bang trip niyo?" naguguluhang tanong ni North.
Napa-irap lang ako at hinarap siya.
"Basta!" saad ko at iniwanan na siya.
Nang malapit na ako sa cr ay nakita ko sina Hara at Kaye na nag-uusap sa ilalim ng hagdan.
Dahil sa curiosity ko ay nagtago ako sa gilid at lihim na pinakinggan ang usapan nila.
"You know, Eliz is just scaring you." rinig kong saad ni Kaye.
That Eliz again. Who is she? Kaklase ba namin siya? Schoolmate? Teacher? Who is that?
Tila nalutang na ang isip ko dahil sa kakaisip ko kung sino nga ba talaga si Eliz. Namalayan ko na lamang ang paghawak sa akin sa braso.
Tiningnan ko ito at nagulat ako ng makita kong si Hara.
"Trying to eavesdrop, nerd?" seryosong tanong nito.
Pero hindi na ako nakapagsalita ng bigla niya akong sampalin.
"Hara, baka may makakita sa 'yo dito." Pigil ni Kaye kay Hara. Napangisi naman si Hara at bumulong sa akin.
"Then, let's find some private place." nakangisi pa rin na saad nito.
"Follow me," she demanded.
Hindi ako natatakot sa mga ganyan mo, Hara.
Tahimik akong sumunod sa kanya habang nakasunod naman sa likuran ko si Kaye.
"Miley! Where are you going!?" takang tanong ni Yuricane.
"May pag-uusapan lang kami, Yuri." tugon ni Kaye kay Yuri.
Naramdaman ko ang paghawak sa braso ko ni Yuricane at tiningnan ako ng may pag-aalala.
"Sasama ako." bulong nito sa akin.
Bigla namang huminto si Hara sa paglalakad kaya napahinto rin kami. Humarap siya sa amin at tinitigan nang masama si Yuricane.
"Well, i'm sorry Yuricane but you're not allowed to come. So, back off!" inis na saad nito at tinulak si Yuricane sa balikat nito.
"P-Pero..." giit pa rin ni Yuricane pero pinigilan ko naman siya.
"It's okay, Yuricane. Madali lang ito." nakangiti kong saad. Napanguso na lamang ito at tinanguan ako.
"Hmp!" asik ni Yuricane at binangga si Hara sa balikat.
Aangal pa sana si Hara pero nakapasok na ito sa room namin kaya naman tahimik ako napabuga ng hangin.
"Bitch!" inis na asik nito.
"Wait!" tawag ni Yuricane at tumakbo papunta sa amin at biglang hinablot ang braso ni Kaye.
"If you want to talk with Miley privately then kayo lang dalawa mag-usap. Mag-uusap rin kami ni Kaye." asik nito kay Hara.
Pilit namang kumakawala si Kaye pero hindi ito binibitawan ni Yuricane at kinaladkad niya ito papuntang classroom kaya naiwan akong tulala sa ginawa niya.

BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.