Chapter 7 (Bangs)

107 9 0
                                    

"Akyat na po ako, Tita!" saad ko nang bumaba ako sa kotse ni Tita.

Tumango naman siya at pinark na ang kotse sa garahe namin.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at binalibag ang bag ko sa kama. Pumunta ako sa drawer ko at hinanap ang aking gunting.

"Saan ko na ba 'yun nilagay?" tanong ko sa sarili ko habang kinakalikot ang mga gamit ko sa first layer ng drawer ko.

Saan ko na nga ba nilagay 'yung gunting?

Hindi ko nakita sa unang layer kaya naman nag patuloy akong mag hanap sa pangalawang layer.

"Gotcha!" masayang saad ko nang makita ito at dali-daling na-upo na sa harap ng salamin ko.

Yes! Babaguhin ko ang style ng buhok ko dahil sa North na 'yun. Maglalagay lang ako ng bangs na lagpas sa aking mga mata, upang hindi na siya mag hinala at mangulit na nakita niya na ako.

Sinuklay ko ang ilang bahagi ng buhok ko pa-harap at pinantay ito. Itinapat ko ang gunting sa may kilay ko upang sukatin kung gaano kahaba ang puputulin ko.

Sa huli, napag-desisyunan ko na lagpas mata na lang talaga. I don't care kung hindi ako maka-kita. What important now is that North won't pester me again.

"There!" nakangiting saad ko habang minamasdan ang sarili ko, para na talaga akong isang nerd nito.

Pumunta na ako sa cr sa kwarto ko at naghilamos na. Masyadong mahirap alisin 'yung mga dot sa mukha ko dahil sa black markers.

"Pamangkin! Kain na tayo!" sigaw ni Tita Heidi sa baba.

"Sige po, Tita! Baba na lang ho ako," Pabalik kong sigaw at lumabas na sa aking kwarto.

Bumaba na ako at nakita ko si Tita na nakaupo na.

Tiningnan niya naman ako at nakikita ko ang nangni-ningning niyang mga mata.

"Woah! Ano naman 'yan pamangkin? Bago pa rin ba 'yang trend?" tatawa-tawa niyang saad habang nakatingin pa rin sa 'kin.

Nahihiya ko namang hinawakan ang bangs ko at umupo na sa tapat niya.

"Pangit po ba?" kunot-noong tanong ko sa kanya habang hinahawakan ang bangs ko. Mabilis niya namang iwinagayway ang kamay niya sa harapan ko at natatawang umiling-iling ito.

"Hindi ah! Bagay nga sa 'yo eh! Pero pamangkin, 'wag ka nang magsu-suot ng salamin at 'yang mga itim na dots sa mukha mo. You're ruining your beauty!" magkasalubong na ang mga kilay nito habang nakatingin pa rin sa mukha ko. "By the way 'yung ginawa mo kanina 'wag mo nang ulitin hah!" pagkatapos niyang sabihin 'yun ay napangisi siya na parang ina-alala ang itsura ko kanina.

Ganun na ba ako ka-pangit bilang nerd?

"Pe-Pero Tita... 'yun ang uso ngayon," pagda-dahilan ko at kumuha na ng kanin at ulam.

"Tinanong ko ang secretary ko sabi niya sakin hindi naman raw trend 'yun eh," nagtataka niyang saad habang kumukuha ng kanin na dahilan para mabulunan ako. "Oh! Ayos ka lang? Inom ka ng tubig," tarantang saad niya at sinalinan ng tubig ang baso ko.

"Okay lang po ako," wika ko at uminom na ng tubig.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako habang si Tita naman ay nagpa-iwan pa sa sala. Manonood pa raw siya ng paborito niyang telenovela.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang upuan na nasa study table ko at inuharap ito sa wall ko tsaka na-upo.

Picture ni Hara ang agad kong tinuunan nang pansin kaya napatayo ako at inis na tinusok isang pin sa mukha nito. Kasamang nakadikit sa wall ko ay ang mga mukha ng kanyang mga kaibigan na sina Shannia, Kaye at Valissa.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon