"Luna! Entertain your suito-- I mean your visitor. Don't just stand there." Tita Heidi ordered.
"A-Ah k-kasi Ti-ta..." nauutal kong saad. Hindi ko na alam kung saan na ako pupunta upang takasan si North.
Huli na. Nakita na niya ako. Hindi ko na siya matatakasan pa.
"Why are you stammering?" kunot-noong tanong ni Tita.
Tiningnan ko naman si North at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito.
He's teasing me!
"Maybe she's surprise, Tita. Hindi ko kasi sinabi sa kanya na pupunta ako." ani niya at ibinaling ang tingin sa akin.
"Ah ganoon ba? Hay naku! Don't be shy, Luna! Sige na ma-iwan ko muna kayo at ihahanda ko lang 'yung breakfast. Dito ka na rin kumain, North." mahabang litanya ni Tita.
Mas lalo akong kinabahan nang umalis na si Tita. I can feel his eyes staring at me.
Bakit ako matatakot sa kanya? Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ko nagawa ang mag-panggap.
Tama! Huwag kang padadala sa kanya, Luna.
Huminga ako ng malalim at tumikhim bago lumakad pababa ng hagdan.
I lift my chin up to show him that i'm not scared. Why would I? He's a meddler of my plan.
"A-Anong ginagawa mo dito?" I asked without looking in his eyes.
Naramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa braso ko at hinila ako palabas.
"Ano ba!? Bitiwan mo nga ako! Umuu--!" putol ko sa saabihin ko ng makita kong tumila na pala ang ulan.
Sa garden niya ako dinala kaya binitawan niya na ako.
"Ano bang problema mo!?" asik ko sa kanya.
"It's you!" asik niya at dinuro ako.
"What!?" tanong ko sa pang-aakusa niya.
"It's you who attacked Hara in the parking lot, right?" seryosong tanong niya.
"What are you talking about?" pagmamaang-maangan ko sa kanya.
"Don't lie! I saw you. Bakit nag sinungaling ka ng tanungin kita? Ano ba talaga ang pakay mo sa WIU?" sunod-sunod na tanong niya.
"Ako nga! Bakit? Ano ba ang pakialam mo?" taas-kilay kong saad.
"You--" inis na ani niya pero hindi na tinuloy dahil tinawag na kami ni Yaya Teresa.
"Sige po, Yaya." Tugon ko dito.
Inirapan ko siya at mabilis na pumasok sa loob.
"Where is your suito-- este visitor?" tanong ni Tita nang makita niya na wala si North sa likuran ko.
"Malay ko 'dun, Tita," asik ko at pabagsak na umupo sa upuan na nasa tapat ni Tita.
"What? Naku naman, Luna! Bisita mo 'yun. Tawagin mo." utos ni Tita sa akin. Tumayo naman ako at naglakad na palabas.
"Bakit hindi ka pa pumapasok?" untag ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako at lumapit sa akin.
"Sabi ko na nga ba pamilyar ka eh." saad niya habang tinitingnan ang kabuuan ng mukha ko.
Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko.
"A-Ano ba!?" singhal ko sa kanya at tumalikod na.
Naglakad na ako papuntang hapag kainan at umupo na.
"He's here, Tita." ani ko at kumuha na ng pagkain.
"Hijo! Upo ka!" masayang saad ni Tita at iginiya niya ang kanyang kamay sa tabi ko.
Magkasalubong ang kilay ko naman na tinapunan ng tingin si Tita pero nginitian lang ako nito.
"Salamat po, Tita." nakangiting saad ni North at umupo na sa tabi ko.
"So... Kumusta naman sa klase si Luna- By the way, what is your name, Hijo?" tanong ni Tita kay North.
Nanatili lang nakatuon ang atensyon ko sa kinakain ko at habang ini-interview pa ni Tita si North.
"North po. North Grigg." tugon niya kay Tita.
"Your name is unique and handsome. Just like you." ani ni Tita. Tiningnan ko si North at parang sobrang bait kung makangiti ng wagas kay Tita.
Kumuha naman si Tita ng kanin at nilgyan ang plato niya.
"Salamat po." saad ni North.
"Tsk! Walang kamay?" pabulong kong saad.
Hindi ko na sila inintindi dahil parang nasisiyahan sila sa pinag-uusapan nila kaya nang makatapos akong kumain ay nagpa-alam muna ako kay Tita na pupunta ako sa sala.
Tumango lamang ito at binaling na ulit ang tingin kay North.
Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa sobrang pakialamero ni North ay tuluyan na niyang nasira ang plano ko. Paano na ako nito? Hindi na ako makakagalaw ng maayos sa unibersidad dahil sa nangyari ngayon.
Napasabunot na lamang ako sa buhok ko at napapadyak dahil sa sobrang inis.
"Frustrated? Why? I ruined your plan?" panunuyaw niya sa akin.
"Tss! Lagi naman!" asik ko.
Ano ba talaga ang ginagawa mo rito?" dagdag kong saad.
"Well... I just want to meet, Miley but unexpectedly I met you. The girl I met first before Miley." nakangising saad niya.
Tinapunan ko naman siya ng tingin at tinaasan ng kilay.
"So, you think you're lucky?" untag ko sa kanya pero napakibit-balikat lang siya at umupo na sa couch.
"Tama pala ang hinala ko. It was you." sa pagkakataon na ito ay iba na ang tono ng boses niya. Masaya? Relieved? Parang kanina lang umuusok na ang ilong niya.
"Congrats, pwede ka nang maging manghu-hula sa future." nakangiwi at sarkastiko kong saad.
"Tss." anas niya.
"Hindi ka pa aalis?" tanong ko sa kanya.
"Why? You want me to stay?" pagbibiro niyang saad.
"N-No!" tugon ko at tumayo na.
Naglakad na siya papuntang pinto kaya tahimik akong nagpa-salamat. Pero huminto ulit siya at humarap sa akin.
"May sasabihin ka pa?" tanong ko.
Naglakad siya papalapit sa akin at bumulong sa akin, "Don't worry, your secret is safe with me."
"And by the way, maganda ka pa rin bilang Miley pero mas maganda ka bilang ikaw." bulong niya sa akin. Ramdam kong nagsitayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya.
And at that very moment... ang puso ko. It starts to beat abnormally, again. Why is this happening to me?
Everytime he's near me, everything becomes weird. My heart began to beat fast and my face starts to heat. Si North lang nakakagawa nito sa akin. What is he doing to me?
Lumayo na siya at nakita ko ang nakangisi niyang mga labi.
"Alis na ako, Luna." He stated and chuckled. Tumalikod na siya at lumabas ng pintuan.
Narinig ko naman ang pagtunog ng motor niya at nang mapagtanto kong nakalayo na siya ay napa-upo na lamang ako.
What i'm feeling right now is insane.
T-This is insane!
![](https://img.wattpad.com/cover/221396615-288-k210152.jpg)
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Novela JuvenilEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.