Pinatuloy pa rin ang foundation day at dahil kay Yuri ay nakapaglaro kami ng mga games na nakatayo sa open field.
Marami rin akong nakuha na mga stuffed toys dahil kay Stryker na paulit-ulit na naglaro ng shooting at ang premyo ay mga laruan.
Naglaro kami sa iba-iba pang booths at nag take pictures kasama sina Yuri at Stryker.
Hindi na namin nakita si Hara at sabi ng ibang mga kaklase namin na grounded raw ito sa bahay nila.
Sa lunes ay inaasahan siyang pumunta sa campus para kausapin ni Miss Crimson at ng Disciplinarian Teacher.
Masyado rin naging usapan ang nangyari sa loob ng natitirang araw ng foundation days at may iba rin na kinuhanan ng pictures at videos si Hara habang parang baliw na umiiyak sa stage.
Galit na galit rin si Shannia at Kaye habang sinasaway ang mga kaklase kong nanonood at tinitingnan ang mga videos ni Hara.
Habang si Valissa ay hindi na rin pumasok hanggang matapos ang foundation.
Alam kong nag-aalala siya para sa kaibigan niya at naapektuhan rin siya dahil naroroon siya sa video kung saan nangyari ang insidente.
I won't blame Valissa. Alam kong pumunta lamang siya sa rooftop para umawat dahil 'yun ang nakita ko sa kuha ni Stryker.
Akala ko sinadya niyang itulak si Yasmeen. But, she didn't. She's friend of Yasmeen- I mean Yasmeen's bestfriend except Hara and the two girls.
****
Lunes na ngayon at ito na ang tamang panahon para tapusin na ang pagpapanggap.Sinuot ko na ang uniporme ko at matamang tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin.
Nakalugay ang straight at itim kong buhok habang natatabunan naman ang noo ko ng bangs na hanggang mata ko.
Bumalik na ako sa pagiging Luna.
Wala na ring salamin, pekas at makakapal na kilay.
Hindi ko sinabi kina Stryker at Yuri na simula ngayon ay hindi na ako magpapanggap.
Nakita na rin ni Stryker ang totoong itsura ko ng minsang pumunta siya sa bahay namin para i-abot sa akin ang flashdrive kung saan nakapaloob doon ang video na nakuhanan niya sa rooftop.
Hindi siya makapaniwala at niyakap-yakap pa ako.
Akala tuloy ni Tita boyfriend ko siya pero tinanggi ko ito habang si Styker naman ay tuwang-tuwa.
Noong si Yuri naman ang nakakita sa akin ay agad niya akong inaya na mag selfie dahil ipopost niya raw iyon kapag okay na ang lahat.
Huminga ako ng maalalim at nginitian ko ang sarili kong repleksyon.
Nagyon na nalaamn na ng lahat ng tao ang ginawa ni Hara ay tila nabuhayan ako at nawala ang tinik sa puso ko lalo na ang mga bumabagabag sa isip ko.
Lumabas na ako sa kwarto ko habang nakasukbit na ang bag ko sa mga balikat ko.
Bumaba na ako at nasalubong ko ang tingin ni Tita. Tinitingnan niya ako at ngumiti ng napakalawak.
"You're simple but gorgeous, pamangkin!" masayang aniya at snalubong ako.
Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Ay teka, hintayin mo ako dito sa baba dahil kukunin ko 'yung mga trasfer papers mo," masaya pa ring aniya at tumakbo paakyat ng hagdan.
Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng gatas sa ref. Isinalin ko ito sa baso na kinuha ko at uminom.
Kumuha rin ako ng sandwich na nasa mesa na sa tingin ko ay ginawa ni Tita Heidi.
Hindi naman katagalan ay lumabas na siya sa kwarto niya na may dalang isang envelope.
Nang makababa siya ay iniabot niya sa akin at nagsalita, "Naka-usap ko na si Mrs. Crimson at sabi niya ay ibigay mo na lamang ito kay Ma'am Alexis, your adviser."
Kinuha ko naman ito sa mga kamay niya at nilapag sa mesa. Inubos ko na ang gatas at sandwich ko pagkatapos ay tumayo na ako.
"Salamat po, Tita. Alis na po ako," paalam ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Take care," nakangiting saad niya.
Tumango na lamang ako at tinahak na ang pinto. Nang makalabas ako ay dumiretso ako sa garahe para kunin ang bisikleta ko.
Pina-takbo ko naman ito at mabuti na lang ay binuksan na ni Yaya Tere ang gate dahil mabilis akong nakalabas.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam, I just feel weird. Maybe, i'm excited or nervous.
Nang makarating na ako sa campus ay tinahak ko ang third year building. Ipinark ko na ang bisikleta ko sa tabi ng ibang bisikleta at ini-lock ito.
Hawak ko ang envelope sa mga kamay ko at umakyat na sa 2nd floor. Huminto ako sa tapat ng pinto ng opisina ni Ma'am Alexis.
Kakatok na sana ako ng bigla itong bumukas. Niluwa nito si Hara na nakayuko at nakabusangot.
Umatras ako ng ilang hakbang at bigla siyang napa-angat ng tingin sa akin.
Nakita ko ang pag-irap niya at ang dahan-dahang pagtaas ng isang kilay nito.
"Transferee?" tipid na tanong niya.
Hindi naman ako sumagot at seryoso lamang akong nakatingin sa mukha niya.
Sinarado niya ang pinto at sumandig dito. Napadapo ang tingin niya sa bracelet na suot ko at nangunot ang kanyang noo at dahan-dahang umalis sa oagkakasandig sa pinto.
"Who gave you that?" takang tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa bracelet ko.
"Miley!" rinig kong tawag sa akin ni Stryker. Tiningnan ko siya dahil
Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Hara at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"M-Miley!?" gulat na untag ni Hara habang magkasalubong ang mga kilay niya.
"Oops!" rinig kong ani ni Stryker.
"I knew it!" galit na turan niya at dahan-dahang lumapit sa akin.
Hindi ako gumalaw o nagpakita ng takot sa kanya.
"Akala mo nakapaghiganti ka na? No, Miley! Mali ka! Maling-mali ka," bulyaw nito sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"That bracelet," turo niya sa bracelet na suot ko.
Anong kinalaman ng bracelet na ito?
Padami na rin ng padami ang mga taong nakikiusyuso pero hindi namin iyon inintindi.
Nakita ko rin sa gilid ng mga mata si North na nakapamulsa at nakaharap sa amin.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon namin pero mabilis na tumakbo si Stryker papunta sa amin.
Gusto na niya akong paalisin dito pero hindi ako umalis.
I want to hear what Hara wants to say.
Sana hindi tama ang hinala ko pero...
What if...
Totoo nga? Makakaya ko bang tanggapin? Maniniwala ba ako sa sasabihin ni Hara?
Paano kung plinano niya lang ito para malinis ang pangalan niya.
I'm curious and at the same time, nervous.
![](https://img.wattpad.com/cover/221396615-288-k210152.jpg)
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.