NORTH'S POV
Nauna na akong lumabas sa room at dumiretso sa office ni Ate Alexis.
Kumatok muna ako nang tatlong beses saka ko binuksan ang pinto.
"Ano na naman ang kailangan mo?" untag ni Ate at tiningnan ako.
"I have a favor," tugon ko sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay at pumangalumbaba.
"At ano na naman iyon?" tanong niya at unti-unti ko na naman nasisilayan ang kilay niyang tuma-taas.
Favor lang eh.
"Gusto ko sanang makita 'yung footage kahapon," nag-aalangang wika ko at napakamot na lamang sa batok ko.
"For what?" takang tanong nito.
"I just have something to confirm, but the staff there is not allowing me to see that footage," mahabang litanya ko.
"What is it that you want to confirm?" tanong nito sa akin.
"Just something. I won't tell you," ani ko na ikina-kunot ng kanyang noo.
"Why? Is it something scandalous?" She suspiciously asked.
Gulat ko naman siyang tiningnan. "What? No!" mabilis kong sagot sa tanong niya.
Scandalous? What the! Hindi ako tsimoso, for pete's sake. I'm just curious.
"Then what?" pagpipilit na tanong nito.
"I'm just asking for a favor. Kung ayaw mo aalis na lang ako," inis na litanya ko.
"Favor lang eh. Dami-dami nang tinanong tsk!" pabulong kong dagdag at tumalikod na.
Tinungo ko na ang pinto nang bigla siyang mag-salita.
"Sabihin mo na lang na may ini-utos ako sa'yo na tingnan. Papayag naman 'yun," Ani niya kaya naman bigla akong napalingon sa direksyon niya at ngumiti nang napakalawak.
"Talaga!?" hindi makapaniwalang tanong ko pero tumango lang siya.
Tumakbo na lamang ako papunta sa kanya at niyakap siya.
"Salamat Ate!" masayang saad ko.
Niyakap niya naman ako pabalik pero mabilis lang 'yun at tinapik na ang likod at humiwalay na sa pagkakayakap sa 'kin.
"Hmp. Sige na! Mau-una na akong umuwi, 'wag kang magpapa-gabi ah?" wika nito. Tumango naman ako at kinuha niya na ang mga gamit niya.
Lumabas na ako ng pinto at mabilis ang mga hakbang na pumunta patungo sa cctv room.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko na naman ang matandang taga-bantay dito.
Kunot-noo niya akong tiningnan na parang hindi niya nagustuhan na makita ako ulit.
"Hindi ba at sinabi ko sa 'yo na hindi ka pwede dito?" masungit na ani nito.
"May ini-utos sa akin si Miss Alexis," Seryosong saad ko. Bigla namang lumiwanag ang mukha nito.
"S-Si Ma'am Alexis? 'Yung magandang adviser ng 3-A?" utal na tanong nito.
"Oo. Bakit?" takang-tanong ko sa kanya.
May gusto pa ata ito kay Ate eh. Tsk! My poor sister. An old man has a crush on her. Pft!
"Anong oras nga ulit?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa monitor.
"Around 6 pm, malapit sa cr ng girls," tugon ko. Tiningnan niya naman ako ng may halong pagtataka.
"What?" asik ko. Pinilig lamang nito ang ulo niya at binaling na ulit ang tingin sa monitor.
"6 pm," aniya habang hinahanap ang footage.
Diretso lamang ang tingin ko sa monitor at naghihintay na mahanap niya ang video.
"Ito 'yung kahapon nung mga alas sais sa corridor," aniya at ipinakita sa akin ang video.
Wala namang kahina-hinalag nangyari. Tanging si nerd lang ang nakita ko sa video na papalabas na sa building ng third year.
'Papalabas na siya dito pero bakit nakita ko siyang nasa cr nung mga panahon na hinahanap ko 'yung naka-itim na babae?'
"Sa parking lot nga po manong," I demanded.
Hinanap naman ito ni manong at mabilis niya namang pinakita sa akin.
Si nerd ulit at si Hara. Tinitingnan niya si Hara habang may kausap ito sa phone pero nagtaka ako nang biglang bumalik si nerd sa building at pumasok sa cr.
Ilang minuto pa ang nagdaan ay may biglang lumabas na naka-itim na damit.
Siya yung babae na umatake kay Hara.
Hinintay ko na lumabas sa cr si nerd ngunit bigo akong makita siyang lumabas.
Umabot na ako sa video kung saan hinabol ko na yung babae.
Hindi ko na alam kung saan nagtago ang naka-itim na babae dahil tanging sa 3rd year building lang ang cctv na mino-monitor ni manong.
Bawat building ay tig-iisang cctv room at iba-iba rin ang nagbabantay dito dahil malalaki ang bawat building sa campus na ito.
Ang tanging nakaka-kita lamang ng pangkalahatang video sa loob ng campus ay nasa isang room malapit sa opisina ng principal namin.
Pero hindi na mahalaga ang nangyari sa building na iyon. Kailangan kong malaman kung bakit hindi ko na nakita pa si nerd na lumabas sa cr.
Sakto naman na nakita kong pumasok sa loob ang babaeng naka-itim at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang sarili ko na naglalakad sa corridor.
Ito yung mga oras na kinuha ko sa room namin ang aking bag at nakita ko na lumabas si nerd sa cr.
At dun lang lumabas si nerd!? Tanging siya lamang ang pumasok sa cr. Wala ng iba. Bakit siya nag sinungaling? 'Yung naka-itim at siya ay iisa?
Kapatid siya ni Yasmeen?
Mabilis akong lumabas sa cctv room at tinungo ang motor ko.
Pinaharurot ko ito mabilis akong nakarating sa bahay. Ipinasok ko na sa garahe ang motor ko at dali-daling hinanap si Ate Alexis.
Nakita ko si Daddy na naka-upo sa sala at nakaharap sa laptop niya.
Sinalubong naman ako ni Mommy at hinalikan ako sa pisngi kaya gumanti rin ako ng halik sa kanyang pisngi.
"Mom, where is Ate Alexis?" tanong ko kay Mommy.
"She's in her room," saad ni Mommy at tinuro ang kwarto ni Ate sa taas.
"Thanks, Mom," nakangiting saad ko at tumakbo na pa-akyat sa hagdan.
"Ate!" katok ko sa pinto niya.
Matagal bago niya buksan ang pinto kaya kumatok ulit ako.
"Ate!" tawag ko ulit.
Narinig ko naman ang mga yabag na papalapit sa kabilang side ng pinto at pinihit ang door knob.
Bumungad sa akin ang seryoso niyang mukha at inayos ang suot niyang salamin.
"What is it again?" nakataas kilay na tanong nito sa akin.
"Alam mo ba ang address ni ne- I mean Miley, Miley Dalla," tanong ko sa kanya.
"Why?" tanong nito sa akin.
"Basta!" I exclaimed.
"Just wait," saad niya at bumalik sa kama niya kung saan nakapatong ang laptop niya.
May sinulat siya sa papel at lumapit sa akin. Binigay niya sa akin ang papel at bumusangot.
"Parang ang dami mo atang ginagawa ngayon?" saad ni Ate. Pero hindi ko na siya inintindi at tumalikod na.
"Tsk. This young man doesn't know how to say thank you," rinig kong asik ni Ate at isinarado na ang pinto.
Bukas ko na siya pupuntahan. Kailangan ko siyang tanungin tungkol sa nakita ko ngayon.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.