Chapter 18 (I'm so doomed!)

89 7 0
                                    

LUNA'S POV

Araw ng sabado ngayon at wala nang pasok. Sa wakas, malaya na ulit akong makaka-galaw.

Walang pagpapanggap hindi kailangan ng malaking salamin, makapal na kilay at pekas sa mukha.

"This is me again," nakangiti kong saad habang sinusuklay ang buhok ko sa harap ng salamin.

Naka-isang linggo na pala ako sa West University. Wala pa rin akong nagagawang maayos sa mga plano ko.

Lagi na lang panira ang North na 'yun.

Kinuha ko ang litrato ni Yasmeen sa study table ko. Ang sarap pagmasdan nang nakangiti niyang mukha.

Yasmeen... Hindi ako mapapagod at handa akong gawin ang lahat mahanap ko lang ang hustisya para sa 'yo.

Gagawin ko ang lahat para sa 'yo. Kahit kapalit man nito ay ang pagtago ko sa sarili kong katauhan.

Ipa-pakita ko sa kanila na maling-mali ang ginawa nila sa 'yo.

Tumayo na ako at naisipan ko na mag jogging muna sa labas dahil yin naman talaga ang ginagawa ko kapag walang pasok kahit noong nasa East University pa lang ako.

Nag-suot ako ng maikling sando na kita na ang aking pusod pagkatapos ay sinunod kong suotin ang jogging pants.

Kinuha ko rin ang cellphone at earphones 'tsaka bumaba. Pumunta ako sa kusina at dumiretso sa tapat ng ref.

Kinuha ko ang pitsel na may lamang tubig at sinalinan ang tumbler ko.

"Tita, jogging lang po ako," paalam ko kay Tita.

Tiningnan niya naman ako at tumango sa akin bilang pag-tugon, "Sige pamangkin, pag balik mo kakain na tayo."

Kinuha niya ang gatas galing sa ref at sinalinan ang baso niya.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Sige po," ani ko at lumabas na.

Nagsimula na akong tumakbo at tanging dito lamang sa loob ng subdivision ako nakakapag-libot.

Kalahating oras na rin akong tumatakbo kaya naisipan ko munang mag pahinga bago bumalik sa bahay.

Tagaktak ang pawis ko at habol ang hininga na umupo ako sa bench dito sa park ng subdivision namin.

Binuksan ko ang dala kong tumbler at uminom ng tubig. Sa sobrang uhaw ko ay naging kalahati na ang laman nito.

Bigla kong naramdaman na may malamig na tumulo sa pisngi ko.

"Tubig?" lumingon-lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang naglalaro ng tubig.

Pero sunod-sunod na itong pumatak sa ulo ko at napagtanto ko na nagsisimula na palang umulan.

Kaya naman naghanap ako ng masisilungan upang magpa-tila ng ulan.

Tanging malaking puno lamang ng mangga na nasa tabing daan ang aking nakita kaya mabilis akong tumakbo dito at sumilong.

Pinag-pag ko ang katawan kong nabasa ng ulan.

"Hays!" Inis na asik ko.

Mukhang lalakas pa ata ito. Malalaki ang bagsak ng ulan sa lupa kaya tila matagal pa bago ito mawala.

"The heck! I'm already wet!" galit na saad ng isang boses sa kaliwa ko.

Magpapa-tila rin siguro. Binaling ko ang tingin sa kanya at muntik na akong sumigaw ng makita ko siya.

North!? Pati ba naman dito? Ano na naman ang ginagawa niya dito?

Mabilis akong tumalikod sa kanya. Balak ko na sanang tumakbo ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan.

Napapadyak na lamang ako dahil sa sobrang pagka-inis.

"Miss," rinig kong aniya pero hindi ako lumingon at nanatili lang sa aking pwesto.

"Miss! Can I ask?" untag niya. Tumango naman ako bilang tugon sa tanong niya.

"Alam mo ba kung saan nakatira si Miley Dalla? My sister told me that this was her address. Did you know her?" he inquired.

Naramdaman kong humakbang siya papalapit sa akin kaya bigla na lamang akong nagsalita.

"Mi-Miley! I think there! Yes there! Just go straight and turn and go straight again!" I replied.

Alam ko na maiinis siya sa sagot ko pero ito na lamang ang naiisip kong paraan para hindi siya lumapit sa akin.

"What? I didn't understand your instructions," inis na sabi niya.

"Can you say it properly, Miss?" He added.

"Ah! Aalis na pala ako," ani ko at mabilis na tumakbo. Malakas pa rin ang ulan pero wala na akong pakialam. Maliligo na lang ako pag-uwi ko.

"Hey! Miss!" pagtawag niya sa akin.

Paulit-ulit niya akong tinawag pero hindi ko na siya inintindi.

Hindi niya ako pwedeng makita na ganito kasi alam kong makikilala niya ako dahil sa ginawa niyang pagsagip sa akin noon sa resort.

North! Bakit parang wala akong takas sa 'yo. Nakita mo na ako bilang Luna hindi mo ako pwedeng makita sa kalagayan ko ngayon.

Our first encounter was not good.

Nang makarating ako sa bahay ay mabibilis na katok ang ginawa ko at nakita ko naman ang pagbukas nito.

"Pamangkin!" gulat na bulalas ni Tita ng makita niya na basang-basa ako.

"Yaya Tere! Tuwalya nga po!" sigaw ni Tita. Dumating naman si Yaya Teresa ma may dalang tuwalya at binigay sa akin.

"Salamat po," ani ko at pumasok sa loob.

"Bakit naman naligo ka sa ulan?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala po ito Tita. Naabutan lang ako ng ulan habang nagpapahinga ako," tugon ko at dumiretso na sa kwarto ko.

Bwisit kasi na North na 'yun! Tsk!

"Bumaba ka na kapag nakabihis ka na ah! Kakain na tayo!" rinig kong sigaw ni Tita sa baba.

"Sige po," tugon ko at pumasok na sa banyo.

Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.

Hindi naman siguro malalaman ni North ang bahay ko. Kanina pa sana 'yun nandito.

Baka naligaw na 'yun dahil mali-mali ang binigay kong direksyon sa kanya kanina.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig kong tawagin ako ni Tita na nasa sala.

Kakain na siguro.

Nakangiti ko namang nilingon si Tita pero unti-unti itong naglaho dahil biglang nanigas ang katawan ko at napamulagat ang mga mata ko.

Pakiramdam ko ay biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko at nanlamig ang mga kamay ko.

No! No! Hindi 'to maaari!

"Pamangkin! May gwapo kang bisita. Akala ko kung sino ng Miley ang hinahanap niya eh. Ikaw lang pala," Nakangiting ani ni Tita at tinapik ag braso ni North na seryoso akong tiningnan.

Naalala ko na hindi pala ako ngayon si Miley. Hindi ako ngayon si MILEY!

Napa-awang na lamang bibig ko at tila tumigil ang hininga ko dahil sa naghuhurumintadong kabog ng dibdib ko.

"I'M LUNA RIGHT NOW AND I AM SO DOOMED!" sigaw ko sa isip ko.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon