It's monday again. Back to being a nerd. Wala namang nangyari kahapon sa akin pero si Tita pinagpi-pilitan niya pa rin na manliligaw ko si North.
What's worst is that, pilit niya akong pinagpapalit ng itsura ko. Paano raw kasi ako magugustuhan ni North kung mukha raw akong manang.
Pero sinabi ko naman sa kanya na walang namamagitan sa amin ni North.
Hinatid ako ni Tita papunta sa WIU dahil maaga pa naman daw.
"Ingat ka pamangkin!" sigaw niya ng makababa na ako sa kotse. Mabilis naman akong tumakbo pabalik sa kotse at kinausap ulit siya.
"Tita! Miley na lang po, please?" saad ko at tumango naman siya.
"Bye, Miley!" paalam niya at umalis na.
Napailing-iling na lamang ako at naglakad na papasok sa campus.
Napahinto naman ako ng biglang may humarang sa akin.
"Someone wants to talk to you." seryosong saad ni Kaye.
"Follow us," dugtong ni Shannia kaya naman sumunod ako sa kanilang paglalakad.
Nakarating naman kami malapit sa parkingan ng mga bisikleta, sa tagong parte.
Nakatayo si Hara at Valissa sa gilid. Tiningnan naman ako ni Valissa at ngumiti sa akin kaya gumanti rin ako ng ngiti.
"What are you smiling at?" masungit na tanong ni Hara.
"W-Wala." tugon ko at napayuko na lamang.
"Hey, newbie!" tawag sa akin ni Hara kaya naman tiningnan ko siya.
"A-Ano?" tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at inapakan ang paa ko. Hinawakan naman ako nina Kaye at Shannia sa mga braso ko at tumawa.
"Masakit ba?" nakangising tanong niya.
"O-Oo. Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong ko sa kanya.
'Kung ina-akala mo na mahina ako, nagkakamali ka. Kaya kitang patumbahin pero hindi pa ngayon.
"Naiinis lang akong makita ang mukha mo. Para kang si Yasmeen. Napaka-pabibo," madiin nitong saad at mas lalo ring diniinan ang pag-apak sa paa ko.
"Hara!" pagpigil ni Valissa.
"Don't get involved here, Valissa. Just shut up!" baling nito kay Valissa at inalis na ang paa niyang naka-apak sa akin.
"Bu-But you're hurting her," tugon ni Valissa kay Hara pero napa-ismid lamang siya sa sinabi ni Valissa.
"Tsk! Don't even start, Valissa. Mind your own business!" saad nito at tinalikuran si Valissa. Napahawak naman si Valissa sa ulo niya pero hindi na siya inintindi ni Hara at muling bumaling ito sa akin at hinawakan ang baba ko upang i-angat.
'Napaka-plastik talaga nitong kaibigan.'
Ngunit nagulat ako ng biglang hinila ni Valissa ang buhok ni Hara at sinampal ito.
Napa-awang ang bibig ko dahil sa ginawa nito kay Hara.
I-I didn't expect that.
Pagkatapos bulungan ni Valissa si Hara ay lumayo na siya at humakbang pa-atras.
"I-I'm sorry Hara. N-Nabigla lang ako." naiiyak na sabi nito at patakbong umalis.
"Kaye! Sundan mo si Valissa," utos ni Shannia kay Kaye.
Umalis na si Kaye at binitawan naman ni Shannia ang braso ko. Pumunta siya kay Hara at dinamayan ito.
'Kahit si Valissa ay naiinis sa ugali niya. Tsk!'
Nagulat ako ng bigla itong bumaling sa akin at sinampal ako.
"Kasalanan mo ito eh!" duro nito sa akin.
Bakit parang kasalanan ko?
Hinawakan ko ang pisngi kong sinampal ni Hara.
"Hindi porke't wala ako ay lalandiin mo na si North. Ayaw kitang gawing dahilan para mag selos dahil sa mukha mo pero ibang klase naman ata ang gayuma mo para akitin mo ang taong gusto ko." mahabang litanya nito.
Si North ba ang tinutukoy niya? Tsk!
"Remember this, nerd. Kapag nalaman ko na nilandi mo si North. I will surely kill you, without even thinking twice." huling saad nito at tumakbo na palayo sa akin. Sinundan naman siya ni Shannia at ako na lang ang naiwan dito.
"You will kill me? Tsk! Parang ang dali lang para sa 'yo ang pagpatay ah," bulong kong saad. Napa-upo na lamang ako sa sobrang inis ko.
Masakit pa rin ang bahagi ng pisngi ko na sinampal ni Hara.
Ang bigat ng kamay ng babaeng 'yun.
I won't fight. Even though I really want to. I can control myself, for now.
Just don't provoke me, Hara. You don't know what is waiting for you. I still have surprises for you that you'll never ever forget. Just wait for it.
Tumayo na ako at naglakad na papasok ng building.
"What happened to you? Para ka ng bruha. Pft!" Panunuksong saad ni North. Ramdam kong nakatitig sa akin si Hara kaya hindi ko na ito pinatulan.
Para sa kaalaman mo, ikaw ang dahilan ng itsura ko ngayon. Tsk!
Umupo na ako sa upuan ko at hindi na pinansin si North.
"May red alert ka ba ngayon? Ay hindi, araw-araw?" kunot noong tanong sa akin ni North kaya tiningnan ko siya ng masama.
Kumuha ako ng papel at nagsulat, "Hanapin mo paki ko." In-extend ko ang kamay ko papunta sa mesa niya para habang nakatingin sa unahan.
Nakita ko pa rin sa gilid ng mga mata ko na nakatingin si Hara.
"Ano naman 'to? It's so childish." natatawang saad niya.
Kinuha ko ang notebook sa bag ko at nag-sulat. "Stop talking to me, or else I'll get killed in no time. There are monsters around." pagkatapos ko ay inabot ito sa kanya.
"HAHAHAHA!" tawa niya ng malakas at hinawakan pa ang tiyan niya.
Kinuha ko ang notebook ko at binasa ulit ang sinulat ko.
Ano bang nakakatawa sa sinulat ko? Wala naman ah?
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa at napapalo pa siya sa mesa niya. Halos lahat na ng kaklase namin ay nagtatakang nakatingin na sa direksyon namin.
Hindi ko na siya inintindi at yumuko na lamang. Narinig ko naman ang tunog ng heels na papalapit sa amin.
"What's funny, North?" tanong ni Hara. Sinilip ko naman ang mukha ni Hara at mukhang masaya siya na makitang tumatawa si North.
"N-Nothing." natatawa pa ring saad ni North.
"Oh okay. Mas gusto kong nakikita kang masaya. Sana ganyan ka na lang palagi kapag kaharap mo ako." madamdaming saad ni Hara.
Sounds so desperate. Tsk!
Bumalik na ulit sa seryoso ang mukha ni North at tumikhim.
"Go back to your seat." seryosong utos nito kay Hara. Bigla namang bumusangot si Hara at nagmartsa na pauntang upuan niya.
Disappointed? Haha! Buti nga.
Inagaw ni North ang notebook ko at nag-sulat pagkatapos ay binigay ito sa akin habang nakangiti.
Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka pero tinuturo niya lang ang notebook ko.
"Basahin mo." utos niya.
Inirapan ko na lamang siya at binasa ang nakasulat.
"Don't worry about those monsters, they might be scary but they don't bite." basa ko dito at nagtataka ko naman siyang tiningnan pero ngumiti lang siya sa akin at binaling na ang tingin sa unahan.
Monsters...
Tiningnan ko naman si Hara and she was staring at me with her sharp eyes.
A monster who hides in her real form, are the most dangerous.
Indeed.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.