Kinaumagahan ay tinawagan ako ni Yuri. Wala na sana akong balak pa na pumasok dahil nasisiguro ko na wala naman mag le-lesson.
"CHINGU-YA!" sigaw nito sa kabilang linya kaya naman agad kong nailayo ang cellphone ko sa tainga ko.
"Why?" tanong ko at dahan-dahang itong ibinalik sa tainga ko.
"Wae? Molla? Wala ka man lang social medias kahit facebook man lang WALA! Tapos... tapos hindi ka pa sumasagot sa mga tawag ko? Ano na? Hindi ka ba papasok ngayon!? I'm on the way to your house now, if you're not yet ready? You will not like what I can do!" mahabang panenermon nito.
Hays! Saan niya ba nalaman na hindi ako papasok ngayon?
"Sabi ni Tita!" sigaw nito kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
Did she just hear my thought?
Pumasok na ako sa banyo at nagsimula ng palagaslasin ang tubig sa buong katawan ko.
Yuri is so clingy.
She's sometimes jealous too when I am with Stryker or North. I guess, ganyan talaga kapag sobra mong mahal ang kaibigan mo.
You can feel jealousy and fear because you thought that she/he might leave you when she found someone who's better than you.
Friends are like being in a relationship and having commitments. If you're not being loyal, it's cheating. If you're backstabbing your friends that's also cheating. But, break-ups of friends are more of a painful break ups than separating with your boyfriend/girlfriends.
I sighed and started to scrub my body with soap.
"Tita!" malakas na sigaw ang aking narinig galing sa baba.
Kasalukuyan ako ngayon nagbabanlaw at napamulat ako nang mapagtanto ko na si Yuri 'yun.
"You're here! Come in! Neomu kyeopta! Sinusundo mo ba si Lu- este Miley dito?" rinig ko na tanong ni Tita sa kabila nang tunog ng shower.
Nagmadali ako sa pagbanlaw at mabilis na kinuha ang tuwalya pagkatapos ay pinulupot ito sa akin.
I... I haven't worn my Miley look yet. What if, she barge here in my room, mahuhuli niya ako! I couldn't tell her the truth yet. Maybe, someday and I think that this is not the right time.
Baka matulungan ako ni Tita na libangin muna si Yuri sa baba.
Naging magkasundo sila ni Tita noong minsang pumunta rito si Yuri at sakto naman nawalang pasok noon si Tita.
Nakita niya na tutok na tutok si Tita sa pinapanood niya kaya tinabihan niya ito.
Nang matapos ang pinapanood nila ay saka lamang nakita ni Tita si Yuri at doon na nag-kwentuhan ang dalawa.
Nakikita ko na masaya si Yuri na kasama si Tita lalo na't nagkakasundo sila kapag kdrama na ang usapan at ako ang naa-out of place sa kanila.
Minsan nga sinasabi ni Tita na ang kj ko raw at para na talaga akong manang dahil hindi man lang ako marunong makisabay sa mga bagets.
Mas bagets pa talaga siya sa akin kung umasta.
Nagbihis na ako ng uniporme kaya pumunta na ako sa harap ng salamin at umupo.
Inalis ko ang tuwalya sa ulo ko at kinuha ang blower.
Nakarinig ako ng mga yabag sa hagdan.
Nagkibit balikat ako dahil alam kong si Yaya Tere iyon na naglilinis.
Matatagalan pa naman si Yuri sa baba dahil magku-kwentuhan na naman sila ni Tita panigurado.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita niya akong nakatapat salamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/221396615-288-k210152.jpg)
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.