Chapter 26 (Tayo na lang?)

73 5 0
                                        

Lalo na kapag lumulutang ang utak ko. Paano ko sila ihe-hate?

Natapos ang math at sumunod ay ang english teacher namin.

Oh, right! May assignment pala siyang binigay sa amin.

Kinuha ko naman ito at binuksan.

"Okay class. Where are your assignments? Did I told you yesterday that we're having recitations now?" tanong ni Ma'am. The rest answered, yes but the rest just stayed quiet.

"Okay! Who wants to share their answers?" tanong ni Ma'am at tumalikod para isulat ang tanong sa blackboard.

'What is a good life?' Sulat niya sa blackboard.

Pagkatapos niyang mag-sulat ay humarap ulit siya sa amin. Marami naman ang tumaas ng mga kamay nila including Yuri.

"Okay, Ms. Gareth." turo ni Ma'am kay Yuri.

Tumayo naman si Yuri at huminga ng malalim bago magsalita.

"Good life for me is having someone who you can share your problems with, being happy and contented to your life. That's how I define good life," sagot ni Yuri.

Hmm. Prepared.

"Are you having a good life now, Ms. Gareth?" tanong ni Ma'am kay Yuri. Napa-iling naman ito at napayuko.

"I don't think so, Ma'am." malungkot na saad niya.

"Why, Ms. Gareth? I thought that being contented for you is a good life? Why don't you think that you still doesn't have a good life? Do you have something else you want except living in a wealthy family?" tanong ni Ma'am sa kanya pero umiling lang ito bago sumagot.

"No, Ma'am. Being wealthy ay hindi basehan para sabihin na masaya na tayo sa buhay natin. There are things in this world that money can't buy," ramdam ko sa boses ni Yuri ang sinseridad nito.

"Hmm..." ani ni Ma'am tumango-tango."
"But, Ms. Gareth hindi mo ba alam that many people wishes to have a wealthy life like yours. Everyone wants to be rich and wished that someday they can go to a prestigious school like you. Bakit mo nasabi na hindi ka pa rin masaya?" tanong ni Ma'am kay Yuri. Lumapit ito kay Yuri at ngayon ay magkatapat na sila.

"Can money buy attention? If yes, Ma'am, then can I give all my money to my parents to buy their love and attention? Can I also buy a friend na mananatili sa tabi ko habang buhay? Hindi porke't mayaman kami ay sasabihin na ng iba na maganda na ang buhay ko, gusto ko ng taong mag-i-stay sa akin, 'yung hindi ako kakalimutan kapag nakahanap na ng ibang kaibigan," mahabang tugon ni Yuri. "I don't want wealth, I want real friends and a loving family."

"Good. Thank you, Miss Gareth, you may sit down," saad ni Ma'am kay Yuri.

Naupo naman si Yuri at nanatili naman itong nakayuko.

"Ms. Gareth has a point. You know hindi naman talaga lahat kailangan ng pera o kapangyarihan para masabi mong maganda na ang pamumuhay niyo. As long as it doesn't make you happy and felt like something is lacking in your life then hindi niyo pa rin masasabi na you have already a good life," wika ni Ma'am na ikinatango naman ng iba.

Tumaas naman ako ng kamay at iginiya naman ni Ma'am na tumayo ako.

"Good life for me, Ma'am is having those people around you na susuportahan ka sa mga gusto mong gawin. May mga tao kang masasandalan kapag may problema ka.  Kapag alam mong may nagmamahal sa 'yo kahit hindi mo pilitin," sagot ko.

"Are you having a good life?" tanong ni Ma'am sa akin pero nagpakawala lamang ako ng isang mapait na ngiti at umiling.

"No, Ma'am. I failed to have that good life and I think it's gone forever. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng magandang buhay dahil wala na akong pamilya pa na mau-uwian," ani ko habang nakapag-kit pa rin ang mapait na ngiti sa mga labi ko. "I still have one family na kahit mag-isa lang siya sa pag-aalaga sa akin, she treat me as her own pero hindi pa rin ako kontento."

My voice and my hand was trembling. I bit my lower lip to control my tears so I sat down without a permission of my Teacher but she just heaved a deep sigh and knock the table to get our attentions.

"Okay. So, I didn't expect that you're all experiencing such an unhappy life. But students, remember, it's not yet too late, mga bata pa kayo. Palayain niyo ang sarili niyo, kalimutan niyo ang lahat ng mga negative emotions niyo dahil hinihila lang nito ang sarili niyo pababa.  Students, remember, sarili niyo lang ang makaka-tulong sainyo. You don't need other people para lang sumaya, you have yourselves, you have to learn to stand just by yourselves," mahabang eksplenasyon ni Ma'am Abby. "People in our lives just come and go, to teach us lessons, to give us memories that we will treasure forever."

"I want to revenge for the sake of my sister. Kapag nagawa ko iyon doon ko lamang mapapalaya ang sarili ko."

"Okay class, dismissed," dugtong niya pa nang sandaling marinig ang bell at umalis na.

Na-una nang lumabas si North kaya dali-dali akong lumapit kay Yuri.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya.

"What? Oh, yes. Don't mind me. I become so emotional kanina. Let's go?" Tanong niya.

Pumunta kami ng cafeteria at parang wala lang nangyari kanina dahil maingay na naman si Yuri. Masaya ako dahil bumalik na ulit siya sa pagiging masayahin.

Hindi rin kasi ako sanay na makita siyang malungkot. Hindi pa man kami noon close pero sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti ay gumagaan ang loob ko.

Happy pill ko na ata si Yuri.

"Find your partner," saad ni Sir Arnel. Our teacher in Ethics subject.

"Kung may partner na kayo pumunta kayo dito sa unahan at bumunot ng topic niyo." saad ni Sir.

Tinawag naman ako ni Yuri at itinuturo ang sarili niya at ako.

Tumango naman ako at tumayo na.

Pero naramdaman ko ang pagpigil sa akin ni North kaya naman kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Problema mo?" untag ko dito.

"Ba't ka pa lalayo?" tanong niya rin sa akin.

"Lalayo? Syempre nandoon si Yuri. Kami ang magpapartner." nagtatakang saad ko sa kanya.

"'Wag ka na ngang lalayo. Tayo na lang," seryosong saad nito at hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon