Chapter 40 (Murdered?)

65 4 0
                                    

Bago ko pa man hawakan ang doorknob ng pinto namin ay narinig ko na ang pagharurot ng motor ni North.

Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Hinawakan ko na ang doorknob at ipinihit ito.

"PAMANGKIN! Finally you're here!" salubong sa akin ni Tita ng makapasok na ako sa loob.

"Bakit, Tita?" takang-tanong ko.

Giniya niya ako papuntang couch at pina-upo rito.

"Sa wednesday ang pageant niyo 'di ba?" nakangiting tanong ni Tita.

Kunot noo naman akong napatango bilang tugon sa tanong niya.

"Good! Manonood ako. Sabi nila mga gwapo raw ang mga contestants at magaganda! I'm so excited, pamangkin!" masayang saad at pumapalakpak pa sa gitna ng pagsasalita niya.

Hindi naman halatang excited si Tita.

"A-Ah hehe sige po, Tita. Pero wala po ba kayong pasok niyan?" tanong ko.

Napatingin naman siya sa akin at tinampal ako sa braso.

"I'm the boss. I can cancel my schedules whenever I want to. Besides, I trust my secretary and our employees. No worries, pamangkin," nakangiting saad niya.

Napatango-tango naman ako at tumayo na.

"Akyat na po ako, Tita," saad ko ng makatayo ako at nakaharap sa kanya.

"May nangyari ba? Bakit parang ang tamlay mo?" tanong nito sa akin at inilapat ang likod ng kaliwang palad niya sa noo ko.

"Wala po, Tita. Pagod lang po," tugon ko.

Tumango naman siya sa akin at tumalikod na ako.

Inangat ko ang tingin sa bintana upang tingnan kung nakaalis na ba si North.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay pabagsak akong umupo sa kama at naihilamos ko na lamang ang dalawang kamay ko sa aking mukha.

Tila bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ko kanina kay North.

"Lahat ng taong napapalapit sa 'yo napapahamak."

"Because, from now on, I already hate you."

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko at inis na nilingon ang pictures nina Hara na nakadikit sa wall ko.

Inalis ko ang ID na nakasabit sa leeg ko at ibinato ito sa kinalalagyan ng pictures nina Hara.

"Why is it so complicated!?" inis na saad ko at dumapa sa kama ko.

I find myself sobbing while my face was buried in my pillow.

NORTH'S POV

I'm driving my way back home but the questions inside my mind keeps on running.

I don't have any idea why Luna acted that way.

Why would she hate me?

I'm fucking clueless right now. That nerd is so hard to read. She can't even tell me the reason behind her madness.

Nang makababa ako sa motor ay dali-dali kong ibinaba ang helmet ko.

Dire-diretso akong pumasok pero bigla akong napahinto dahil kay Ate.

"Bakit hindi ka nag practice kanina?" tanong nito habang nakatutok sa laptop niya.

Pumunta ako sa tabi niya at pabagsak na na-upo sa sofa.

"What's with the long face?" tanong ni Ate habang nilalapag sa mesa ang kanyang laptop.

"Nothing. I just don't get it," inis na saad ko at hinarap siya.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon