"Woah!" manghang turan ni Yuri habang nililibot ang paningin niya sa buong gymnasium.
Madilim ang paligid ng gymnasium at tanging liwanang lang sa stage ang nakikita.
The decorations in front are silver and black with the touch of gold.
May nakalatag rin na red carpet sa hagdan at mayroong naka flash sa big screen na 'Search for Mr. and Ms. Foundation Year 20**.'
Malakas ang naging kabog na puso ko na animo'y sinasabayan ang beat ng misic dito sa loob ng gymnasium.
Namamawis at nanglalamig na rin ang mga kamay ko. Hindi na ako mapakali sa upuan at ang mga mata ko ay nanlilikot para hanapin si Stryker.
Nabigay kaya niya? Pumayag kaya 'yung pinag-abutan niya 'nun?
Ilan lamang 'yan sa mga katanungan na tumatakbo ngayon sa isipan ko.
"Miley, you to calm down. Everything will be alright, okay?" bulong ni Yuri sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Nandito kami sa harapan at kitang-kita namin sa malapitan ang stage.
Tumango naman ako sa kanya at pilit na nginitian siya.
"Good evening, ladies and gentleman! I am Odetta Liv Villareal!" pagpapakilala ng isang babae sa stage.
Nakasuot siyang isang red long gown na may slit sa kaliwa at nailalabas ang maputi niyang legs. Naka bun rin ang kanyang buhok at natatalian ng isang silver na bulaklak sa kanyang ulo.
Mataas rin ang suot niyang black wedge shoes. She's stunning, no wonder why she's being applauded by many people inside this gym.
"We are the emcee for today's event! And this is my partner," nakangiting saad nito.
Hinawakan niya sa laylayan ng sleeve ang katabi niyang lalaki.
"That's, Shannia's mother. She volunteered to be the emcee for the pageant," paliwanag ni Yuri.
Tumango naman ako sa kanya at namamanghang tiningnan ito.
"I am William Basti, let's enjoy this event tonight!" energetic na wika nito kaya naman biglang nagpalakpakan ang mga tao.
He looks elegant wearing that blue suit and pants with his black cape toe oxford shoes.
Nakipalakpak na rin ako kahit ang tingin ko ay nasa backstage pa din at hinihintay na lumabas si Stryker.
"Hey!" rinig kong bulong ng isang pamilyar na boses at naramdaman ko ang pagkalabit nito sa bewang ko.
Bigla akong napatingin sa kanya at napangiti ako. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng makita ko siya.
"Stryker!" masayang saad ko.
"Okay na," nakangiting tugon nito at nag thumbs up pa. Umupo siya sa tabi ni Yuri at ibinaling na ang tingin sa harapan.
Isa-isa ng nagsilabasan ang contestants at nagpakilala.
Mabilis ang naging daloy ng pageant pero hindi pa rin ito ang inaasahan namin na pagkakataon.
"Malapit na," mahinang saad ni Yuri.
Natapos na ang sports wear, swim wear at evening gowns.
Sa bawat paglakad ni North sa ibabaw ng stage ay wala man lang kaunting ngiti sa labi nito. Tanging seryoso lamang ang kanyang mukha at nakatingin sa audience na tila may hinahanap.
Sabi na nga ba hindi interesado si North.
"And now for the formal dress," masayang saad ni Mr. William.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Novela JuvenilEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.