Chapter 27 (Split personality)

71 6 0
                                    

"Ano?" tanong ko.

"Tayo na lang mag partner. Wala akong partner." saad pa rin nito.

"Bakit hindi ka maghanap?" tanong ko.

"Bakit maghahanap pa ako ng iba? Ikaw na lang." saad niya at salubong na naman ang kanyang kilay.

"Teka bakit ang dami mong tanong? Sa gusto mo at sa gusto tayo ang magpapartner," pagtatapos niya ng usapan. Napataas naman ang kilay ko pero hinila niya lamang ako pa-upo.

Tiningnan ko naman si Yuri at umiling ako sa kanya. Napanguso naman siya at umirap kay North at kinausap ang katabi niya.

Tiningnan ko naman si North at nagtataka naman niya akong tiningnan.

"What are you looking at?" kunot-noong tanong niya.

"Ikaw kumuha," tipid kong sagot at lalo lamang kumunot ang noo niya.

"Ng ano?" tanong niya.

"Ikaw na lang bumunot. Tutal ikaw naman ang nandyan." tugon ko sa tanong niya. Napakamot naman siya sa ulo niya at tumayo na.

Tsk!

Tiningnan ko siyang bumunot at kung anong nahawakan niya ay 'yun na ang kinuha niya.

Naglakad na siya papunta sa direksyon ko at tinapon sa akin ang kapiraso ng papel.

Kinuha ko naman ito at binuksan.

What!? Bakit ito pa?

"Okay lahat na ba nakabunot?" tanong ni Sir.

Lahat naman ay sumang-ayon kaya tumango si Sir at naupo sa table paharap sa amin.

"So, ang napili niyo ang topic na i-didiscuss niyo. Sabihin niyo kung ano ang masasabi niyo about that topic at ang opinyon niyo base diyan sa nabunot niyo." saad ni Sir at nagligpit na ng mga gamit niya

"Madali lang naman 'yan pero dahil natagalan kayo sa paghanap ng mga partners niyo ay malapit na rin mag-time kaya bukas na lang. Dismissed." saad niya at umalis na.

"Ano ba 'yang topic natin?" tanong ni North habang nakatingin pa rin sa unahan.

Hindi naman ako sumagot kaya nilingon niya naman ako at pahablot na kinuha niya sa akin ang papel.

"Love?" basa niya dito.

Tumango naman ako.

"Oh, then what's the problem?" takang tanong niya.

"Wala. Love from family, friends and God. Yun ang i-didiscuss ko bukas," saad ko at kinuha na ang notebook ko para mag sulat.

"How about... love from your partner?" nakangising saad niya kaya bigla akong napatingin sa kanya at napa-awang ang bibig ko ng marealize ko ang distansya namin.

Nanigas ako at tila hindi ako makagalaw. Tiningnan ko ang mapupungay niyang mata hanggang sa ilong niya at-

Nagulat na lamang ako nang may biglang kumalabog sa upuan ni North.

Biglang bumalik ang diwa ko at napalayo naman agad ako. Tiningnan ko ang taong nasa likod ni North at nakita ang seryosong mukha ni Stryker.

"Bawal ang spg dito sa room." seryosong saad ni Stryker at tumalikod na.

Nakakahiya!

"I was just talking about the couple's love. You didn't mentioned it." nakangising saad ni North.

"O-Of course. I wasn't thinking something else. W-Why would I?" utal na saad ko at hindi na ulit siya pinansin.

Narinig ko siyang tumawa kaya naman bigla akong napapikit nang mariin dahil sa kahihiyan.

Bakit ba hindi agad ako makabawi kanina? At talagang in-explore mo pa ang mukha ni North, Luna? My ghad!

Ano ba ang iniisip mo Luna? Nakakahiya.

Tumingin naman ako sa unahan at nakita ko na nakatingin sa akin si Yuri na nakangiti nang nakakaloko.

Napayuko na lamang ako dahil sa tingin niya.

Ano ba naman 'yan. Tsk!

"Magkapatid nga talaga kayo ni Yasmeen." nakangiting saad nito kaya naman bigla akong napatingin sa kanya ng may pagtataka.

"B-Bakit?" tanong ko.

"Pareho kayong mag-isip." saad nito at tumayo na.

Hinabol ko siya at hinawakan sa braso niya.

"Naging close mo ba ang kapatid ko?" tanong ko.

Tumango naman siya at tiningnan ako.

"Yasmeen is my seatmate before. Hindi kami naging close dahil masyado siyang mahiyain." saad niya.

Mahiyain talaga 'yun.

"Hindi gaya mo na nagtatapang-tapangan," he said and chuckled.

Magsasalita pa sana ako pero umalis na siya.

Baka matulungan niya ako sa pag-alam nang nangyari sa kapatid ko.

Maybe it's time to be friend with North, tutal alam niya na naman ang sikreto ko.

Dumaan ang ilang buwan at si Yuricane lang ang palagi kong kasa-kasama.

Nabigo ako na mapalapit kay North. Napaka selosa kasi nitong si Yuri. Kaoag magkasama kami ni North ay lagi siya gumagawa ng excuse para makasama ako.

Minsan ay doon lang kami sa bahay nila dahil kadalasan naman ay wala ang mga magulang niya. Tanging mga katulong lamang nila ang nagbibigay sa amin ng snacks at ng mga kakailanganin namin.

Minsan rin ay sya ang pumupunta sa bahay namin. Para na nga kaming kambal dahil sa hindi kami mahiwalay.

At ngayon nandito kami sa garden ng WU dahil vacant namin ngayon at nakaupo sa bench habang kumakain ng chips na binili namin sa cafeteria.

"You know, you remind me of Yasmeen." saad nito kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"Why? Who is that Yasmeen?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na kapatid ko si Yasmeen na dati nilang kaklase.

"Wala lang. Parang may pagkakapareho kayo," saad niya habang naghahanap ng mga cd's na pwede naming panoorin.

"Ahh." saad ko naman.

Pumunta naman ako malapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Ahm, Yuri..."tawag ko sa atensyon niya kaya naman tiningnan niya ako.

"Hmm... Ano 'yun?" tanong niya sa akin.

"Did you know who is Eliz?" tanong ko sa kanya.

Naging seryoso naman ang tingin niya sa akin at tumango.

"Talaga?" masayang tanong ko sa kanya.

"Yes," tipid na saad niya.

"Sino?" tanong ko.

"S-Si Va-Valissa," utal na sagot niya.

Biglang kumunot ang noo ko at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya.

"Pa-Paano? Ba-Bakit? Hindi ko maintindihan," nagugulumihanang tanong ko sa kanya at napatayo dahil sa pagtataka. Hinawakan niya naman ako sa balikat.

"Teka ganito kasi 'yun." saad niya at hinila ako paupo.

"Valissa has split personality. Her another personality is Eliz," saad niya.

My jaw dropped literally and my heart beats faster.

W-What? S-She's the one who pushed my sister!?

***
Please don't forget to comment or vote. Thank you💛

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon