Chapter 31 (Sunset)

68 5 0
                                        

Napahinto ako sa paglalakad at haharap na sana ako sa kanya ng marinig namin na nag salita si Ma'am Alexis sa unahan.

"The meeting is not yet starting, please proceed to your seats. 3-A! Go back to your classrooms," saad ni Ma'am Alexis habang hawak ang mikropono.

"Tita balik na ho kayo 'dun," giya ko kay Tita sa upuan niya.

"Tita!?" rinig kong bulalas ni Hara sa akin. Nakataas na ang kilay niya at halatang hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Well, wala rin naman akong paki kung hindi niya maintindihan. Wala naman akong balak ipaliwanag sa kanya.

Napa-ismid lang ako sa kanya at nagdiretso na palabas ng pinto ng gym.

"Hey! Nerd!" galit na sigaw niya sa akin ng makalabas na kami sa gym.

Naglakad pa rin ako at hindi nag-abalang lumingon pa sa kanya.

"HEY!" galit pa rin na sigaw niya.

Naabutan niya ako at marahas na hinablot ang mga braso ko.

Napapikit ako ng mariin at inis na nilingon siya.

"What did you call to Ms. Heidi Dalla? Tita? I thought you're her daughter?" sunod-sunod na tanong ni Hara sa akin at hihigpitan ang hawak sa braso ko.

Tiningnan ko lamang siya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at inalis ito.

"Hindi ko alam na tsimosa ka na pala ngayon?" seryosong tanong ko sa kanya.

"What?" tanong niya pa.

"At hindi ko rin alam na nabingi ka na?" saad ko at tumalikod na.

Narinig ko naman ang pagtawa ng isang lalaki at pagtingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Hilaga na nakasandal sa pader habang nakatingin sa amin.

Nakita ko rin sa harapan ko si Stryker na may hawak na camera habang nakatutok sa amin.

"What the heck are you doing, Stryker?" inis na tanong ni Hara.

Nag kibit balikat lamang si Stryker at ibinaba na ang camera niya.

Naglakad na ako pero bigla na lang sumigaw si Hara na ikinatigil ko at hinarap ulit siya.

"Whoever you are, I will soon find it out!" inis na saad ni Hara.

"Hindi ko rin alam na imbestigador ka na ngayon?" nakangising tanong ko sa kanya.

Napapadyak naman siya at muntik na akong sugurin ng lumapit agad ako sa kanya.

Habang papalapit ako ay umaatras rin siya kaya hinawakan ko siya sa balikat upang mahinto siya at bumulong.

"Then? What will you do? Will you kill me? I'm so honored because you will waste your time searching for my real identity. Good luck!" nakangising saad ko at lumayo na sa kanya.

"You will never get away, Nerd!" sigaw niya pero tinalikuran ko na sya at wala ng lingon likod pa.

"Did Hara found out?" tanong sa akin ni Hilaga na sumasabay na pala sa akin sa paglalakad.

"I don't care about her," seryosong saad ko habang diretso pa rin sa paglalakad.

"Miley!" tawag sa akin ni Yuri.

Lalapit na sana siya sa akin ng bigla kong maramdaman ang paghila sa akin ni Hilaga.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya.

Pero hila-hila niya pa rin ako.

Pumalag ako sa pagkakahawak niya pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon