"L-Luna! T-Tulungan mo ako!" tila nahihirapang sigaw nito.
Iminulat ko ang mga mata ko at tanging madilim na paligid lamang ang aking nakikita.
"S-Sino ka?" pabalik kong tugon habang iniikot ko pa rin ang paningin sa paligid.
"L-Luna! Tulungan mo ako!" may halo ng pag hikbi ang boses na aking naririnig. Nagmama-kaawa.
Y-Yas.
"Yas! Yas! Nasaan ka?" sigaw ko ng makilala ko ang boses nito.
Tumakbo ako ng tumakbo upang hanapin ang boses nito nang dalhin ako ng mga paa ko sa tapat ng isang tao na naliligo sa sarili niyang dugo.
Napatakip ako ng bibig ko at hindi ko mai-galaw ang mga paa ko dahil sa nakita ko.
"Y-Yas," naginginig kong tugon habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Luna. Tulungan mo ako. Tulungan mo ako Luna," nagmamakaawa niyang tugon at pilit na inaabot ang kamay niya sa akin.
Nanginginig ang aking kalamnan at nagsimula nang bumuhos ang luha ko sa aking mga mata.
"Umalis na tayo dito!" rinig kong sigaw ng isang babae. Pamilyar ang boses niya.
"Hindi! Hindi pwede!" nanggagalaiti na sigaw ng isang babae at nakipagtalo pa sa isang babae.
S-Sino sila?
Nawala na ang mga ingay na nanggagaling sa rooftop kaya napabaling ulit ang tingin ko sa duguang katawan ni Yasmeen.
Ini-hakbang ko ang mga paa ko upang hawakan ang katawan ni Yas pero bigla na lang akong hindi makagalaw at nandilim ang paningin ko.
"YAS!" habol ang hiningang sigaw ko.
Tagaktak ang pawis at nanginginig ang aking buong katawan dahil sa galit at takot.
Iginala ko ang paningin ko at napagtantong nasa loob pa rin ako ng kwarto ko.
Napa-tingin naman ako sa mesa kung saan nakapatong ang alarm clock ko.
5:10. Umaga na pala.
'Panaginip lang. Panaginip lang pala. Pero... Pero bakit parang pakiramdam ki ay totoong-totoo?'
Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at nahawakan ko ang aking basang pisngi.
Hindi ko namalayan na nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko sa pisngi ko kaya at napahagulgol na lamang ako nang sumagi sa isip ko ang napanaginipan kong katawan ni Yas at ang nagmamaka-awang tawag boses nito.
Ang sa-sama ng ginawa nila, mga silang puso! Hindi man lang nila tinulungan ang kapatid ko.
"AHH!" Inis na sigaw mo habang nilalamukos nang mahigpit ang kumot ko. Hindi ko alam, hindi ko na maintindihan ang sarili ko para na akong sasabog dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Narinig ko naman ang mabibilis na yabag patungo sa kwarto ko.
"Pa-Pamangkin! Anong nangyayari? Ma-May masakit ba?" katok ni Tita sa labas ng pinto.
Ngunit hindi naman nag-tagal ay nabuksan niya ito dahil hindi naman ako nagla-lock ng aking pinto. Nag-lakad siya papunta sa akin at nag-aalalang tinabihan ako sa kama.
"Pamangkin. Bakit ka umiiyak?"
Tiningnan ko lamang siya at sa mga sandaling iyon ay bigla na naman akong napahikbi.
Niyakap niya ako at hinaplos-haplos ang likod ko. Iyak lang ako nang iyak habang nakasandal sa balikat niya.
Hinintay niya lamang na tumahan ako at hinayaan na sumandal sa braso niya habang masuyong hinaplos ang buhok ko at likod
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.