Madilim na rin nang nakarating kami sa bahay ko.
Bumaba na ako sa pagkaka-angkas sa motor niya at inalis ang helmet sa ulo niya.
Inalis ko na rin ang helmet ko at ini-abot ito sa kanya.
Lumingon siya sa akin at kinuha ang helmet sa mga kamay ko.
Nilagay niya ito sa inupuan ko kanina at lumingon sa akin.
"Salamat," saad ko.
Kahit papaano ay parang nawala ang mga gumugulo sa isip ko kanina at 'yung kaba.
Akala ko hindi ko na malulusutan pa si Hara. Akala ko mauuwi lang sa wala ang pag-papanggap ko pero hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Hindi ko rin alam kung bakit naging mabait ngayon sa akin si Hilaga kahit na minsan palagi ko siyang binabara.
Inalis niya ang kanyang helmet at ngumiti.
Nakatingin na lamang ako sa nakangiti niyang mukha at napagtanto ko na sadyang nakakadala ang ngiti niya.
"Baka main-love ka sa 'kin niyan?" pabirong saad niya.
Nabalik naman ako sa huwisyo kaya napatingin ako sa kanya at napataas ng kilay.
"Not gonna happen," kalmadong saad ko kay Hilaga.
I guess, lovelife will not be in my mind right now. Hindi naman 'yun ang sinadya ko sa West University.
"We can be friends, atleast," kibit-balikat na saad niya.
Natawa naman ako at napatango.
Of course, we can be friends.
"Sige na alis na," taboy ko sa kanya.
Tumango naman siya at sumakay na sa motor niya.
Nang maka-alis na siya ay tinungo ko na ang gate ngunit naka-lock ito kaya pinindot ko ang doorbell.
Naka-tatlo akong pindot dito bago ko nakita si Yaya Tere na lumabas at binuksan ang gate.
"Kanina ka pa hinihintay ni Ma'am Heidi," saad nito habang binubuksan ang gate.
Nginitian ko naman siya at pumasok na sa loob. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Tita na nanonood sa TV at kilig na kilig pa.
Napa-iling na lamang ako at natawa. Lumapit ako sa kanya at pabagsak na umupo sa couch.
"Pamangkin. Saan ka galing? Sino naghatid sa 'yo? May narinig akong tunog ng motor diyan sa labas ah," sunod-sunod na saad nito pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV.
Naka-upo siya habang may nakapatong na chips sa lap niya.
"Ah, Tita 'yung kaibigan ko po. May pinuntahan lang kami," saad ko sa kanya at isinandig ang ulo sa couch
"Hmp! Baka naman nag-date lang kayo. Ikaw ah!" tatawa-tawang tukso ni Tita sa akin at pasimpleng tumingin sa akin.
Napa-angat naman ang ulo ko at tiningnan siya.
"D-Date? No!" tanggi ko rito ngunit nandoon pa rin sa mga labi niya ang panghihinala kaya napahawak na lamang ako sa noo ko at ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandig.
"Okay! No need to be so defensive," she said and chuckled.
"By the way, Tita. What did you discuss in that meeting?" pag-iiba ko ng topic pero tumungo lang siya.
Kumuha siya ng chips na nasa harapan niya at halos mapuno na ang palad niya dahil sa dami ng kanyang kinuha at binigay ito sa akin.
Inangat ko muli ang ulo ko at tiningnan siya ng nagtataka pero minuwestra niya lamang ang kamay niya na kunin ko ito.
Kinuha ko naman ito gamit ang dalawang kamay ko at kumuha ng isang piraso pagkatapos ay kinain ito.
Nagtataka ko siyang tiningnan at tinanong siya, "Ubos na po ba 'yung chips na stock na 'tin?"
Umiling naman siya bilang tugon. Sumubo siya ng ilang chips at nginuya ito.
"Eh bakit niyo ako binigyan nito?" kunot-noong tanong ko at itinaas ang kamay ko na may laman ng chips.
"Kashi masharap ithong chips. Try mo! I never thought that chips were this good!" masayang saad niya.
Hinarap pa sa kanya ang wrap nito at pinakita sa akin.
Piattos?
"May pageant raw kayo at mga booths na itatayo sa open field. They just want to ask us if we want to nominate our children to be a Ms. and Mr. Foundation Day. Pamangkin! You want to join?" tanong niya sa akin at tiningnan ako habang nakalagay sa mga labi niya ang napakalawak na ngiti nito.
"No! No, Tita. I-I don't want to join!" mabilis na sagot ko at nilapag sa mesa ang mga chips na nasa kamay ko.
Baka malaman pa nila ang tinatago kong pagkatao.
"Okay! Okay! Masyado ka namang tense," tatawa-tawang wika ni Tita.
"Aakyat na ako, Tita," saad ko at tumayo na. Kinuha ko na ang bag ko at tumalikod na sa kanya.
"Nag-bigay rin pala ako ng kaunting pera para sa Foundation Day niyo," saad nito kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Why?" tanong ko at nilingon siya.
"Because I want you to enjoy it. Kapag may maraming budget ang school for Foundation mas lalong masaya," nakangiting saad niya.
"Oh, okay po, Tita," nakangiting saad ko at naglakad na papuntang hagdan.
Nang makarating ako sa pinto ay dahan-dahan ko itong binuksan at naglakad papasok.
Pabagsak akong humiga sa kama ko at inalis ang bag na nakasukbit sa balikat ko.
Niyakap ko ito at nag-flashback na naman sa isip ko ang mukha ni Yasmeen ng ibinigay ito sa kanya ni Tita.
This baby pink plain bag is so soft. May nakalagay na bold letter LM which stands for my name.
We both have this bag because this was the gift of my Tita when we celebrated our 15th birthday but dark pink is the color of hers and YM bold letter on it.
Flashback
"Really, Tita?" hindi makapaniwalang asik ni Yasmeen habang niyayakap ang bag na binigay sa kanya ni Tita Heidi.
"Yes, I intentionally put your initials there." nakangiting saad ni Tita.
Sinukat naman ito ni Yasmeen at tumakbo papunta sa human size na salamin niya.
"Woah, it's really cute! I really love it, Tita!" masayang saad ni Yasmeen at patakbong niyakap si Tita Heidi.
"Pareho tayo Yasmeen. Thank you din, Tita!" masaya ring saad ko at niyakap silang dalawa.
That's the happiest moment and happiest birthday we ever had. But, it will just stay as the memories forever.
Yasmeen. Akala ko makikita ko pa ang masaya mo'ng mukha. Akala ko sabay nating aabutin ang pangarap natin na maging stewardess. But that was all gone.
Nakaramdam ako ng tubig na tumulo sa mukha ko kaya hinawakan ko ito.
Luha.
Napahinga ako ng malalim at pinunasan ito.
"Foundation na next week. If I was a normal student it is possible that I can enjoy it but enjoying isn't my intention there, it's revenge," saad ko habang nakatingin sa puting kisame.
Inalis ko ang salamin sa mata ko at inangat ito.
"I think, going there is not a good idea," dagdag ko pa at napabuntong hininga.
I will not go.

BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.