Hinatid ako ni North at naka-uwi akong basang-basa. Pinapasok ko si North sa bahay namin at humingi ako kay Yaya Tere ng dalawang tuwalya.
"Pamangkin! Anong nangyari sa inyong dalawa? Naglaro ba kayo sa ulan? Bakit basang-basa kayo?" sunod-sunod na tanong ni Tita.
"Wala po, Tita," tugon ko sa kanya.
"Bakit paos ka?" nagtatakang tanong nito. "North! Doon ka sa banyo, sa may kusina. Yaya Tere, paturo naman po kay North," ani pa nito.
Tumango naman si Yaya Tere at sumunod naman sa kanya si North. Umakyat na ako sa taas at pumasok sa loob ng kwarto ko. Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko kaya nagtaka ako at hinanap ito. Wala akong dalang bag dahil iniwan ko ito sa hallway kanina. Isinuksok ko ang kanang kamay ko sa bulsa ng palda ko at nahawakan ko ito. Binuksan ko ang message at nakita ko na si Stryker pala.
From: Stryker
Luna, bukas dadalhin ko diyan ang mga gamit mo. Pahinga ka hah? Magiging maayos din ang lahat. Fighting! :)
Napangiti ako at nagtipa ng mensahe ko sa kanya.
To: Stryker
Salamat, Stryker.
Inilapag ko na ang cellphone ko sa kama at naghanap na ng masusuot ko. Kinuha ko ang isang white loose t-shirt at maikling maong short. Nilapag ko na ang mga ito sa kama at pumasok na sa banyo dala ang tuwalya na hawak ko kanina.
Ilang minuto rin ako sa banyo dahil paminsan-minsan ay natutulala ako kakaisip sa nangyari kani-kanina lamang.
Malayo sa inaasahan ko ang nangyari kanina. Nakakawindang. Hindi ko alam kung paano na ulit ako makakapasok sa West University sa kabila ng nangyari. Ano ng mangyayari sa akin, kay Yuri, at kay Hara.
Kumatok na si Tita sa kwarto ko kaya lumabas na ako sa banyo at nagbihis.
"Bibigyan ko ng damit si North. Meron ka namang mga malalaking T-shirt na nakatago sa kabinet mo eh," nakangiting saad ni Tita at hinayaan ko na lamang siyang pumunta sa kabinet ko at maghalughog.
"Bakit napa-aga ka atang umuwi?" tanong ni Tita habang naghahanap pa rin ng damit sa kabinet ko.
"M-May nangyari lang po, Tita," utal kong saad.
Nakita ko namang napatigil siya sa paghalungkat ng mga damit ko at tumingin sa akin.
"Anong nangyari?" tanong niya at bumalik na sa paghahanap.
Binunot niya ang puting damit sa kabinet ko at isang itim na stretchable short.
"Yaya Tere!" tawag nito kay Yaya.
Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko.
"Pakibigay nga ito kay North," utos nito kay Yaya.
Kinuha naman ito ni Yaya sa mga kamay ni Tita Heidi at lumabas na sa kwarto ko.
"Ma'am Alexis called me. She said that Yuri and Hara got into fight, the moment na umalis ka. Narinig niya raw ang pagtatalo niyo, and it was all about Yasmeen's death," seryosong tugon ni Tita. "Is it true? What happened? Did you already found out, who killed your sister?" dagdag ni Tita.
Napayuko naman ako at napatango.
"Then, what happened? Why are you sad?" tanong pa rin nito sa akin.
"Tita, it was Yuri. She is responsible for my sister's death," napipiyok kong boses na ani ko.
"Hmm. Yuri," tatango-tango niyang saad.
Tumingin ako sa kanya at napakunot naman ang noo ko pero nginitian lang ako nito at kinha ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
JugendliteraturEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.