Chapter 37 (Rooftop)

65 4 0
                                    

"Y-Yung rooftop ba sa 3rd year building ay pinupuntahan ng ilang studyante?" nakayuko kong tanong habang tinutusok-tusok ko ng tinidor ang aking pagkain.

"Nope. Simula noong namatay si Yasmeen, ginawa na lamang imbakan ng mga upuan at mesa doon," sagot naman ni Yuri.

"Bakit?" untag ko.

"Akala nila nagpakamatay 'dun si Yasmeen at ayaw nilang may magpakamatay pa uli doon," kibit balikat na saad ni Yuri.

'Yun ang akala nila. Kaya pala ang dali lang para sa kanila na kalimutan ang nangyari sa kapatid ko.

Napa-buntong hininga na lamang ako at hindi ko na tinuloy ang pag-ubos sa pagkain ko.

Nang matapos kaming kumain ay pina-una ko na sina Yuri at Stryker sa room.

"Saan ka pupunta? Sama ako," nakangusong saad ni Yuri.

Nginitian ko lang siya at umiling.

"May gagawin lang ako. Una na kayo, susunod na lang ako," saad ko sa kanila.

Tumango naman si Stryker at hinila na si Yuri.

"Miley! Miley! Ah! Ano ba vloggerist! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ni Yuri sa gitna ng paghila sa kanya ni Stryker.

Nagsimula na naman silang mag-away kaya napa-iling na lamang ako.

Naglakad ako papunta sa hagdan patungo sa rooftop.

Simula noong lumipat ako sa paaralang ito hindi ko sinubukan umakyat sa rooftop. Pero ngayon, kahit mahirap pupunta ako.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko at sa bawat hakbang ay pahigpit ng pahigpit ang pagkakakuyom ko dito.

Sa bawat paghakbang ko ay naiisip ko si Yasmeen.

Ina-alala ko kung nakaramdam ba siya ng kaba o takot habang tinatahak niya ang hagdang ito.

Na sa paghakbang niya pa-akyat ay hindi niya alam na sa dulo nito ay kamatayan ang kakahantungan niya.

Napakapit ako sa hawakan ng hagdanan dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

Kaya ko ba?

Kaya ko.

Kakayanin.

Dahan-dahan akong tumayo nang hindi pa rin inaalis ang mga kamay ko sa hawakan ng hagdanan.

Nanatili akong nakahawak dito para gawing suporta sa pag hakbang.

Ilang minuto kong hinakbang ang maraming baitang ng hagdanan na ito.

Hindi ko alintana na nasa taas na pala ako.

Narating ko na ang huling baitang ng hagdanan at alam kong sa oras na ito ay naabot ko na ang pinto.

Sa pag-angat ko ng tingin sa lock ng pinto ay mayroong kadenang nakapulupot dito.

It's locked.

Tatalikod na sana ako ng mapansin ko ang sinag na lumagpas sa pintong ito kaya bumalik ako sa harapan nito at hinawakan ang kadena.

Dahan-dahan kong tinulak ito at bigla na lamang itong bumukas.

Parang napako ang mga paa ko sa pag bukas ng pintong ito.

Nilakihan ko ang awang nito at bumungad sa akin ang isang malawak na lugar kung saan mayroong mga sirang upuan at mesa.

Tama nga ang sinabi ni Yuri, naging imbakan na lamang ito ng mga sirang upuan at mesa.

Madumi at halatang hindi na napupuntahan ng ibang studyante.

Pa isa-isang hakbang ang ginawa ko habang nililibot ang paningin sa paligid nito.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon