Chapter 49 (The truth - 2)

85 5 0
                                    

Napa-upo ako at napadungaw sa baba. Nakita ko siyang nakakapit sa isang metal na nakakabit sa building.

Nanlaki ang mga mata niya at napangiti pero kita ko sa mga mata niya ang kaba habang ini-aabot ang kamay niya sa akin.

"Yuri! Tulungan mo ako!" Ani niya.

Nakangiti kong inabot ang kamay ko sa kanya at gumanti rin siya ng ngiti sa akin.

Nanlalamig at nanginginig ang kanyang mga kamay kaya bigla akong nakaramdam nang awa sa kanya.

Nakakapit na ang dalawa niyang kamay sa kaliwa kong kamay habang ang isa kong kamay ay nakakapit sa isang sahig para kumuha ng suporta

"Iniwan ka ni Yasmeen dahil isa kang loser," ani ni Hara habang naka-ngisi." Wala naman gustong makipagkaibigan sa mga loser, right? You're destined to be alone forever, Yuri. Yasmeen pretends to be your friend dahil sa awa."

"Yasmeen pretends to be your friend dahil sa awa."

"Yasmeen pretends to be your friend dahil sa awa."

Tila nag paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi na iyon ni Hara sa akin at kasabay noon ang unti-unti ring pagkawala ng ngiti ko sa kanya.

Napalitan ng pagtataka ang mukha niya ng bigla kong inalis ang isa niyang kamay na nakakapit sa kamay ko.

"I want you gone, Yasmeen," mapait na ngiti kong ani.

"Y-Yuri," ani niya pero tumalim lamang ang tingin ko sa kanya.

"You pretended to be my friend. Yo never really want me to be your friend! I'm a loser to you, right? They called me crazy and loser pero hindi ko aakalain na 'yun din ang tingin mo sa akin," ani ko pero mabilis lang siyang umiling.

"H-Hindi totoo 'yan, Yuri. Naging totoo ako sa 'yo. Hindi ako kailanman nag-panggap na maging kaibigan mo. Totoo lahat ng iyon, Yuri," naluluhang wika niya. Ramdam ko ang sinseridad sa mga sinabi niya pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako. "Pero para sa ikaluluwag ng iyong pakiramdam, papatunayan ko sa 'yo na totoo lahat ng ipinakita ko sa 'yo." Ani niya habang nakangiti.

Bakit siya nakangiti?

Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakahawak ko dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"W-What are you doing? Yasmeen!" nagtataka kong untag sa kaniya.

"Naging totoo ako sa 'yo, Yuri, at hindi ako nagsisi na naging magkaibigan tayo," nakangiti niyang ani pagkatapos ay tuluyan ng bumitaw sa kamay ko.

"No!" sigaw ko.

Nanigas ang mga kamay ko ng makita ko siyang nahuhulog sa ere.

Habol ang hininga ko habang hawak ang aking dibdib at malamig na pawis rin ang nagsisilabasan sa noo ko dahil sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko.

W-What have I done? N-No!

Narinig ko na lamang ang biglang sigawan ng mga tao at sa mga oras na 'yun alam ko na ang nangyari.

S-She's dead! I-I killed her!

Tiningnan ko ang mga kamay kong nanginginig at napag-tanto ko na nawala ang isang hikaw na nakita ko kanina pero hindi ko na inintindi iyon at dahan-dahan na lamang akong gumapang papunta sa tapat ng pinto ng rooftop.

Nang makarating ako dito ay kumapit ako sa doorknob upang magbigay suporta sa pagtayo ko. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng makita ko na wala na sa palapulsuhan ko ang bracelet na suot-suot ko.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon