Chapter 25 (Reminiscing)

73 5 2
                                    

"Buti naman hindi ka kinain nang buhay ni Hara." pabirong saad ni Yuricane.

Nandito kami ngayon sa labas ng campus at dahil uwian na inaya niya ako na samahab ko siyang maglakad pauwi.

Mas malapit kasi ang subdivision nila dito at malapit din ang subdivision namin sa kanila.

Tumawag na rin ako kanina kay Tita at sinabing huwag niya na akong sunduin dito.

"Miley! Bili tayo ng street foods! Alam mo kapag naglalakad ako mag-isa dito lagi akong ina-akit ng amoy nila. Nilalandi ako ng mga street foods, Miley." nakangusong saad ni Yuricane at hinila ako papunta sa isang vendor.

"Ano sa 'yo, Yuricane?" tanong ni manong habang nakatingin kay Yuricane.

"Naku si Manong Ed talaga." nakangiting tugon ni Yuricane.

Kumuha siya ng limang sticks ng isaw at nilagay ito sa ihawan.

Parang sanay na talaga siyang bumili ng mga street foods ah.

"Miley! Pili ka na kung anong gusto mo." utos sa akin nito habang pinapaypayan ang kanyang iniihaw.

"Yaya mo ba siya, Yuri?" tanong ni Manong habang sinusuri ako ng tingin.

Y-Yaya?

"Ani! Manong Ed naman. She's not my maid, she's my bestfriend. Her name is Miley." nakangiting saad nito at binitawan ang pamaypay niya pagkatapos ay inakbayan ako ni Yuri.

"Ay ganoon ba? Naku pasensya ka na hija. Malabo na talaga ang paningin ko." paumanhin ni Manong kaya tumango na lang ako.

Kumuha na rin ako ng talong stick ng isaw at kwek-kwek.

I love street foods too. Isaw is my favorite.

Kaya nga mahilig akong tumambay noon sa park kasi alam ko na kapag hapon na ay may nakapwesto ng street food sa gilid ng kalsada.

Nang maluto na namin ang isaw ay nilagay na namin ito sa lagayan at nag hanap ng pwesto kung saan pwedwng kumain.

Lakad-takbo ang ginawa namin ng makakita kami ng magandang pwesto sa ilalim ng puno.

"Salamat naman at may kasabay na akong kumain nito. Mas lalo kong mae-enjoy ang pagkain nito." Nakangiting saad ni Yuri at kinain ang una niyang stick na isaw.

"Ako rin dati kasabay ko 'yung kapatid ko na kumain ng street foods noong mga bata pa kami. Ayaw nga sana ng Mommy namin kasi ang kalat daw namin kumain." nakangiting kwento ko habang ina-alala ang mga nangyari noon.

"Ang saya naman niyan. Ako kasi, I don't have siblings. I feel alone that's why I poured all my attentions on watching kdramas. Now I became a kdrama addict." natatawang saad niya.

Ah kaya pala.

"By the way, I want to meet your sister. Gusto ko rin siyang kaibiganin parang close na close kasi kayo eh." saad niya habang sinusubo ang isaw sa bibig niya.

"Y-You can't m-meet her." utal na saad ko at napayuko.

"Why? Where is she?" tanong niya at nilapag sa damuhan ang lalagyan ng isaw niya.

"S-She already left. She's now on a very far away place. I can't even contact her, talk with her, go malling with her and hugged her." mahinang saad ko at unti-unti na naman akong nakaramdam ng pagsikip ng dibdib ko.

Naramdaman ko ang panunubig sa gilid ng mga mata ko at nanginginig na ang mga labi ko dahil sa pagpigil ko sa sarili ko na umiyak.

"Hey! W-What's wrong?" tanong ni Yuri at dahil dun ang kaninang pinipigilan kong mga luha sa mata ko ay biglang pumakawala sa mga mata ko.

My sister is my weakness. Everytime I talk about her I just can't control my feelings. I become sensitive.

Niyakap lamang ako ni Yuri at hinaplos-haplos ang likod ko.

"Shh. Everything will be okay." pang-aalo nito sa akin.

"I'm sorry, Yuri. I become so emotional. Nakakahiya." saad ko at lumayo na sa pagkakayakap niya. Dali-dali ko namang pinunasan ang luha ko at tumayo na.

"Let's go? Malapit ng dumilim." aya ko sa kanya at tumayo naman siya.

"Are you sure you're okay?" nag-aalala pa ring untag nito.

"Of course." nakangiti kong saad sa kanya.

Naglakad na kami ni Yuricane at tahimik lamang akong naglalakad. Ramdam ko rin ang pagtahimik niya kaya nilingon ko siya.

"Malapit na tayo sa subdivision niyo." nakangiting saad ko at napatango naman siya.

Nang makarating na kami sa subdivision ay niyakap niya ako bago pa man siya pumasok sa gate.

"Ingat." kaway nito sa akin. Pabalik ko rin siyang kinawayan at naglakad na.

Hindi naman gaano kalayo ang subdivision namin kaya nakarating agad ako.

"Yaya Tere. May pagkain na po ba?" tanong ko kay Yaya at pabagsak na umupo sa couch.

"Meron na, Luna. Kakain ka na ba?" tanong nito at lumapit sa akin.

"Opo, Yaya. Pakisabi na lang po kay Tita hindi ko na siya mahihintay kasi gagawa pa po ako ng assignments." malumanay na wika ko at tumungo na ng kusina para kumain.

Pagkatapos ay umakyat na ako at pabagsak na napahiga sa kama.

Feeling ko sobrang stress ko ngayong araw.

Maraming nangyari sa araw na ito.

Tumayo na ako upang magbihis at maghilamos pagkatapos ay ginawa ko ang assignments ko ng mabilisan.

Hindi naman mahirap sagutan.

Nang matapos ko ito ay humiga na ako at napapikit.

****

It's tuesday again and my tita insisted again that she will drove me here to school. So, I agree.

Sianlubong ako ni Yuri sa corridor at nakita ko naman sa pinto si Stryker kaya nginitian ko naman ito.

"Are you okay now, Miley?" tanong ni Stryker.

"Oo, Stryker." tugon ko pero hinila na ako ni Yuri papasok at hindi na hinayaan na magsalita si Stryker.

Natawa naman ako at tiningnan si Stryker na kakamot-kamot sa batok niya.

"Miley, about what happen yesterday-" saad niya kaya naman pinutol ko ito at umiling.

"No! It's okay. I'm okay, Yuri. Don't worry." saad ko.

"Really?" paninigurado niya kaya naman napangiti ako at tumango.

"Really." saad ko naman at niyakap niya ako.

Hindi na kami nakapag-usap ng matagal dahil dumating na si North kaya bumalik na si Yuri sa upuan niya.

Math is our first subject and it's okay for me. I don't hate math. I love science. Wala akong hate na subjects depende lang sa topic kapag ayaw ko talaga.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon