"Miley! Sabi ko na nga ba pupunta ka sa rooftop eh!" sigaw nito at patakbong lumapit sa akin.
"Bakit kasama mo 'yan?" kunot-noong tanong ni Stryker habang tinuturo si North.
North put his hands in his pockets and look at Stryker with his bored eyes.
"Oo nga! Kaya pala ayaw mo akong isama dahil si North ang isasama mo," nakangusong saad ni Yuri.
Tiningnan naman siya ni North pero binelatan lamang ito ni Yuri.
"North!" rinig naming sifaw ng isang babae.
Nilingon naman namin ito at nakita namin si Hara na papalapit sa amin.
Lumapit siya kay North at kumapit sa braso nito.
"North, Ma'am Alexis said that we should practice for the pageant," nakangiting saad nito.
"May pupuntahan ako," seryosong saad ni North.
I saw Hara's eyes snapped together, totally disappointed.
"But, North. The pageant will be on wednesday and we have only 5 days to practice since today is friday," naguguluhang saad nito pero umiling lang si North.
"Ikaw lang naman ang may gusto ng title eh," Yuri murmured.
Marahan ko siyang siniko kaya napatingin siya sa akin at umiling sa kanya.
Tumingin naman si Hara kay Yuri at inismiran ito.
"Kinakausap kita?" taas kilay na untag ni Hara kay Yuri.
"May sinabi ba akong pangalan?" pabalang na sagot din ni Yuri.
"You shut up, bitch!" galit na banta ni Hara kay Yuri.
"But, bitch! I don't know how to shut up!" sagot ni Yuri kaya naman hinila ko na si Yuri paalis para hindi na lumala ang away nila.
"Do not stop me, Miley. That bitch is so annoying!" saad pa ni Yuri na pilit pumipiglas sa pagkakahawak ko sa kanya.
Sumunod naman sa amin si Stryker at pinigilan rin si Yuri.
"Hey, warfreak stop being fiery," saad ni Stryker.
Tiningnan ko naman si North at Hara. Pinipilit pa ein ni Hara si North ngunit nakatingin lamang ito sa direksyon namin.
"Let's go malling, Miley!" sigaw ni Yuri kaya naman napabaling ako sa kanya.
"Malling? Why?" tanong ko sa kanya.
"May bibilhin lang ako. Samahan mo ako," saad nito.
"I will go with you," nakangiting saad ni Stryker habang nakatingin sa akin. Tumango naman ako pero pinigilan siya ni Yuri.
"Bakit ka sasama, aber?" tanong nito pero kumibit balikat lamang si Stryker.
"Can I come?" tanong ni North na papalapit na sa amin.
"North!" sigaw ni Hara at hinabol siya.
"Sa tingin mo papayagan ka ng lintang 'yan?" turo ni Yuri kay Hara.
North glazed at Hara and say, "I'll just practice tomorrow."
"Sasama ako," saad ni Hara.
"Oh please! Don't you ever come Hara. I'm warning you!" Yuri said rolling her eyes.
"Oh dear, you can't stop me!" Hara said and raised her brow.
"Ang dapat hindi sumama rito ay ikaw and that nerd," turo niya sa aming dalawa na may pandidiri.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.