"Da-Dadaan lang sana po ako," inosenteng saad ko dito.
Gulat at hindi makapaniwalang mukha ang ipinakita niya sa 'kin. Ngunit hindi naman katagalan ay bumalik ang seryoso niyang mukha.
Napa-ismid naman siya at kumunot ang kanyang noo.
"Parang kanina lang ang tapang mo ah," sarkastiko niyang saad at nginisihan ako.
"Pa-daan," tipid kong saad at inatras niya ang likod niya upang bigyan ako ng daan.
"Salamat," wika ko at umupo na.
Pumihit siya sa direksyon ko kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka ngunit kunot noo niya lang akong pinagmasdan.
"May split personality ka ba? Mood swings? O may saltik ka talaga?" sunod-sunod na tanong ni North sa 'kin pero kinuha ko lang ang earphones ko at isinalpak ito sa aking magkabilang tainga.
Kalalaking tao ang daldal.
Diretso ang tingin ko sa blackboard at nararamdaman ko pa rin ang tingin sa 'kin ni Hara at North.
Dukutin ko mga mata nito.
Pumasok na ang teacher namin sa History. She is Ma'am Elina Moral. She's pregnant that's why she's just sitting while discussing.
And as usual, kahit pala dito sa West University ay hindi rin masaya kapag nag le-lecture ang History teacher nila.
Halos lahat sila ay puro hikab at namumungay ang mga matang nakatingin kay Ma'am. Namumungay dahil sa antok.
Ito namang nasa kanan ko ay tulog na tulog na. Saan na kaya nakarating ang panaginip nito?
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi naman niya siguro mahahalata 'di ba?
Mukhang anghel ang mukha kapag tulog pero kapag gising talagang kabaliktaran.
Mahahabang pilik mata at makapal ang kanyang kilay. Matangos ang ilong at mapula ang kanyang mga mala-perpektong hugis na labi.
Ang mata niya ay singkit at sa tingin ko ito ang mas lalong nakapag-pa-ibig sa ibang babae na nag kakagusto sa kanya.
Ginala ko pa ang tingin ko sa buong mukha niya at na realized ko na natural lamang na hangaan siya ng mga babae. Pakialamero nga lang.
"Tapos ka na ba?" mahinang saad niya at minulat ang mga mata.
Nanlaki naman ang mata ko at dali-daling ibinaling ang tingin sa unahan.
"Na-memorize mo na ba ang mukha ko? Nai-inggit ka ba dahil sa mukha ko? Pangit ka kasi," pa-ismid na sabi niya at ibinaling ang ulo sa kanan niya.
Nag-akto naman ako sa susuntukin siya ngunit nag salita siya.
"Hindi nga talaga ikaw 'yung nakita ko. Pero pareho kayo ng ugali. Masungit," mahinang sabi niya. Napahinga naman ako ng malalim at ngumiti.
Nakangiti akong tumingin sa black board at nakinig na sa nagtututuro sa unahan.
"Of course," pabulong kong saad.
****
Nandito ako sa garden ng West University at ito lang ang lugar na alam kong makakapagbigay sa akin ng katahimikan.Masyadong sariwa ang hangin. Talagang malalanghap mo ang bango ng mga iba't-ibang bulaklak.
Hindi masakit sa ilong ang amoy nito at hindi rin ako magsasawang amuyin ang bango na kumakalat sa paligid ng garden na ito.
May ilan ring studyante ang nandito at alam kong gusto rin nila itong lugar na ito. Nakaka-akit. Makulay na mga bulaklak at nagliliparang mga paru-paru habang dumadapo sa mga bulaklak.
Naupo ako sa isang bench at inunat ang mga kamay ko.
It's so good.
"Miley! Anong ginagawa mo dito? Ba't ka nag-iisa? Ay, oo nga pala wala ka pa palang kaibigan," wika ni Stryker at umupo sa tabi ko.
Gulat naman akong napatingin sa kanya dahil sa biglaang pagsulpot niya.
"W-Wala nagpapa-hangin lang ako. Ikaw? Bakit ka nandito?" Balik kong tanong sa kanya at napangiti naman siya.
"Wala lang. Ang ganda kasi ng garden dito. Syempre bagay ito sa background ng mga vlogs ko. Minsan nga dito ako nag ba-vlog eh," masayang sabi niya at tiningnan ang mga kuha niya sa camera niya.
"Gusto mo bang maging photographer o artista?" takang tanong ko pero umiling lang siya at tiningnan ako.
"Why?" tanong niya at ibinalik ang tingin sa camera niya.
"Wala lang. Kasi 'di ba? Ang mga vlogger nagkakaroon ng opportunity para mag artista?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Narinig ko naman ang pagtawa niya at ibinaling ang tingin sa akin.
"It's not that. Masaya kasing mag vlog eh. Pero siyempre minsan nakakapagod din. Lalo na't nagsasalita ka ng walang kausap, tsk," naiiling na saad niya kaya nagpakawala ako ng mabilis na tawa.
"Bakit naman naisip mo rin na gusto ko maging photographer?" tanong niya.
"E, kasi lagi mong dala ang camera mo tapos kapag maganda ang nakikita mo lagi mong kinukuhanan ng picture," paliwanag ko sa kanya.
Napatango naman siya at ibinalik na ang camera niya sa pagkakasabit sa kanyang leeg.
"No. This is the gift of my parents when I turned 10 years old. Wala naman akong mapaglibangan dahil lagi naman silang busy 'yung kapatid ko naman ang sungit sungit, tsk," wika niya kaya naman napatango na lamang ako.
"Pero alam mo noong bata ako may nakita akong isang babae sa isang park, umiiyak siya. Kaya kinuhanan ko siya ng litrato. Teka..." masayang saad niya at kinalikot ang kanyang camera na tila may hinahanap.
"Here," turo niya sa isang batang babae na nakatayo at naka black dress.
I-It w-was me on that photograph.
"She was my first subject," nakangiti niyang saad habang tini-tingnan ang picture ko.
"I-Iyakin pala ng first subject mo he-hehe," utal kong saad at napaayos ng upo.
FLASHBACK
I saw a boy staring at me. He was chubby and he has a camera hanging on his neck. He approach me and asked me why am I crying.
I told him that my parents died and without thinking twice, he hugged me.
'Don't worry little girl. Everything will be okay. Nasa heaven na sila at kapiling na nila si Papa Jesus. Kaya 'wag ka ng umiyak.' saad nito at tinapik-tapik pa ang likod ko.
Niyakap ko naman siya at umiyak sa balikat niya. Halos mabasa ko na noon ang damit niya pero hinayaan niya lang ako.
****
It was him.
Tiningnan ko naman siya at sobra akong natutuwa dahil sa pangalawang pagkakataon ay nandito siya.
"Akala ko nga ikaw siya eh. Pero ang layo ng itsura mo sa itsura niya. Haha!" wika niya at tumawa pa.
Tiningnan ko naman siya ng masama at nakita ko naman siyang nag-peace sign.
"Joke lang!" natatawang saad niya.
Bumalik naman sa seryoso ang mukha niya at tumikhim.
"Pero seryoso, Miley. Gusto kitang maging kaibigan," saad niya at tiningnan ako.
Ngumiti ako ng napakalawak at tumango lamang ako sa kanya. Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata niya at napatayo habang pumapalakpak.
"Yey! Thank you Miley!" masayang saad niya. Hinila niya ako patayo at niyakap ng mahigpit.
He was my very first friend here in West University. Hinanap ko rin siya noon pero hindi ko na nakita ulit. Hindi ko in-expect na dito ko siya makikita, kaya masaya ako.
I never thought that this boy became so handsome and cheerful. I am thankful that he is my childhood friend.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Novela JuvenilEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.