Chapter 48 (The truth - 1)

81 4 0
                                    

"H-How could you!?" dagdag pa ni Luna.

Ramdam ko sa mga salitang binibitawan niya ang galit at poot. Sa tuwinhg paghakbang ko papunta sa kanya ay huma-hakbang naman siya pa-atras. Kita ko ang panginginig ng naka-kuyom niyang mga kamao at mga labi. Alam kong sa pagkakataong 'yun ay gusto niya akong saktan pero tanging pagka-disappoint sa mga mata niya lang ang nakikita ko.

"I'm sorry, Luna! I'm just jealous back then. I'm sorry!" saad ko habang lumalapit pa rin ako sa kanya.

"If sorry can bring back my sister then  I can possibly accept it. B-But, Yuri..." gumagaralgal ang boses na ani niya. "...m-my sister," tuluyan na siyang bumigay at umagos ang mga luha sa mga mata niya.

"I can explain, Luna. Just hear me out," naiiyak na saad ko at humakbang palapit sa kanya. Pakiramdam ko ay parang nadudurog ang puso ko dahil sa pagkamuhi niya sa akin.

"A-All this time, y-you're lying to me? Masaya ka bang panoorin ako habang hina-hanap ko ang taong pumatay sa kapatid ko!?" tiim-baga niyang wika.

"N-No! Hindi ko intensyon na iyon, Luna, gusto kitang maging kaibigan sa una pa lang na magkakilala tayo. Natakot ako nanh sabihin mong si Yasmeen pala ang kapatid mo. Naging duwag ako Luna, patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa 'yo ang totoo. Ayaw kong mawalan ulit ng kaibigan," naiiling na wika ko sa kanya.

"Ayaw mong mawalan ng kaibigan? Sinong niloloko mo, huh, Yuri!? Nagbibiro ka ba? Ayaw mo palang mawalan ng kaibigan peri pinatay mo ang kaibigan mo? Ganyan ka ba magmahal ng kaibigan?" galit na asik ni Luna.

"H-Hindi, Luna. Pakinggan mo naman ako oh, please," pagmamaka-awa ko sa kanya pero matalim lamang na tingin ang pinupukol niya sa akin.

"Ano pang silbi ng paliwanag mo, huh!? Yuri, hindi mo pag-aari ang isang tao, hindi porke't may ibang kaibigan ang kaibigan mo, papatayin mo na!" nanggagalaiti niyang asik dahilan para mapa-atras ako.

"Please, just hear me out!" pagmamakaawa kong saad sa kanya.

"Sige bibigyan kita ng pagkakataon, sabihin mo," malamig na tugon ni Luna.

"Just not here," pag-aalinlangan ko.

Masyadong marami ng studyante ang nakatingin sa amin.

"No, ngayon na, Yuri," ma-awtoridad at malamig pa rin na tugon niya.

Napahinga naman ako ng malalim at tila bumalik lahat ang pangyayari noon.

FLASHBACK

Kakatapos lang namin ng exam na talagang sobrang nakaka-stress at binalingan ko si Yasmeen para tinawag ito.

"Yasmeen! Let's watch kdrama in our house. Movie marathon," nakangiti kong saad kay Yasmeen habang papalapit ako dito.

"Okay!" masayang tugon ni Yasmeen habang inililigpit ang kanyang mga gamit.

Lagi siyang sumasang-ayon sa mga gusto ko. Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin dahil alam niya ang kalagayan ko.

"I have something for you," saad ko at nilagay ang isang white cord bracelet na may nakaukit na MeenUri sa kanang kamay niya.

Maayos naman lahat hanggang sa naging malapit si Yasmeen kay Valissa. Hindi na suya gaanong pumapayag sa laha ng gusto ko, lagi na lang niyang kasama si Valissa. Nawalan na siya ng oras sa akin at bihira na lang kaming lumabas pero kasama pa si Valissa.

I don't really want to hate Yasmeen dahil lang sa nakakuha na siya ng bagong kaibigan pero Hara and her friends keeps on bullying me. Sinasabi nila na mag-isa na naman ulit ako, na walang willing na mag stay sa akin dahil loser ako.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon