Lumingon ako sa kinaroroonan nina Stryker at North. Maraming pumapalibot kay Stryker habang may ini-aabot sa kanyang mga notebook at ballpen.
Karamihan ay mga studyante sa iba't-ibang paaralan dahil sa hindi pare-parehong mga uniporme na suot ng mga ito.
Habang si North ay umiiwas sa mga babae na lumalapit rin sa kanya.
"I'm not a vlogger! Stay away from me!" inis na bulyaw nito sa mga babaeng pumapalibot sa kanya.
Tinataboy niya ang isang short hair na babae suot ang white at peach stripe na palda na tinernuhan naman ng blusang may peach na linings sa braso at kuwelyo.
"Uuwi na ako, Yuri," seryosong saad ko at tiningnan si Yuri.
May hawak siyang sticky notes, ballpens, pentel pens, notebooks at ilang wattpad books.
Napako ang tingin ko sa red sticky note na hawak niya.
It seems like i've been traumatize everytime i'm seeing that sticky note.
Winagayway naman ni Yuri ang kamay niya kaya nabalik ang huwisyo ko at tiningnan siya.
"I'm sorry. Nakita ko lang 'yang sticky note," saad ko.
"Naku! Ito?" saad ni Yuri at pinakita sa akin ang pulang sticky note.
"Oo. Ganyan rin kasi 'yung kulay ng sticky note na pinadala ni Hara kay Yasmeen," tugon ko sa kanya.
"Kay Valissa 'yung sticky note na 'yun. For sure, ginamit niya 'yung sticky note ni Valissa para pagbantaan ang kapatid mo," nakataas ang kilay na saad ni Yuri.
"Sabagay," sang-ayon ko sa sinabi niya.
"Aishh! Nanggigigil talaga ako sa Hara na 'yun. Sarap niyang ipatapon sa Mars!" nangigigil na saad niya at napapadyak pa sa sahig.
Napatingin naman sa kanya ang ibang customer na nasa loob kaya naman sinaway ko siya at napa-peace sign naman siya sa akin.
"Uuwi na ako, bigla akong nawalan ng gana," dagdag ko pa at pasimpleng tumingin sa direksyon ni North.
"Sabay na tayo, tutal nabili ko na naman ang mga kailangan ko," saad ni Yuri.
Tumango naman ako sa kanya kaya pumunta na siya sa cashier para bayaran ang mga pinamili niya.
Nilagay na niya ang mga pinamili niya sa plastic at tinungo ang exit ng bookstore.
Dire-diretso akong lumabas at hindi inintindi si North na malapit lang sa dinaanan ko.
Narinig ko ang pagtawag niya pero hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanya.
"Miley! Miley! Wait up!" rinig kong sigaw ni Yuri kaya napahinto ako at nilingon siya.
Ngunit ng makita ko na nasa likod niya si North ay mabilis akong pumihit patalikod sa kanila at naglakad ulit.
Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na nag tupe ng message.
To Stryker:
I'm sorry, Stryker if I have to leave so soon and didn't wait you. I just don't feel well. Hope you understand. Take care.
Sent.
Dinial ko naman ang number ni Yuri at nakailang ring din bago niya ito sinagot.
"Miley! Sabay na tayong umuwi! Where are you!?" tanong nito sa kabilang linya.
"Mau-una na ako-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may umagaw ng cellphone ko.
"Sa akin-" dagdag ko pa ngunit bigla na namang naputol ng makita ko siya sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.