"What's with the hugging?" rinig kong saad ng boses sa likuran namin.
Napahiwalay naman ako kay Stryker at nilingon ito.
"Hilaga?" untag ko rito.
"Ako nga. Bakit parang gulat na gulat ka?" seryosong tanong nito.
"A-Ah wala. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"Wala magpapahangin lang sana ako kaso nagyayakapan kayo.
Naka-istorbo ba 'ko?" tanong nito.
"H-Hindi-" naputol ang sasabihin ko ng tumayo na si Stryker.
"Let's go, Luna. Let's go back to our classroom," saad nito at nilahad ang kamay niya sa harapan ko.
"Luna?" untag ni North at tumingin sa akin.
Tumango naman ako bilang tugon sa tanong niya.
"Sinabi ko na sa kanila," saad ko.
Napatango lang siya at nilingon ko naman si Stryker.
Tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay at tumayo na.
"Salamat, Stryker," nakangiting saad ko sa kanya. He just chuckled and shook his head.
"Kanina ka pa nagpapasalamat baka lumaki na ulo ko niyan," pabirong saad nito kaya natawa naman ako.
Nilahad ko na rin ang kamay ko kay Yuri at tinulungan siyang tumayo.
Tinanggap niya naman ito at pinagpag ang palda niya.
"Tatambay ka pa rin ba rito?" kunot-noong tanong ko kay Hilaga pero hindi na siya sumagot at tumalikod na.
"Problema 'nun?" takang tanong ni Yuri.
"May regla ata. Pft!" natatawang saad ni Stryker.
Napansin namin ang paghinto ni Hilaga sa paglalakad kaya napahinto rin kami.
Lumingon siya sa direksiyon ni Stryker at napa-awang ang bibig ko ng makitamg namumula dalawang tainga nito.
"W-What did you say, Stryker?" tanong nito kay Stryker.
Tila isang inosenteng bata na umiling-iling si Stryker. Napakapit ito sa mga braso kaya natawa ako sa ginawa niya.
Cute.
"I smell trouble," rinig kong bulong ni Yuri.
Pasimple ko naman itong siniko pero natawa lang ito.
"You want me to strike you?" seryosong pagbabanta ni North.
"A-Ah tara na! May i-aannounce raw ngayon si Ma'am Alexis 'di ba?" singit ko.
Napatango naman si Stryker at tuloy-tuloy na naglakad habang nakakapit pa rin sa mga braso ko.
"Yah! Wait for me!" sigaw ni Yuri at patakbong humabol sa amin.
Nang makarating kami sa classroom ay nagsisidatingan na rin ang mga kaklase namin.
"Oh, Miley! Buti naman nandito ka na. Sabi ni North hahanapin ka raw pero hindi ko inaasahan na kayo palang tatlo ang hinanap niya. Salamat, North ah!" nakangiting saad ni Alliah ang president namin sa loob ng classroom.
Tinapik nito si North na nasa likuran na pala namin.
"Tch!" asik nito at dire-diretso na sa upuan niya.
"Nariyan na si Ma'am. Please sit down, classmates," saad ni Alliah kaya naman nagpaalam na sa akin si Stryker at Yuri.
Bumalik na sila sa upuan nila at naglakad na rin ako papunta sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.