May mga naging kaibigan kaya siya rito? Ano ba ang nangyari sa kanya rito para mamatay ng ganoon na lang.
Naging masama ba siyang studyante o naging mabuti?
Ano? Bakit? Paano? 'Yan ang mga tanong na nabubuo sa isipan ko ngayon.
Kung pinatay ang kapatid ko, bakit hindi man lang sila gumawa nang paraan para panagutin ang may kasalanan?
Bakit parang ang dali para sa kanila na i-baon sa limot ang nangyari kay Yas?
Huminga ako ng malalim upang alisin ang bigat ng pakiramdam ko na nagsisimulang ma-buo sa dibdib ko.
Kung nag-pakamatay naman ang kapatid ko bakit tahimik lang sila na parang wala lang nangyari?
Is it really fair? Why do I feel that my sister was stabbed in the back by this school? This school is shit!
Gusto kong umiyak dito mismo at tanungin sila isa-isa kung anong nangyari sa kapatid ko.
Gusto ko silang sigawan. Pero hindi pwede...
Napapalo ako sa aking desk at tumayo. Napatigil sa pagtuturo si Sir at bigla namang napatingin sa akin ang mga kaklase ko.
Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko ngunit pini-pigilan ko ito. Ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako.
"What the heck are you doing?" North snorted.
"P-Padaan," dahil sa pag-pigil ko sa mga luha ko ay pumiyok ako.
Akala ko matatawa siya ngunit biglang napalitan nang pagtataka at pag-aalala ang mukha niya.
Binigyang daan naman ako ni North kaya dali-dali akong dumaan sa harapan niya.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa garden ng West University.
Ang magagawa ko na lang ngayon ay takasan muna itong lugar na ito sa ngayon. Kahit ngayon lang.
Umupo ako sa ilalim ng puno ng mangga. Pinag-dikit ko ang aking mga tuhod at yumukod.
I was crying again.
I don't care if someone hears me cry. I just want to let this all out. I'm tired. I'm totally tired acting like this. I want them to pay for what they did to my sister.
"Miley! Gusto mo?" rinig kong wika ng isang lalaki sa likuran ko.
Dali-dali kong pinahid ang mga luha ko at tiningnan ang ina-alok nito.
Fudgee bar?
"Kunin mo na, nangangalay na ang kamay ko," reklamo nito kaya napa-irap naman ako.
"Sino ba kasi ang nag-sabi sa'yo na bigyan mo ako niyan? Atsaka bakit ka na naman nandito, North?" magkasalubong ang mga kilay na untag ko sa kanya.
Garagalgal pa rin ang boses ko dahil sa pag-iyak ko kanina.
"Ayaw mo? Kung ayaw mo eh di ako nalang kakain," wika nito at akmang bubuksan na ang balot ngunit pinigilan ko siya.
"A-Akin na," utal kong saad. Narinig ko naman siyang natawa at umupo sa tabi ko.
"Oh!" asik nito at binato ito sa lap ko.
"Salamat," ani ko.
"May nakapag-sabi sa akin na ang chocolates daw ay nakaka-tulong mawala ang stress ng mga babae. Mabuti na lang at gumana 'yan sa'yo," natatawang aniya kaya bigla naman akong napatigil sa pagkain at tinapunan siya nang masamang tingin.
"What?" inosente niyang untag.
"Tsk!" Asik ko at kumain na ulit.
"Kung ano man ang nangyari sa'yo kanina, hindi nakita tatanungin 'dun," Wika niya. Tiningnan ko naman siya pero nakatingin lang siya ng diretso sa harap.
"Basta kung ano man ang gumugulo diyan sa utak mo, sabihin mo lang 'dun sa taong pinagkaka-tiwalaan mo, hindi man mawala atleast mababawasan ang bigat," seryoso at buong puso niyang sabi at bumaling sa akin habang naka-ngiti.
Totoo ba ito? Si North? Is he concerned about me? Bakit niya ako dinadamayan ngayon dito?
Naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko. Mabilis at malakas, malayo sa normal na tibok nito.
Anong nangyayari? Bakit ako nakakaramdam nang ganito? Kinakabahan ba ako? Natatakot? Bakit hindi ko ma-intindihan?
What's happening to me?
I didn't expect that North has a kind heart.
Sanay kasi ako na binabara niya ako palagi at sinisira niya ang mga plano ko pero ngayon, it's different.
"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" supladong untag niya. Agad naman akong bumalik sa pagiging seryoso.
"W-Wala. Sige pala aalis na ako. Salamat dito ah," ani ko at inangat ang hawak kong balot ng fudgee.
Tumayo na ako at ipinag-pag ang aking palda.
"Teka lang," pigil niya sa akin.
Nilingon ko naman siya at tinanong, "B-Bakit?"
"'Yung sinabi ko. 'Wag mong kalilimutan," seryoso niyang saad at nauna nang umalis.
Bigla na namang kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.
Nagiging abnormal na ata ang puso ko. Baka kailangan ko nang magpacheck-up. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at hinabol siya.
"North! Salamat nga pala," ani ko at sinabayan siya sa paglalakad.
"Para saan?" tanong niya.
"S-Sa pag comfort sa a-akin," nahihiya kong ani. Naramdaman ko naman siyang huminto kaya napa-hinto rin ako.
"Then?" tipid niyang tanong at lumingon sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niyang i-lapit ang mukha niya sa akin.
Napa-atras naman ako ng kaunti dahil sa ginawa niya.
"T-Then what?" nau-utal na balik kong tanong sa kanya.
"Then, you owe me one," nakangising bulong niya habang nakalapit pa rin ang mukha niya sa mukha ko.
Ba-Bakit ba ang lapit-lapit niya?
I owe him? Ano naman gusto niyang ipalit ko sa kabutihan niya?
"A-Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko sa kanya at humakbang nang isang beses pa-atras.
"Saka ko na sasabihin," he said with a low voice.
"'Wag kang mag-alala hindi kita hahalikan. Ang pangit mo kasi," pang-aasar na dagdag niya.
Napasinghap naman ako sa ginawa niya.
Pagkatapos ay tumawa siya at nilayo na ang kanyang mukha.
Naiwan akong naka-tulala sa at hindi agad akong makagalaw.
Nang bumalik na ako sa katinuan ay napahinga ako ng malalim. Pinilig ko na lamang ang ulo ko at pumasok na sa room.
Tahimik lamang ako sa upuan habang ini-isip ko pa rin kung ano bang gagawin ko para mabayaran ang utang na loob ko kay North.
Sa kakaisip ay hindi ko na namalayan na uwian na pala.
Kinuha ko agad ang bag ko at isinukbit na sa mga balikat ko.
Pumunta naman ako sa parking ng bisikleta ko at nilagay sa basket na nasa unahan ang bag ko.
***
Please don't forget to comment or vote. Thank you💛
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.