Chapter 29 (Investment)

62 5 0
                                    

Tama nga si North.

Monsters that shows their real form are not scary, because those who hides their real colors are.

Pumasok si Ma'am Alexis sa room at nag-announce.

"3-A! Please invite your parents to attend a meeting tomorrow at 1 pm. Understand?" saad ni Ma'am Alexis.

"And you, North. Mom will attend," turo nito kay HIlaga na nasa tabi ko.

"Para saan ba ang meeting?" tanong ni Hilaga at pinatong ang siko sa mesa niya at nangalumbaba.

"For the incoming foundation day," saad nito at umalis na.

Nagsipag-hiyawan ang mga lalaki at nagsipag-tilian naman ang mga babae kong kaklase.

May kasamang patalon-talon pa.

Karamihan pa rin na mga babae ang nag-enjoy dahil sa dinig ko ay may mga booths daw na itatayo sa open field.

Hindi ko naman alam kung paano sila mag foundation dahil transferee ako dito.

Wala akong ideya, hindi rin ako sigurado kung a-attend ba ako o 'wag na lang.

"Miley! Miley! Miley!" hyper na sigaw ni Yuri kaya naman nagtataka ko siyang tiningnan. Lumapit siya sa akin at umupo sa upuan na nasa tapat ko tsaka humarap sa akin.

"Oh, bakit?" tanong ko sa kanya. Itinaas niya ang dalawang kamay niya at sumigaw.

"I'm so excited, chingu-ya!" masayang saad niya at hinawakan ang braso ko.

Hindi naman halata.

"Hoy, Yuri. Hinaan mo nga ang bunganga mo," saad ni Hilaga pero inirapan lang siya ni Yuri.

Nagsisimula na namang mag sungit si Hilaga.

Parang hindi na naman maipinta ang mukha nito.

Nang tingnan ko naman si Yuri ay ganoon din siya. Hindi ko alam pero parang inis/galit si Yuri kay North.

"May naririnig ka bang nagsasalita, Miley?" tanong ni Yuri. Tiningnan ko naman si Hilaga at nakita ko ang pag salubong ng mga kilay nito.

"A-Ah, Yuri halika na samahan mo ako. Nagugutom na ako eh kain tayo?" tanong ko kay Yuri kaya naman biglang nagbago ang mood nito at hinila ako paalis sa upuan ko.

"Pagkain? Pwede makisama?" masayang tanong ni Stryker at lumapit sa akin.

"Nope," tipid na tugon ni Yuri kay Stryker.

"I don't care about your opinion. Miley is my friend," akbay sa akin ni Styker.

"But SHE is my BESTfriend!" hila naman ni Yuri sa akin kaya naman nagulat ako dahil sa ginawa niya.

"If you won't stop pulling, Miley? Ako na lang ang sasama sa kanya," seryosong saad ni Hilaga at tumayo na sa tapat ko.

"No!" asik ni Yuri at hinila na ako papalabas.

Habol ang hininga naming dalawa ng makarating kami sa cafeteria.

"I'm so tired!" reklamo ni Yuri ng huminto na kami sa pagtakbo.

"T-That was unexpected," hinihingal na saad ko.

Nagtawanan lamang kami at nag-order na ng kakainin namin pagkatapos ay nag hanap na kami ng mau-upuan.

HARA'S POV

Masama ang pakiramdam ko dahil sa nabalitaan ko tungkol sa kompanya namin.

Hindi ko inaasahan na magugulo ulit ang kompanya namin.

'Yung kompanya na 'yun ay ipapamana sa akin ng mga magulang ko.

Kapag nakatungtong ako ng college ay sa Business Management ang kukunin ko.

Ako na rin kasi ang magma-manage noon dahil ako ang panganay.

Why did it happen? Why did the investor revoked it?

I called my Mom and she answered it quickly.

"Mom! What happenend?" nag-aalalang tanong ko.

"Anak, 'yung Mortelle Company. Malaking halaga ang nawala sa atin dahil sila ang may pinakamalaking na-invest," halata sa boses ni Mommy sa kabilang linya ang kaba at hindi mapakali.

Mortelle? Yasmeen.

So, Luna invest in our company and then what? Binabawi niya na? So, ganyan pala ang sinasabi niyang pagba-bayaran ko?

Napa-ismid ako dahil sa naisip. Hah!

Di-nial ko ang number ng driver namin at sinabihan ko siya na sunduin niya ako.

Ilang minuto lang ay tumawag ito at sinabing nasa may gate na siya.

Hindi ko na sya pinapasok sa campus dahil papalabas na rin ako ng building.

"Sa bahay," tipid kong saad.

Luna.

Nang makarating ako sa bahay namin ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong.

Kinuha ko ang laptop ko at sinearch ang pangalan ni Luna pero hindi ko makita ang account niya.

Wala ba siyang social media accounts? Gosh! Magaling siya magtago ah.

Nag-dial ulit ako sa phone ko at tinawagan si Dave. I don't want to call him but I have no choice.

"Hey! Thanks God, you called me. I've been waiting for you to ca--" pinutol ko ang sasabihin niya baka humaba na naman ang sasabihin niya. Wala rin akong time makinig sa kanya.

"Cut the crap, Dave. Kilala mo ba si Luna Mortelle?" tanong ko sa kanya.

"Luna? Hmmm..." saad niya sa kabilang linya.

"Ano?" tanong ko.

"Wait. The Luna that I know was not here anymore. She transferred to another school," saad nito.

Palihim naman akong natuwa dahil sa sinabi niya.

"What school? Did you know where she transferred?" tanong ko.

Matagal naman siya bago sumagot at naiinis na ako dahil naging chuppy na ang linya niya. Sobrang ingay ng background niya.

"Dave!? Dave!?" tawag ko sa kanya.

"Hey! Kaklase mo si Luna 'di ba? Did you know where she transferred?" rinig kong tanong nito sa kabilang linya.

May pakinabang naman pala itong taong 'to eh.

"Yes. Sa West University. 'Di ba?" rinig kong saad ng isang babae sa kabilang linya.

West University? Sa school namin?

"Ahh okay, thank you pretty girl," saad naman ni Dave.

Duh! Lumandi pa. Mambobola talaga nito

"Hello, Hara? Sa West daw. Diyan sainyo," saad nito sa kabilang linya.

"Anong year niya na ba?" tanong ko dito.

"Third year," tugon niya.

Third year? How come? Third year na rin si Yasmeen ah?

"May alam ka bang kapatid niya?"

"Sa pagkakaalam ko may kambal siya. She's studying there sa West University. Why?" ani niya.

Hindi ko na siya sinagot at pinutol na ang tawag.

So, all this time nasa paligid ka lang? Natutuwa ka ba Luna na nakikita mo akong para ng masisiraan kakaisip na baka anytime ay susugurin mo ako.

Kung kailangan kong suyurin ang West University para mahanap ka, gagawin ko.

Pinaglalaruan mo ako. Dinamay mo pa ang kompanya namin?

Pabagsak kong sinara ang laptop ko at tumayo na.

Hahanapin kita, Luna. Matatapos na rin ang pagtatago mo sa lungga mo.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon